Past Memories"Mama.." umiiyak na tawag ko sa aking ina. Kasama niya ang Kuya George ko na tumakbo papalapit sakin at inakbayan ako. Sa wakas ay sinundo din ako ng mama ko para makapag-sumbong ako sakanya. Eh paano, yung kaklase kong si Kael, sinabihan akong bungi! Oo, alam ko na bungi ako pero bakit kailangan niya pa ako asarin na bungi ako? Siya nga jan bungi din pero inasar ko ba siya? Diba hindi naman?
"Anak! Pasensya ka na at kakarating lang namin. Sinundo ko pa kasi itong si kuya George mo sa school nila." Paliwanag ni Mama. Kinuha ni mama ang maliit kong bag at hinawakan sa pala-pulsuhan. Habang si kuya naman ay hawak niya sa kabila.
"Bilisan na natin at naghihintay ang papa niyo." Kaya't binilisan naman ang paglalakad. Aba, minsan lang magsundo si mama na kasama si Papa. Ang tatay ko kasi, isa siyang jeep driver. Nang makita namin ang jeep mi Papa, agad kami tumakbo ni kuya at nagpaunahan sa pagsakay. Walang pasahero si Papa kung kaya't bakante ang jeep. Si Mama naman, naupo sa unahan, sa tabi ni Papa.
"Kamusta ang eskwela niyo mga anak? Gusto niyo ba mag merienda muna? Oh ayan, tig isa kayong burger ha? Pasensya na kayo at hanggang Big Mak lang muna si tatay. Di bale, kapag maraming dilensya, kakain tayo sa Jollibee!" Mahabang linya ni Papa. Tuwang tuwa kami ni Kuya George kasi favorite namin itong burger.
"Papa, kapag malaki na ko at may trabaho na ko, bibilhin ko lahat ng paninda ng Big Mak para lagi tayo may burger!" Linya naman ni Kuya George sabay kagat sa burger nito.
"Kuya, sana bukas malaki ka na para palagi na tayo may burger!" Excited na sabi ko. Natawa sina Papa at Mama dahil sa pinagsasasabi namin ni Kuya. Si Mama naman ay inabutan kami ng tubig.
"Ayaw niyo ba mag Jollibee?" Tanong naman ni Papa.
"Gusto po Papa!" Sabay na sagot namin ni kuya. Sa totoo lang, hindi kami ganoon kaexcited kumain sa Jollibee dahil hindi pa naman kami nakakapasok doon para kumain. Madalas, pinapasalubungan na lang kami ni Papa ng burger at fries. Minsan naman ay spaghetti na may chicken. Wala kasi kaming time kumain sa loob ng Jollibee kasi walang oras. Yung nanay ko, busy sa palengke para magtinda ng karne ng baboy, manok at baka. Ang tatay ko naman ay jeepney driver. Kung kaya't kapag sabado at linggo, ako nasama kay Papa sa pagpapasada niya ng jeep habang ang kuya ko naman ay tumutulong sa palengke kay Nanay.
"Konting ipon na lang mga anak. Kakain tayo sa birthday ng kuya mo sa Jollibee mismo."
"Yehey!! Aba kuya next week na yung birthday mo diba?"
"Oo nga! Makakatikim na naman tayo ng chicken joy!"
"Naku mga bata kayo. Basta patuloy lang ang pag-aaral ng mabuti ha? Para matupad niyo ang mga pangarap niyo." Sabi ni Mama
"Opo Mama!" Sabay na sagot namin ni Kuya.
Pagkatapos namin kumain ng burger ay pinaandar na ni papa ang jeep. Habang bumibyahe kami, nakita namin ang kaklase kong si Kael kasama ang Nanay niya. Nag hand sign si Papa na hindi siya magpapasakay ng pasahero. Hapon na din kasi. Igagarahe niya na ang jeep.
Hmp! Oo nga pala, isusumbong ko pala yang si Kael kay Mama.
*******
Hays. Ano ba yan. Grade 6 na kami, kaklase ko parin ang kumag na yan! Kakainis. Kami palagi ang aso't pusa sa section namin. Tilad ngayon, tinapunan na naman ako ng pinabilog niyang papel. Nanlilisik na naman ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Sumusobra na naman siya sa araw na ito kaya't tumayo ako at kinuha ang walis tambo sa broom box at saka sya hinabol.
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
RomanceWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?