Secret Crush
Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa mga susunod na pangyayari, katulad sa alon ng dagat na sumasabay lamang sa hangin.
Pagkatapos umalis kanina ng Kapitan ay agad kami nagtungo ni Sage kung saan pupwede makapag-renta ng susuotin na gown. Gusto sana magpatahi na lamang ni Sage ng isusuot ko ngunit kinontra naman ito ni Manang Lea at ng kanyang ina.
"Nagbibiro ka ba hijo? Mamaya na ang prusisyon. Hindi matatapos ng isang oras lamang ang ipapatahing gown." Sabi ng kanyang ina habang pinapaypayan ang kanyang sarili, tila hindi makapaniwala sa idea ng anak. Tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Ava, Hija, halika't ako magpipili ng gown na isusuot mo mamaya. Manang Lea, samahan mo kami sa loob." Sabi pa nito.
"Mom? How about me?" Nilingon ko si Sage na naghihintay ng sagot mula sa kanyang ina.
"You stay there Hijo. Magpili ka na rin jan ng susuotin mong barong tagalog." Hindi na sumagot si Sage at kaming tatlo naman ay pumasok sa loob kung saan maraming nakadisplay na mga gown. Lahat ng makikita mo ay magaganda. Ni hindi ako makapag desisyon dahil hindi ko alam kung babagay ba sa akin ang mga iyon.
"Anong kulay ng gown ang kailangan natin Manang Lea?" Tanong ng ina ni Sage.
"Puti ho ma'am dahil siya po ang reyna elena ngayon."
"Okay. I think found one here." Sabi nito sabay pinasadahan ng kanyang kamay ang mga disenyong nakatahi sa gown na nakalagay pa sa mannequin. Sinenyasan nito ang assistant na kasama namin dito sa shop.
"Naku ho ma'am nasisigurado ko pong babagay ito sakanya." Sabi ng babae at binigyan ako ng ngiti. Sumenyas ito na lumapit ako sa kanya habang maingat nitong inaalis ang gown sa mannequin.
Pagkatapos ng ilang minuto ay naisuot ko na ng tuluyan ang gown. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin na nasa fitting room. Tunay ngang napakaganda ng pagkakatahi ng mga kumikinang na maliliit na bato na nakadisenyo sa gown. Hindi ako masyado marunong maglarawan ng isang bagay pero isa lang masasabi ko, na maganda ang pagkakagawa nito. Parang pwede na ito gamitin na pang kasal.
Kasal...
Napahawak ako agad sa aking sentido. May biglang kumirot na kung ano sa aking utak. Mabuti na lamang at nawala agad. Hindi naman gaano masakit kaya't nakaya ko naman. Kumbaga parang dumaan lang yung hapdi sa utak ko.
"Hija di ka pa ba tapos jan?" Rinig na tawag ko ni Manang Lea. Mabilis naman akong kumilos at muling pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan bago lumabas ng dahan-daham sa fitting room.
"Jusko Hija...ang ganda ganda mo!" Sabi ng ina ni Sage sabay paypay nito sa sarili in a slow motion. Inikutan niya ako na para bang naniniguro siya sa isang bagay na kanyang sinusuri. Pagkatapos niya akong ikutan ay tumingin siya sa akin at nginitian ako.
"Ava?" Napatalon ako sa tawag sa akin ni Sage na nasa tabi ko lang. Tumingin ako sa kanya.
"Bakit?"
"Maglalakad na tayo. Mukhang malalim ang iniisip mo." Sabi nito sa akin. Hindi ko siya nasagot agad dahil pinalakad na agad kami ni Kapitan na ngayon ay kasabay namin na naglalakad. Nasa likod siya kausap sina Manang Lea.
"Ava? Are you tired? Gusto mo na bang umuwi?" Pag aalala ni Sage. Idinampi-dampi niya sa aking noo ang kanyang hawak na panyo habang ang ibang nakakakita at nakakasabay namin sa prosisyon ay panay biro sa amin.
"Hindi..este ang ibig kong sabihin ay okay lang a-ako." Pagkatapos kong sabihin iyon ay naririnig ko muli ang mga bulong bulungan sa likod namin.
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
RomanceWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?