Chapter 4 - How Are You?

62 3 0
                                    


A/N: Hello madlang readers! Char. As if naman marami akong readers. Hahaha. So ayan, nagbabalik na po ang Chasing Memories dahil natapos ko na yung She's Awake. Magfofocus na talaga ako dito sa kwento ni Georgette Avalon. But but but, medyo matatagal padin po ang pag update ko dahil medyo busy ang inyong author wanabe. Hehe. Pero sana, matapos ko na agad ito para masimulan ko na yung ibang stories.

So ayan na po, may bago na po update. Sana magustuhan niyo po. Hehe.

Enjoy!

*****

How are you?


Nagulat ako ng makita ko si Saria. She's smiling like the way she used to. Tinapunan ko ng tingin ang dala niyang plastic bag na mukhang may laman na mga chips and some bottled drinks.

"P-pasok ka." Sabi ko sakanya. Pagpasok niya ay inilagay niya ang kanyang mga pinamili sa mini table ko sa sala. Iginala niya rin ang kanyang paningin at unti-unting sinuri ang mga bagay na makikita. Wala naman kaso sa akin kung feel at home ang bata. Natutuwa nga ako dahil after all these years, hindi parin nawala ang pagiging malapit niya sa akin.

"Ikaw ito Ate Ava?" Naagaw naman niya ang atensyon ko. Hawak niya ang picture ko na naka-frame pa.

"Ah yes. Bakit?" Tanong ko sa kanya. Medyo natatawa nga ako sa expression niya.

"Ang cute mo pala nung highschool days mo. Hehe." Sabi niya. Nilapitan ko naman siya. May kinuha siyang isang album. That's our family album. Isa-isa niya tinignan ang mga pictures. Nasa tabi niya lang ako dahil baka may maitanong siya.

Masaya kong kinukwento sa kanya ang bawat nasa litrato. Nang mapunta sa isang picture ay natigilan ito. Sinuri niyang mabuti iyon.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"S-sino ito ate?" Tanong niya. Itinuro niya sa akin yung nasa picture.

"Ah. Si Euan. Ka-edad mo yata yan or mas matanda sayo ng isang taon." Sabi ko sa kanya.

"Kapatid mo pa siya?"

"Nope. Pinsan namin. Bakit?"

"Wala naman." After that, nilipat niya na sa ibang page iyon.

I decided to prepare for our dinner. I asked her kung ano gusto niya ulam.

"Mechado ate." Sabi niya with matching puppy eyes. Haha. I smiled then nag tungo sa kusina.

Mechado, ito yung luto na favorite niya at ng kuya niya. Natuto ako magluto nito noong nasa puder pa nila ako.

"Ate, saan ka nagpunta at bakit ngayon lang tayo nagkatagpo?" Tanong niya sa akin habang abala ako sa pag hahanda ng mga rekados na gagamitin ko sa pag luto. Mabuti na lamang at may stock pa ako rito sa aking ref.

Ngumiti ako sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na sinadya kong magtago upang hindi ko na sila makita. Mahirap gawin iyon sa akin lalo na't napalapit na ang loob ko sa kanilang magkapatid. Hindi man naging maganda ang unang pagkikita namin ni Saria, natarayan man namin noon ang isa't isa ay hindi iyon naging rason upang hindi gumaan ang loob ko sa babaeng ito. She's more a sister to me. Lalo na't wala akong kapatid na babae. Dalawa lang kami ni Kuya George na anak ng magulang. Gustuhin ko man magkaroon ng kapatid na babaeng mas bata sa akin ay hindi na iyon maari lalo na't pinagbawalan na noon si Mama na magbuntis pagkatapos sa akin.

"Hindi ko alam Saria. Kung saan saan din kasi ako pinadala ng Ayala upang magturo. Ngayon ay inassign nila ako dito sa Manila." Paliwanag ko. Totoo naman iyon. Kung saan saan ako pinadala ng Ayala upang magturo. Ang pinakamalayo kong napuntahan ay ang Mindanao. Pumayag akong maassigned soon dahil nandoon si Kael. I took that opportunity upang makasama siya, para na rin makabawi sa mga araw na nawala ako sa piling niya. Laking pasasalamat ko dahil hindi siya sumukong hanapin ako noong nawawala pa ako.

"Ah ganun pala. And ngayon, dito ka naassigned sa Manila?" Tanong pa nito habang pinapanood ako kung paano lutuin ang hinihintay niyang mechado.

I can stay in Mindanao as long as I want. Sa totoo nga lang ay mas gusto ko na doon tumira kasama ang kasintahan. Ngunit dumating yung araw na pinapabalik na ng Manila itong si Kael kaya't kahit ayokong bumalik ay napilitan akong magpatransfer kung saan siya malapit. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon dahil alam kong darating ang araw na ito, na magtatagpo muli ang mga landas namin. Kung maari ay ayoko na balikan kung ano man ang meron noon. Past should be buried alone forever. I can't let that past ruined what I am now today. I can't let go of Kael. He's my everything.

Sa tuwing iniisip ko iyon, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kirot dito sa puso ko. I know that Sage has a great spot here in my heart. But I don't want to entertain it anymore. I should follow my brain para wala ng gulo. Kailangan kong kalimutan kung ano man itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi iyon maaari.

"Yes. Kaya dito na ulit ako nagtuturo." Sagot ko sa kanya pagkatapos ay inihain ang niluto sa mesa. Tinulungan niya akong mag asikaso sa mesa at sinimulang kumain.

"Hmmmm" tunog ni Saria habang nilalasahan ang niluto ko.

"Hanggang ngayon ate, the best parin ang menudo mo. Pwede ba mag take out?" Hirit nito pagkatapos ay uminom ng tubig. Napangiti ako dahil sa request niya. Tumango ako bilang sagot sa kanya.

"Thank you ate!" Pahabol nito at pinagpatuloy ang pag-kain.

Natapos din naming pagsaluhan ang niluto ko. Siya na rin ang nag volunteer na mag ligpit ng mga kinainan. Pinigilan ko pa nga siya ngunit ayaw niyang magpa awat kaya't hinayaan ko na.

"Thank you ate for the dinner. Next time?" Galak na sabi nito bago lumabas ng gate ng apartment na tinutuluyan ko.

"Yeah sure. Ingat ka." Sabi ko at kumaway sa kanya bago ito sumakay ng motorsiklo niya at tuluyang umalis. Ang batang iyon, kailan pa natuto mag motor?

Sasaraduhin ko na sana ang gate ng biglang may tumigil na kotse sa harapan. Inaalala ko kung sino sa mga kapit bahay ko ang may kotse at bakit sa gate ko mismo ito prumeno, eh may kanya kanya kaming gate?

Hindi ko muna sinara ang gate at hinintay kung lalabas ba sa kotse yung tao o hindi.

Sinuri ko ang gulong ng kotse ngunit hindi naman flat. Bakit ko ba pinuproblema ang kotse na ito? Mabuti pa at isara ko na ang gate. Ngunit bago ko iyon magawa ay narinig kong bumukas ang pinto ng kotse at lumabas doon ang lalaking pinagtataguan ko.

"How are you, Ava?"

********

A/N ulit: don't forget to vote and comment po kung may napansin kayong error like typo or grammar. Salamat po.

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon