Chapter 2 - Saria

143 2 0
                                    


Saria

Malaki ang chance na magtagpo ulit ang landas namin ni Sage, lalo na't nasa iisang circle of friends lang ang iniikutan namin. Nalalapit na rin ang kasal ni Gy kaya narito ako sa Mall, naghahanap ng pwedeng ipangregalo. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Department Store pero wala parin akong mahanap na pwede iregalo sakanila. Halos lahat naman kasi ay meron na sila. They are both from rich empire so it's really hard talaga to look for a gift.

I checked my phone, it's already 3pm. Wala man lang text from Kael.. Nakaramdam ako ng gutom kaya't nagpunta muna ako sa isang fast food dito sa loob ng mall at nag order ng pagkain.

"Ate Ava?" Dinig ko. Napaangat ako ng tingin at sinuri kung sino ang taong nasa harapan ko. Napalunok na lamang ako ng makilala kung sino ang babaeng nasa harapan ko.

"Pwede ako ate makiupo? Punuan na kasi." Tanong naman ng taong nasa harapan ko. She gave me a smile that I can't resist.

"S-sure." Sabi ko. Ngiti-ngiti siyang umupo sa harapan ko at inalis ang mga pagkain na inorder niya sa tray at nilagay sa mesa.

"I missed you so much ate. Ang tagal naman natin di nagkita!" Sabi niya naman saakin na parang ngayon lang ulit sila nagkita ng best friend niya.

Parang kailan lang ay neneng nene tignan ang batang to pero ngayon, dalagang-dalaga na. Ang huling nakita ko ang batang ito ay 18 pa siya noon. Nag attend pa ako that time noong debut niya. The memories there..Now she's 21 if I'm not mistaken.

"O-oo nga e. Anyways, kamusta ka na? Ikaw lang ba mag isa ngayon?" Tanong ko naman sa kanya, hoping na wala siyang ibang kasama.

"Ah. Wala eh. Gusto ko lang maglakad-lakad dito sa mall. Ang boring sa bahay. Bisita ka naman sa amin Ate Ava minsan. Miss ka na ni Kuya eh." She said. My heart raced after I heard the last sentence. Hindi ko alam ang irereact ko dahil sa sinabi niya. Nakatingin naman siya sa akin na parang hinihintay ang reaction ko.

I smiled.

I missed him too. Pero mali kasi.

"Ganoon ba? O sige. Kapag bored ka, punta ka na lang sa apartment na tinutuluyan ko." Sagot ko naman sa kanya. Natuwa naman siya sa paanyaya ko. Ibinigay ko sa kanya ang address ko.

"Sige ate kapag sabado, pupunta ako sa apartment mo tapos magpapaturo ako sayo mag bake. Just like the old times?" She smiled. How I missed those days.

Rogene Sariaya Abuevo is Sage's youngest sister. Naalala ko pa noong ikinuwento niya sa akin kung saan nagmula ang 2nd name ng kapatid niya. Doon daw kasi sa Quezon Province ginawa at pinanganak ang bunso niyang kapatid. That's why Sariaya ang 2nd name nito.

Kahit ilang buwan lang kami nagkasama ni Saria ay masasabi kong napalapit ang loob namin sa isa't-isa. Tinuring ko siyang kapatid. Siya iyong kakwentuhan ko o kakulitan sa lahat ng bagay noong nasa Isla Pasa pa ako, noong nandoon pa ako, mga panahong wala pa akong maalala.

"Ate, malapit na mag summer. Uwi tayong Isla Pasa? Miss ko na doon sa darua island. Just like the old times? Wag na natin isama si kuya kasi busy naman yun." Sabi naman niya sabay irap sa hangin. Napaangat naman ng kusa ang labi ko sa ginawa niyang iyon. Ganoon siya mag tampo, nag-iirap kapag minimention niya ang kuya niya.

"Sige tignan ko." Sagot ko naman sa kanya. Ngumiti naman siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Habang pinagmamasdan ko siyang kumain, may mga ala-alang bumabalik sa aking isipan. Mga panahong simple lang ang buhay.

Meron silang resort doon sa Isla Pasa. Doon ako namalagi for almost 2 years simula noong naaksidente ang sinasakyan kong eroplano patungong Taiwan. Napadpad ako noong una sa isang island sa Batanes. Then after nang magkamalay ako, dinala nila ako sa Isla Pasa upang doon gamutin.

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon