Chapter 12 - Picnic

34 3 0
                                    

Picnic

Kinaumagahan, nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana. Nakalimutan ko yatang isara ito kagabi dahil nagustuhan ko ang sariwang hangin na bumabalot sa akin, rason upang makatulog ako ng mahimbing.

Tumingin ako sa kisame at inalala ang nangyari kagabi.

Totoo bang nangyari iyon kagabi? Nagsayaw ba talaga kami ni Sage? Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang init ng yakap niya sa akin. Hindi ko maintindihan sarili ko kung bakit parang gusto ko ulit maranasan iyon. Kung panaginip man iyon, parang gusto ko na ulit matulog.

Pero parang hindi eh. Ramdam ko parin hanggang ngayon ang tagos ng kanyang mga titig sa aking mga mata ng minsang nagtagpo ang aming paningin.

Ah shit! Is this true? Why it feels like my heart is jumping right now?

Naputol ang aking pag-gugunita ng marinig ko ang katok sa pintuan. Umunat muna ako bago bumangon upang buksan ang pinto. Baka si Manang Lea iyon. Ngunit mali ako, si Saria ang kumatok at pagkatapos kong pagbuksan ng pinto, pumasok ito agad sa kwarto at naupo sa paanan ng kama. Nagtatalon-talon pa ito na parang bata. Sinara ko ang pinto at nilapitan siya.

"Ang energetic mo yata ngayon?" Tanong ko. Tinignan niya ko na parang kinikilig. Kaaga aga, ano na naman kaya trip ng dalaga?

"Ayeeeeee! Ang sweet niyo kagabi ni Kuya! Grabe!" Sabi nito habang nagpipigil ng tili.
Totoo nga, hindi panaginip ang lahat.

"Sira! Ewan ko sayo." Iyon na lamang ang nasabi ko. Tumalikod ako dahil hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko. Sus maryosep, totoo pala talaga ang nangyari kagabi!

"Ay oh ang lapad ng ngiti!" Sabi ni Saria ng lumapit siya sa akin at hinarap sakanya. Napaka-pasaway talaga!

"Hindi no! Napapangiti ako dahil sa kagagawan mo. Ewan ko sayo. Gutom lang yan. Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Naupo ako sa side ng kama at kinuha ang suklay.

"Nagsusuklay na siya oh. Nagpapaganda na kay Kuya." Tukso pa niya. Tinignan ko siya ng nakakaloko at hinagis sakanya ang suklay. Natatawa parin ako sa teen ager na to.

"Ewan ko sayo Saria. Porket nagsuklay, nagpapaganda na?"

"Oo kasi dati di ka naman nagsusuklay." Sagot niya sa akin sabay hagalpak. Naku napaka-pasaway talaga ng batang to. Nagsusuklay naman ako dati. Bihira nga lang.

"Bahala ka nga jan. Bababa na ako para makapag-almusal na." Sabi ko sakanya at tuluyang lumabas ng kwarto, iniwan ang dalagitang tumatawa.

***

"Magandang umaga Hija. Halika't kumain ka na ng almusal." Salubong sa akin ni Manang Lea sa bukana ng dining area. Nakita ko doon si Sage, nakatalikod sa direksyon ko, na kumakain. Napahinto ako sa paghakbang at pati paghinga ko ay natigil din.

Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko..

"Ate!" Pambibigla sa akin ni Saria sanhi upang magulat ako ng wala sa oras.

"Saria Hija Ikaw talaga!" Pagsasaway ni Manang Lea sa dalagita na pangisi-ngisi sa tabi ko. Lumingon sa gawi namin si Sage at inalok kaming saluhan siya sa mesa.

"Ayeeeeee.." mahinang tukso sa akin ni Saria at hinila papunta sa mesa. Napa-iling na lamang sa hangin si Manang Lea na parang natutuwa din sa nakikita niya.

"Teka at makunan ko kayo ng plato." Paalam ni Manang Lea sa amin.

"Good morning. Kamusta tulog mo?" Tanong ni Sage habang abala nitong hinihiwa ang karneng litson. Sasagot na sana ako ng magsalita si Saria.

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon