The visitor
Kinaumagahan ay Linggo. Nakabili na ako kahapon ng pang-regalo sa kasal nina Gy. Buti pa itong si Gy, ikakasal na. Kailan kaya kami ni Kael ikakasal? Hindi naman sa nagmamadali pero ewan ko ba. Hindi ko naman masabing engage kami since hindi pa naman siya nagpru-prupose sa akin. Siya ang nakikita kong makakasama ko sa future at siya rin ang nakikita kong magiging ama ng mga magiging anak ko. At sa tuwing naaalala ko na muntikan pa akong mahulog sa ibang lalaki ay pakiramdam ko'y nag-taksil ako sa kanya. Ayokong mawala kung ano man ang sinumulan namin. Marami na rin kaming pinag-samahan kaya hindi ko iyon basta-basta dapat ipagsawalang-bahala.
Narinig kong tumunog ang doorbell kaya agad naman ako nagtungo sa may pintuan at binuksan ang pinto.
"Good morning." Bati sa akin ni Kael. Nasopresa niya ako ngayon. Bihira lang kasi ako nito bisitahin sa apartment. Kadalasan ay sa mall na kami nagki-kita pagkatapos ay magdidecide kung saan namin gusto pumunta.
Pagkakita ko sa kanya ay hinalikan ko siya sa pisngi at nginitian. Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo sa sala. Buti na lang at kakatapos ko lang maglinis ng bahay. Napansin ko rin na may dala-dala siyang paper bag na may tatak ng isang sikat na fast food chain dito sa Pilipinas. Kinuha ko iyon sa kanya at inilagay sa mesa.
"Napabisita ka yata?" Pagbibiro ko sa kanya. Tinignan niya ako at nginitian. Lumapit siya sa akin at pumuwesto sa likod ko upang bigyan ako ng back hug. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya na nakapulupot sa aking bewang. Inamoy niya ang aking leeg. Bigla akong na-conscious dahil hindi pa ako nakakapagligo!
Iniwas ko ng bahagya ang ulo ko sa kanya upang hindi niya na ako amoy-amuyin.
"I missed you so much. Kailangan ko talagang bumawi sayo. Ang dami ko kasing tinatrabaho ngayon." Sabi niya sa akin. Napangiti naman ako. Sa akin ay okay lang naman na maging abala siya sa kanyang trabaho. Iyan kasi ang pangarap niya at suportado naman ako sa gusto niya. Hindi naman ako tulad ng ibang babae na porket kulang sa atensyon ng kasintahan ay nakukuha nang mag-taksil. Well, muntikan na sana ako mahulog sa iba. Sa katunayan ay nahulog na nga ngunit pinigilan ko. Hindi ko kayang itapon ang ilang taon naming relasyon ni Kael para lang sa isang taong bago ko lang nakilala.
"Ano ka ba? Okay lang naman sa akin. Diba sabi ko sayo, kung saan ka masaya eh doon ako? I'm always here to support you." Sabi ko naman sa kanya. Hinalikan niya ako sa pisngi at nginitian.
"Alam mo? Kumain na tayo. Mukhang pareho tayong gutom." Sabi niya naman S akin. Natawa na lang kaming dalawa at pinagsaluhan ang pagkain na dala niya.
"Alam mo babe? Hanggang ngayon natatakot parin ako." Sabi niya.
"Natatakot saan?" Tanong ko naman sa kanya.
"Parang hindi ko kakayanin kapag nawala ka ulit sakin. Halos sisihin ko ang sarili ko dahil sa nangyari. Dapat ay sinamahan na lang kita noon papuntang Taiwan, o kaya ay pinigilan kitang umalis para sabay na lang talaga tayo." Bakas sa kanyang tono ang pagsisisi. Pero hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman. O baka lang masyado lang ako nag-oover read.
"Babe, past is past, okay? Ang importante ay nakabalik na ako at..buhay ako. And I'm thankful dahil hindi ka nawalan ng pag-asa sa akin, at hindi ka rin nag hanap ng iba..." Sabi ko sa kanya. Natawa ako sa huling linyang sinabi ko. I may sound like I have to prove something. Pero bakit naman? Hindi dapat ako mag-isip ng ganoon. He proved already his love for me, why doubt him?
