Chapter 14 - Drowning

22 2 0
                                    


Drowning

Buong hapon lang ako nanahimik simula nung dumating yung Aida kanina sa opisina si Sage. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, kung naiinis ba o nalulungkot, lalo na nung hinalikan nito ang pisngi ni Sage bago siya lumabas ng opisina. Parang normal lang iyon sa kanila. Ni hindi man lang sinabi sa akin ni Sage kung sino ang babae na iyon. Tsaka kung tignan ako nung babae, parang alam niya na kung sino ako kaya hindi na ito nag abala pa magtanong kung sino ako. Nginitian niya lang ako pero ramdam kong peke ang mga iyon.

Inaano ba kita?

"Ayos ka lang ba Ava? Kanina ka pa hindi kumikibo." Sabi niya habang hawak ang manebela habang nagmamaneho siya. Hindi ko siya nilingon. Ito pala iyong sinasabi niya na pupuntahan namin. Papunta kami ngayon sa bahay ng kanyang Grand parents sa Ocampo dahil kaarawan ngayon ng Lolo niya sa mother side.

"H-ha? Eh..palagi naman ako tahimik diba?" Which is true. Anong bago dun? Nagiging madaldal lang naman ako kapag si Saria ang kausap ko. Kung magsalita man ako na kaharap siya, eh minsan lang iyon. Nahihiya kasi ako. Ewan ko ba kasi. Parang mauubusan ako ng oxygen kapag kinakausap ako. Alam niyo ba yun?

Narinig kong tumawa siya pero enough lang para marinig ko. Yung tawa na para bang may naconfirm siyang isang bagay na kinatuwa niya. Ano naman kaya ang nakakatawa?

"She's my childhood friend." Sambit niya. Napalingon naman ako sakanya. Sino ba tinutukoy niya?

"Huh?"

"I thought you're jealous?" Nakangiting sabi nito. Bakit naman ako magseselos. Duh? Tsk. Masyado naman siyang ano.. Ano yun, harapan talaga sinabi sakin?

"Kababata ko si Aida. Apo siya ng kaibigan ni Lolo kung kaya't naging magkaibigan kami." Paliwanag pa nito. Teka, bakit ba siya nagpapaliwanag, eh hindi niya naman ako girlfriend diba? Kung kaya't tumango na lang ako at lumingon sa kabila upang pagmasdan ang mga puno na nadadaanan namin at unti unti akong napangiti ng mapait sa sinabi niya. Kababata niya pala iyon kung kaya't close sila at may pa-beso pa kanina.

Muling natahimik ang paligid kung kaya't nagpatugtog na lamang siya ng musika.

***

"Narito na tayo." Sabi ni Sage ng ipinarke  niya ang kanyang kotse sa malawak na space dito sa mansion ng kanyang Lolo at Lola. Grabe, ang yaman pala talaga nila ano? Nagsisilakihan ang mga bahay nila at talaga naman na malulula ka sa pagpasok dahil sasalubong sayo ang mga naka-uniporme na mga maids and even body guards na naka polong puti at itim na slacks.

"Marhay na bangui ho Senyorito Sage. Kanina pa ho kayo hinahanap ng Lolo niyo." Sabi ng isang katulong na sa tingin ko ay siya ang pinaka-head.

"Marhay na bangui man saimo Manay Andeng. Hain po si Lolo?" Sabi ni Sage gamit ang kaninang dialect. Ano kaya pinag uusapan nila?

"Yaon po duman sir." Sabi ni Aling Andeng at tinuro kung nasaan ang Lolo ni Sage. I assumed na Andeng ang pangalan niya dahil iyon ang itinawag sakanya ni Sage.

"Salamat po." Sabi ulit ni Sage at hinawakan ang palapulsuhan ko. Imbes na kabahan ako dahil sa dami ng bisitang nakatingin samin,  parang nararamdaman ko na naman yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinikilig ba ko dahil sa hawak niya ang palapulsuhan ko? Di ko namalayan na nakarating na kami sa isang round table na pang sampung tao.

"Hijo, kamusta? Nahuli yata ikaw ng dating." Sabi ng isang matandang lalaki at tumayo ito papunta sa direksyon namin. Sinalubong ni Sage ito ng yakap.

"Happy birthday Lolo." Bati nito. So, siya yung Lolo. I was about to greet him pero iniwas niya agad ang kanyang tingin sa akin at naupo. Yumuko na lamang ako pero deep inside, parang kumirot ng konti yung puso ko. Grabe, napahiya ako duh ah.. Ang sungit pala ng Lolo ni Sage.

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon