The Proposal
Just like the normal day, narito ako ngayon sa school at medyo busy ako sa faculty room. Nagchecheck ako ng test papers and nagcocompute din ng grades for projects.
"Ms. Ava? May naghahanap po sainyo." Napatigil ako sa ginagawa ko ng tawagin ako ng co-teacher ko. May naghahanap sa akin? Kaya iniwan ko muna sandali ang ginagawa ko at lumabas ng faculty room. I am surprised dahil nakita ko si Kael at may dala dala itong food. Tumingin pa ito sa wrist watch niya bago lumapit sa akin.
"Kumain ka na ba? Lunch na ah." Sabi nito sa akin sabay bigay ng quick kiss sa lips. Sinaway ko siya sa ginawa niya at pabirong hinampas ang braso niya pero di naman ganun kalakas. Mabuti na lang at wala masyado nadaan tao ngayon sa hallway. Bawal PDA dito lalo na sa mga teachers.
"I'm sorry. I just missed you so bad."
"Asus. Oh tara pasok ka. Dun na tayo sa table ko kumain." Pumasok na kami sa faculty room at pinagtitinginan na naman kami ng ibang co-teachers ko. Puro ayeeeee na naman sila sakin at sana all daw ay hinahatiran ng jowa ng lunch. Kilala naman nila si Kael dahil pumupunta talaga siya dito dati. Ngayon na lang ulit na naman siya nakapunta dito kaya nasurprise talaga ako. Mag oorder na sana ako ng pagkain. Buti na lang at dumating agad siya.
"Lunch po Tayo mga ma'am, sir!" Pag-aya ko sa kanila. Tumango na lang sila at yung iba ay kumakain na din ng lunch.
"Tara babe. Nagluto ako ng menudo at may fried chicken." Sabi niya habang inilalabas niya sa isang lunch bag ang mga Tupperware na lamang nito. Ngumiti ako sakanya dahil.. wala lang. Natutuwa ako at sabihin na nating kinikilig? Ito na ba yung sinasabi niya na babawi siya sa akin?
Natigil siya sa pagprepare ng food ng hawakan ko ang mga kamay niya. Nakatingin siya sa akin at parang nagtatanong. Umiling lang ako at binigkas ang salitang I love you.
"I love you too, babe." Sabi nito at nginitian din ako.
"Teka, wala ka ba pasok ngayon?" Tanong ko.
"Meron. Pero mamaya pa naman mga 3pm. Magchecheck lang ako sa site." I see. Tumango na lamang ako at biniro siya. "Kaya naman pala nakapag-luto ka. Daming time babe?"
"This time babe, I will always make time for you." Pakiramdam ko uminit pisngi ko sa sinabi niya. Umiling na lang ako habang nakangiti at sinimulan na kumain ng lunch.
In fairness, masarap talaga magluto ang isang to.
"Nga pala babe mamaya sunduin kita, okay?" Sabi niya. Seryoso? Gulat akong napatingin sa kanya.
"Talaga? Baka naman di ka na naman sumipot ha?" Sabi ko na may konting halong tampo pero biro lang. Nabigla ako sa ginawa niya nang kurutin niya pisngi ko sabay tawa.
"Kawawa naman ang babe ko. Mukhang na-trauma na sa akin. Don't worry, I'll make sure na makakapunta ako. Okay? After site visit, punta ako agad dito, hintayin ko matapos class mo." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko, just to show that I need to trust him this time. Bakit parang iba ang pakiramdam ko ngayon? Parang may something na mangyayari na di ko mawari.
------
Pagkatapos nang lunch break namin ay umalis din si Kael at ako naman ay nagtungo sa aking class. Inasar pa nga ako ng mga kapwa ko teachers. Sana lahat daw may jowang pogi. Naku, darating din kamo yung sakanila in time.
Wala naman masyado nangyari after since nag lesson lang ako sa mga students then nagbigay ng quiz at assignment.
"Hi ma'am!" Bati sa akin ni Kael mula sa labas ng pinto. Nag aayos na din ako ng gamit kaya pinapasok ko na siya sa classroom. Wala na din naman ang mga bata since uwian na din naman. Alam mo naman ang mga bata, nagsisi-unahan sa pagpabas ng classroom kapag uwian time.
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
RomanceWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?