Chapter 8 - Blush

61 3 0
                                    

Blush

Ngayong araw ay maaga akong nagising dahil gusto ko sana magpahangin sa labas at maglakad-lakad sa dalampasigan. Dahan-dahan akong naglakad sa pasilyo at pababa ng hagdan. Tahimik ang bahay ng lumabas ako at sinalubong ng malamig na hangin na yumayakap sa akin. Gusto kong mapanood ang pagsibol ng araw dahil ang sabi sa akin ni Sage ay maganda daw iyon panoorin.

Lumabas na ko ng gate ng bahay. Bago ako naglakad ay sinara ko muna ang gate.

Ngayon lang ako nakalabas ng bahay ni Sage. Naglakad ako patungo sa dalampasigan ang binasa-basa ang aking paa. Masyadong nakaka-akit ang kalinawan ng tubig. Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Sa may bandang dulo ay maraming taong nagkalat. Yung iba naman ang nagsuswimming sa dagat. Mayroon ding mga Bata na naglalaro dala-dala ang kanilang salbabida.

Nakakapagtaka dahil maraming tao sa bandang iyon. Bakit sa bandang dito ay wala?

Lumingon ako sa aking likod at tinanaw ang hindi kalayuang bahay ni Sage. Ngayon lang ako namangha ng makita ko ang kabuuan ng bahay niya. Spanish inspired ang disenyo nito na aakalain mong puro anak ng mga mahaharlika ang nakatira dito. Tiningala ko rin kung saan banda ang aking kwarto. Nasa pinaka-itaas na pala iyon. Kaya pala minsan ay hirap na hirap ako bumaba ng hagdan dahil masyadong mahaba iyon at parang pa-spiral pa yung pagkakagawa.

Pinagmasdan ko muli ang karagatan. Napakatahimik. Pumikit ako upang palubayin ang aking sarili habang mataimtim na pinakikinggan ang bawat mahinang hampas ng dagat.

Sa di malamang pagkakataon ay parang may mga imahe akong nakikita sa aking isipan.

Nakikita ko ang isang batang babae na nakikipag laro batang lalaki. Masaya silang naglalaro hanggang sa tinawag sila ng kanilang mga magulang upang kumain. Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain sa hapag. Nasisiyahan ako sa nakikita kong senaryo ngunit naputol iyon ng biglang may kung anong humila sa ugat sa utak ko. Napa-sapo ako sa aking ulo. Pilit kong kinakalma ang utak ko ngunit habang lumilipas ang segundo ay parang lalong sumasakit ang ulo ko.

Ahhhhh! Ang sakit..

Nanghihina ang mga tuhod ko sa sahig kaya't napa-upo na lamang ako sa buhanginan habang sinasapo ang aking ulo.

"Ava!" Sigaw ng lalaki mula sa malayo. Namalayan ko na lamang ang pag-angat ng katawan ko sa buhanginan.

"Ava? Wait.." bakas sa boses ang pag-aalala sa akin ni Sage sa akin habang karga-karga niya ako papasok ng kanyang mansion.

"Sus maryosep anong nangyari Iho?" Gulat na salubong ni Manang Lea sa amin.

Naramdaman ko na lamang na pinaupo ako ni Sage sa sofa at humarap sa akin.

"Tell me Ava, saan ang masakit?" Pag aalala nito. Tinapi-tapi ko ng dahan dahan ang aking ulo kung saan banda ang masakit. Narinig kong inutusan nito si Manang na kumuha na cold compress na agad naman nito sinunod.

"Shhhh mawawala din iyan.. okay? Just calm down.." pag aalo nito sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya na hinahaplos ang aking ulo kung saan ang masakit. Hindi ko alam kung anong meron sa kamay ng lalaking ito dahil sa tuwing hinahaplos niya ang aking ulo ay unti-unting nawawala ang sakit nito.

"May nakikita ka na naman bang senaryo?" Malumanay na tanong nito. Sunud-sunod akong tumango bilang sagot sa kanya. Nakita kong tumango ito na parang nasagot nito ang sarili niyang tanong sa isip.

Ini-abot naman ni Manang Lea ang cold compress kay Sage at nagpasalamat. Buong ingat nitong dinampi ang hawak na cold compress sa aking ulo.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito sa akin. Tumingin ito sa kanyang relos.

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon