The Visitor
Narito kami ngayon sa opisina ng hospital na pinagtatrabahuhan ni Sage. Namangha ako sa loob ng opisina niya dahil bukod sa maaliwas tignan, organized din ang mga gamit. Niyakap ko ang sarili ko ng makaramdam ako ng lamig.
"Sorry, sobrang lamig ba?" Tanong sa akin ni Sage. Kinuha niya ang isang maliit na remote sa may desk niya at may kung anu anong pinipindot. Tinutok niya ito sa aircon at yun, medyo nabawasan yung lamig.
"Ah okay lang.." Sabi ko habang pinipigilan ang panginginig sa lamig kanina. Paano naman kasi, medyo manipis itong blacer na suot ko at naka simple floral dress lang ako at flat shoes. Naramdaman kong umadjust na yung lamig.
"Pasensya ka na sa opisina ko. Upo ka muna. May pupuntahan lang ako sa ward." Sabi niya sa akin at iginaya ako papaupo sa swivel chair niya.
"Wait for me." Huling sinabi niya bago siya umalis. Itinuon ko ang paningin ko sa laptop na nasa harapan ko. Bakit parang puro games ang laman nito? Baka puro laro lang ang ginagawa nun kapag nandito siya. Mayroon din siyang bookshelf dito. Pati pala dito sa opisina niya ay may mga libro. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa book shelve. Mukhang mga pang doctor itong mga libro niya dito. Nang kukuha ako ng isang libro, biglang bumukas ang pinto kung kaya't nahulog ko yung libro na kukunin ko sana.
"Good after--oh, hi miss." Sabi ng lalaking pumasok sa opisina. Pinulot ko agad ang librong nahulog at ibinalik sa shelf. Inayos ko ang sarili ko dahil natuliro ako. Narinig kong tumikhim siya kung kaya't tumayo ako ng maayos. Okay self, kalma. Baka doctor din siya.
"Miss, ako nga pala si Alex. Ikaw?" Inilahad niya ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman iyon ng nanginginig pa.
"A-ava.."
"A-ava?" Pag uulit niya. Kasing tangkad niya si Sage at medyo hawig din sila. Hindi kaya kapatid niya to? Kaso ang alam ko, dalawa lang sila ni Saria ang magkapatid.
"Alex.." boses mula sa taong kakarating lang din. Binawi ko agad ang kamay ko na parang ayaw bitawan nitong Alex. Narinig kong ngumisi ito at umakbay kay Sage.
"Pinsan, musta na? Sino pala siya?"
"It's none of your business." Malamig na sabi nito. Inalis naman ni Alex yung braso niya mula sa pagkakaakbay kay Sage at itinaas ang dalawang kamay. Si Sage naman ay naupo sa kanyang swivel chair at agad na nagtipa sa kanyang laptop. Naupo na lamang ako sa sofa sa gilid at pinagmasdan siya.
Lalo talaga siya gumugwapo kapag ganyan kaseryoso ang mukha niya..
"Siya ba yung sinasabi mong..special patient?"
Tinignan na lamang ni Sage ang kausap, na parang sinasabi ng mga titig niya na manahimik ka o papalabasin kita sa opisina ko.
Natawa naman yung Alex at parang naintindihan niya ang ibig sabihin ng titig ni Sage.
"Oh siya titigil na. Oo nga pala, by next week, pinapasabi ni Sechyll na may dinner daw tayo sa mansion nina Saffron." Itong si Alex,
"Para saan naman daw ang dinner?" Tanong ni Sage na nakatutok parin ang paningin sa laptop.
"I don't know. Pero sabi ni Sechyll, mukhang nahanap na daw yung runaway fiancee ko."
"So, ikakasal ka na? Mabuti naman at kung ganon."
"Hahaha. Bro, parang gusto mo na ko mag asawa ah? Mamaya niyan, mamalayan kong nauna ka pa sakin ikasal jan." Sabi ni Alex sabay tingin sa akin at kumindat pa. Nahiya tuloy ako sa ginawa niya kaya yumuko na lamang ako at inalis ang dumi sa aking kuko kahit wala naman, ang mahalaga kunwari ay busy ako.
"May sasabihin ka pa ba?"
"Wala naman na bro. Sige alis na ako at parang nakakaistorbo pa ko." Sabi nitong Alex at umakto na parang nasasaktan. Hinawakan niya pa yung dibdin niya na parang sobrang sakit ng puso niya. Tinignan lang siya ni Sage at sa umiling na parang tanggap niyang baliw ang pinsan niya. Tumawang malakas itong si Alex dahil sa reaction ni Sage. Tumayo na din siya.
"Maka-alis na nga." Naglakad siya papalabas na ng opisina ni Sage ngunit bago man ito lumabas ng pinto, tumingin muna siya sa akin.
"Bye Ms. Beautiful!" Makulit na sabi nito at kumindat pa. Or baka napuwing lang siya? Not sure.
Nang tuluyan ng makalabas ang pinsan ni Sage ay agad naman itong nagsalita kaya napalingon ako sakanya.
"Pasensya ka na sa pinsan ko. Makulit lang talaga iyon." Sabi niya sa akin at ngunitian. Iba talaga ang dating ng mga ngiti sa akin ni Sage. Yung para bang manlalambot yung mga tuhod mo tapos parang matutunaw pa ang puso mo..
Ngumiti na lang ako sakanya para iparating na okay lang iyon sa akin.
Muli siya naging seryoso sa ginagawa niya habang ako, inabot ko yung magazine na nakalagay sa ilalim ng center table.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o ano.. Pakiramdam ko kasi ay parang timitignan niya ko pero kapag tinitignan ko niya, busy naman siya sa ginagawa niya sa table niya. Di ko mahuli kung nakatingin ba talaga o ano.
Kikiligin na ba ko? I mean.. sinong hindi kikiligin kapag tinitignan ka ng isang Rogen Sage Abuevo, diba? At tsaka, parang di naman na ko nasanay sa titig niya.. I mean, hindi pala ako sanay. Ano ba? Ang gulo ko naman.
Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok muli sa pinto kaya't napalingon ako. Agad na bumukas ito at pumasok ang isang babae na posturada, na parang galing siya sa mayamang angkan. Hmm.. Sino kaya siya? Kaibigan ni Sage? Katrabaho? Pinsan?
Or girlfriend?
Natigil yata ako sa paghinga ng maisip ko ang huling sinuggest ng utak ko. What if .. what of girlfriend nga niya? Pano na ko?
Natawa ako ng mapait sa loob ko. Saan naman galing ang tanong na Pano na ko? Eh isa lang naman akong hamak na pasyente ni Doc Sage. Bigla ako nawalan ng gana at pag-asa. Di ko maintindihan kung bakit. Masyado na yata ako nag aassume na magugustuhan ako ni Doc Sage..
Dumiretso ito sa table ni Sage na siyang pag lingon niya.
"Aida? What brings you here?" Sabi niya sabay ngiti kay.. ano daw? Aida?
****
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
RomanceWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?