Dahil ba sa muntikan na ako mag taksil sa kanya noong mga panahon na hindi pa bumabalik ang ibang ala-ala ko? Praning na ba ako?
Pero ilang taon din ako nawala..
Ayoko na isipin ang mga bagay na wala naman talaga. Kailangan ko mag tiwala.
Napansin kong natahimik siya at nagpatuloy sa pag-ubos ng pagkain.
"Nga pala, malapit na kasal ni Gy. Sama ka ha?" Sabi ko sakanya. Kinuha niya ang isang basong tubig, uminom at pagkatapos ay tumingin sakin.
"Oo pero susunod ako." Sabi niya. Ngumiti siya at nagsimula muling kumain. Napangiti na lang din ako. Alam niyo yung ngiting 'hays-narinig-ko-na-yan'. Okay lang naman yun kung makahabol siya or hindi. Not a big deal. Sanay naman na ako sa ganyan.
Pero ewan ko ba. Iba talaga pakiramdam ko. Ayoko naman ientertain yung mga hinala na yan, lalo na kung walang basehan.
Guilty lang yata ako dahil nangyari ang bagay na iyon saakin, ang magkagusto sa iba. Pero that was the time na hindi pa bumabalik ng tuluyan ang mga ala-ala ko!
Don't be so praning. Just trust your man, Ava.
**
Hindi kami lumabas ngayon ni Kael. We spend our Sunday watching movies. Pinagluto ko din siya kanina ng merienda na gustong-gusto niya. Nakakamiss din pala ang ganito. Noon kasi ay madalas namin to nagagawa. Ngunit nung nagkaroon na ng trabaho si Kael at napromote pa, medyo dumalang na yung oras na magkasama kami.
Nakasandal ako sa braso niya habang nanunuod kami ng The Notebook. Nasa kalagitnaan na kami ng movie kung saan may scene na...haha. Shit. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako diretso sa tv. Ramdam ko rin na hinihimas-himas ng kamay ni Kael ang left arm ko. Hinalikan din niya ang noo ko.
"Don't worry, hindi natin gagawin yan." Pagkasabi niya nun ay kumalma ako.
Bwiset na scene yun. Haha.
Tsaka bakit ba takot ka Ava kung may mangyari man sainyo? I mean, that's normal between the couple.
Yeah I know but..I'm not prepared. I dunno. Hindi pa ko ready isuko ito sakanya. Don't get me wrong, I love him. Hindi lang talaga ako prepared.
May times noon na muntikan na may mangyari saamin pero pinipigilan ko siya. Naiintindihan niya naman ako. Buti na lang, hindi siya tulad ng ibang lalaki na maghahanap pa ng ibang babae para masatisfy needs niya.
I kissed his cheek. After that, tumunog ang cellphone niya. Someone's calling. Nakita ko yung screen. Pangalan ng lalaki. Siguro ay katrabaho niya. Tumayo siya at nagtungo sa may kusina. Sinulyapan ko siya. Nakatalikod ito habang kamot-kamot niya pa yung ulo niya na parang naiinis. Napalingon siya sa gawi ko at binigyan ako ng isang ngiting parang 'sorry-babe'. Kahit yata siguro day off niya ay iniistorbo siya ng mga katrabaho niya.
After that call ay lumapit siya sakin. He kissed my lips, the quick one.
"Babe, I'm sorry, urgent lang. Babawi ako next time, okay?" Yeah right. I get it. Tumango na lang ako sa kanya.
"I love you so much." He said.
"I love you too. Ingat sa pag drive." Sabi ko.
Umalis na siya ng bahay at ako, heto naiwan na naman mag isa sa sala.
Tinapos ko mag isa yung movie. Parang wala akong naintindihan doon. Ang boring na tuloy ng araw na to...
*Ding dong..*
Kael?
Nagtungo ako sa pintuan upang buksan at tignan kung si Kael nga iyon.
"Hi ate Ava!!" wtf?
"H-hi Saria!"
************
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
RomanceWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?