Chasing Memories
There are things you don't want to end but you're afraid to continue. Yes, I always have this on my mind. Hindi ko alam kung bakit takot akong ipagpatuloy ang mga bagay na alam kong makakapag-pasaya sakin. Dahil ba sa walang kasiguraduhan kung magiging masaya ba talaga ako kung ipagpapatuloy ko? Ano nga ba tawag dun? Doubt? I am.. always afraid because of doubt?
"Teacher! Teacher! Si Kirby po inaaway ako.." Sabi ng isa kong estudyante, si Jenny. I gave her a smile para iparating sa kanya na huwag siyang mag alala.
"Eh bakit ka daw niya inaaway?" Malambing na tanong ko sakanya.
"Eh kasi po, ang panget ko daw po. Panget po ba ako Teacher Ava?" Tanong niya sa akin habang pinupunasan ng sarili niyang kamay ang kanyang mga mata na kanina pa umiiyak.
Napataas ang aking labi sa sulok. Naalala ko noon kung paano kami nagsimula ni Kael.
Hinaplos ko ang buhok ni Jenny para pakalmahin ito.
"No.. Ang pretty mo kaya Jenny. Don't mind him, okay? Tahan na. Tapusin mo na yung seatwork mo." I smiled. Sinunod naman ng bata ang utos ko at bumalik sa kanyang table.
Bata pa lang kami ng magtagpo ang mga landas namin ni Kael. We were classmates noong Preschool. Hanggang sa nag elementary kami. Siguro nung grade 4 ko lang siya hindi naging classmate pero nung nag grade 5 na kami, classmate ko ulit siya. Hanggang sa nag high school.
How I missed my highschool life. Fourth year na kami noon ng naging kami ni Kael. Hanggang sa natapos namin ang college ay hindi kami naghihiwalay. Well, may times na muntikan na. Pero hindi naman natutuloy. He's a board passer and I am very proud of it. It's his dream, to be a great Engineer someday. At ako naman? I am a licensed teacher. Elementary to be exact. Kaso mas pinili kong magturo muna ngayon sa Preschool dahil na rin sa mahilig ako sa mga batang maliliit.
Isa-isa kong chineck ang seat work ng mga bata habang sila ay nagtitake ng recess nila. After recess, konting story telling then uwian na.
Kapag sa hapon, hanggang alas kwatro lang ang pasok nila. Madalas ay alas-singko na ako nakakapag-log out dahil sa may mga magulang na alas singko kung sunduin ang kanilang mga anak.
I checked my phone and Kael is calling.
"Hello?"
"Babe, Im sorry if hindi kita masusundo today. Mag oovertime kami ngayon dahil delay yung isang project namin. Ingat sa pag uwi." Kael. Sanay na ako sa ganitong set up. Medyo naninibago lang ako ngayon dahil parang madalas na ang pag oovertime niya.
"Oh..okay. Ingat kayo. I love y--" biglang naputol ang linya.
Ilang minuto ko pa muna tinitigan ang screen ng cellphone ko bago ko iyon nilagay sa bag ko. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ganoon ba siya kabusy para hindi ako patapusin sa pagsasalita? Sigh.
"Teacher! Tumawag po sa akin si Tito. Nasa labas na daw po siya. Uwi na po ako. Babye po!" Sabi ng estudyante ko na si Kirby. Siya ang naiwan dito kasama ko sa classroom. Its already 5:30pm. Masyado naman yata late ang pagsundo sakanya ng Tito niya?
At may cellphone pala ang batang to. Tanda ko, nagkaroon ako ng sariling cellphone ay noong third year highschool pa ko.
"Okay sige. Sabay na tayo sa paglabas para may kasama ka papalabas ng gate." Kanina pa ko prepared umuwi kaya nilock ko na ang room at sinamahan ang bata papalabas ng gate ng school na ito.
"Teacher, gusto mo po ba sumabay sa amin?" Tanong ng bata. I smiled to him.
"Pwede ba? Sayang. Siguro next time na lang. May pupuntahan pa kasi ako. Teka, nasaan sundo mo?" Tanong ko sa bata. Nang makarating kami sa may gate, luminga-linga ang bata na parang may hinahanap.
"Teacher! Ayun po car ni Tito." Excited na sabi ng bata. Itunuro ng bata ang isang itim na Wrangler. Sinamahan ko ang bata papunta doon sa tinuro niya na kotse dahil sa kabilang kalye pa iyon naka-park.
"Teacher, hindi ka po ba talaga sasabay?"
"Hindi na. Sige, sumakay ka na."
"Bye po!" Kumaway kaway ito sakin at tuluyang bumuksas ang passenger's. Pumasok ang bata at nakita ko ang taong nasa driver's seat.
"Tito Sage! Si Teacher Ava po pala." Magiliw na pagpapakilala ng bata.
Yumuko ako ng kaunti upang makita ko ng buo ang tinutukoy ng bata.
"Magandang hapon po Sir. Ingat po kayo sa daan." Sabi ko. Hindi ako nilingon ng lalaki. Tumango na lang ito na seryosong nakatingin sa daan.
"Bye teacher!" Sabi ng bata. Kumaway din ako at isinara ang pinto. Ilang segundo lang ay umandar at umalis na ang kotse.
Naiwan akong nakatayo doon at pinagmasdan ang kotse habang unti-unti itong nawala sa paningin ko.
Parang nakita ko na ang tito ni Kirby. Hindi ko lang maalala kung saan. Kahit naka-side view ito kanina, makikita mo ang tikas ng pangangatawan nito. Matangos din ang ilong nito. Moreno. At feeling ko, gwapo siya.
Medyo suplado nga lang.
Ay! Ano ba tong pinag-iiisip ko? Napakamot na lang ako sa aking ulo at umiling.
**
Handa na ang lahat na mga dadalhin ko patungong Taiwan. Tinapos ko lang muna ang March bago magtravel this summer. Sabay sana kami ni Kael pupunta doon ngunit susunod na lang daw siya. May important meeting daw siya at baka 3 days pa bago siya makasunod. Syempre naging malungkot iyon para saakin dahil akala ko ay sabay kami pupunta doon at nagkausap na kami tungkol sa 1 week vacation namin. Kaso, biglaan daw yung meeting at hindi daw pwedeng wala siya doon.
Buti na lang at malapit sa may window ang upuan ko sa eroplano. Gusto kong makita ang mga tanawin kung ano ang mga itsura nito kapag ikaw ay nasa himpapawid. Nakakarelax din kasi sa mata.
Medyo inaantok na ako ng biglang may kung anong tumulak sa akin sanhi upang masubsub ako sa upuang nasa harapan ko.
What the hell!
Sapo-sapo ko ang aking ulo habang pinipilit tignan kung ano ang nangyayari sa eroplano. Natauhan lamang ako ng makita kong may dugo ang aking kamay na pinanghawak ko sa aking sentido. Hindi ko halos maintindihan ang sinasabi ng attendant dahil parang konting untog na lang ay nawawalan na ko ng malay.
"Miss, halika na! Suotin mo ito! Babagsak na ang eroplano. Kumapit ka sakin!" Sabi ng isang boses ng lalaki na hindi ko maaninag ang pagmumukha nito. Hilong-hilo na ako at hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako pagkatapos nito. Masyadong napalakas yata ang untog ko sa upuan kanina.
Pilit akong inalalayan ng lalaki ngunit masyado naging magulo ang galaw ng eroplano. Nakaramdam ako ng hilo pagkatapos ng may kung anong mabigat na bagay ang bumagsak sa ulo ko, rason upang tuluyang mawala ang liwanag sa aking mga mata.
------
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
RomansaWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?