Meet The Doctor
"May gusto ka bang sabihin Ava?" Nag aalalang tanong sa akin ng lalaki. Sunod sunod ang pag-iling ko dahil hindi iyon ang pangalan ko. Tinatawag niya ako sa pangalang hindi ko matandaan.
"Don't pressure yourself to talk, okay? We'll wait until you can. For now, you have to rest." Sabi ulit nito at muling hinaplos ang aking buhok bago tumayo at lumapit kay manang. May ibinilin yata ito dito at pagkatapos ay lumingon siya sa akin bago lumabas ng kwarto.
Anong nangyayari sa akin at bakit hindi ako makapag-salita? Pinilit kong hindi mag panic dahil maaring sumakit na naman ang ulo ko.
"Iha, inumin mo itong tubig upang kumalma ka." Pag aalala ng babae. Inalalayan niya akong uminom ng tubig dahil hindi ko masyadong mahawakan ang baso. Pagkatapos kong uminom ay parang nanghina ako. Nakakagalaw nga ako pero bakit hindi ko magawang magsalita?
"Matulog ka na iha. Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka." Sabi nito at pagkatapos ay inayos nito ang kumot upang ipatong sa akin hanggang sa may dibdib. Ngumiti ito bago tumayo at umalis.
Bago man ito makalabas ay umupo ako at pinilit na magsalita.
"Hindi Ava ang pangalan ko.." sa wakas ay nakapag-salita din ako. Napakagat-labi ako dahil sa tuwa. I'm not mute. Nakakapagsalita pa ako!!
Agad naman napalingon ang babae at lumapit sa akin.
"Nakakapagsalita ka na iha.."
"O-opo."
"Teka tawagin ko si Sir." Tarantang sabi nito na agad namang pagkilos nito papalabas ng kwarto. Tumulo ang iilang luha sa aking mga mata. Madaming katanungan ang pumapasok sa aking isipan. Nasaan ako? Ano pangalan ko? Paano ako napadpad dito?
Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang dalawa sa kwarto. Ang lalaki ay naupo sa gilid ng kama na hinihigaan ko at hinawakan ang aking pulso.
"Your heartbeat is fine. Can you speak now?"
"Opo. Hindi po Ava ang pangalan ko sir.." Sabi ko dito na siyang ikinakunot ng noo niya. Agad niya naman iyon binawi at nagsalita.
"Hm.. do you remember your name?" Tanong nito na lalong nagpakaba sa akin dahil hindi ko alam kung ano ang pangalan ko. Napakagat labi na lamang ako at napayuko sa pagkadismaya sa sarili. Ni hindi ko maalala kung ilan na ang edad ko. Anong nangyari sa akin?
Napansin nito na hindi ako makasagot kaya't umalis ito sa tabi ko. Sinundan ko siya ng tingin. Pumunta ito sa harap ng isang aparador at binuksan. May kinuha siyang kapirasong papel soon at bumalik sa tabi ko.
"I found this thing inside your pants. That's why I assumed that your name is Avalon, Ava for short." Paliwanag muna nito bago ini-abot sa akin ang isang maliit na papel na kulay berde. Mukhang nabasa na ito at hindi na maintindihan ang ibang nakasulat. Ang tanging malinaw lamang na nakasulat sa papel ay ang Avalon. Sinuri kong mabuti ang papel. Parang may nakasulat pang pangalan bago at pagkatapos ng Avalon. It looks like I have two names and my surname starts with letter V.
"That's your Philhealth ID." Sabi muli ng lalaki sa tabi ko. Philhealth? Ano iyon? Bakit meron akong ID nila? Doon kaya ako nagtatrabaho?
Tumango na lamang ako at ibinigay iyon sa kanya.
Siguro nga ay iyon ay isa sa mga pangalan ko. At least ay meron na akong pangalan ngayon.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ulit ng lalaki sa akin. Tumango ako at hindi na nagsalita. Ipinalangin ko na lamang nasa sana ay may maalala ako upang makilala ko ang sarili ko.
"Good. Sa tingin ko ay kailangan mong malaman ang resulta ng findings..." Sabi nito na siyang umagaw sa atensyon ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Anim na buwan kang comatose Ava. I am very glad that you are finally awake. Hm..." He paused a second then nagsalita muli.
"..naaalala mo ba ang huling nangyari sayo bago ka napadpad dito?" Tanong nito sa akin. May pag iingat sa boses nito na siyang nagdala ng haplos sa puso ko. Siguro ay ganoon lamang talaga ang pag iingat niya dahil maaring sumakit na naman ang ulo ko kapag pinilit kong makaalala.
"Hindi ko matandaan.." mahinang sagot ko.
"Natagpuan kang walang malay sa dalampasigan, doon sa isa sa mga Isla sa Batanes habang ako naman ay mayroong medical mission doon. Tinawag ako ng mga mangingisda upang malaman kung buhay ka pa. May pulso ka pa noon kaya't agad ka naming dinala sa ospital." Paliwanag muli nito. Ibig bang sabihin ay nasa Batanes ako?
"S-saan ho ang Batanes?" Pag aalangan kong tanong. Napamura ako sa loob ko dahil maging ang pangalan ng lugar ang hindi pamilyar sa akin.
"Pinakadulo na iyon ng Pilipinas Ava."
"N-nasa Batanes ako?" Pagtatakang tanong ko. Napansin kong ngumiti siya at umiling.
Bakit parang napaka-soft ng lalaking ito? Sobrang mahinhin kung magsalita ngunit ang tikas ay nandoon parin.
"Wala tayo sa Batanes. Nandito tayo sa Cam. Sur. Nandito tayo sa aming rest house." Sagot naman ng lalaki sa akin.
Tumango na lamang ako bilang sagot kahit ang totoo ay nalilito parin ako.
"You've been in coma for 6 months already. Sabi ng espesyalista ay may tendency na magkaroon ka ng post traumatic amnesia.." napakunot noo na lamang ako sa huling salitang narinig.
"P-post traumatic amnesia?"
"Yes. You got a brain injury from the accident. Iyon ang dahilan kung kaya't hindi mo maalala ang nangyari sa iyo." Sabi pa nito sa akin. Hindi kaya ay naaksidente talaga ako? Hindi naman siguro ako makakarating dito kung hindi, diba? At.. bakit sa dalampasigan? Hindi kaya lumubog yung sinasakyan kong barko? Ganoon ba?
"Don't worry, I am here to help you remember the things that you need to. All you need is to trust me. Can you do that?" Sabi nito in his bedroom voice. Ah! Bakit nadidistract ako sa tuwing naririnig ko kung paano siya magsalita?
Wala sa sarili akong tumango upang ipaalam sa kanya ang aking pag-sang ayon. Ngumiti ito ng malapad na halos lumabas na ang malalalim na puyo sa pisngi.
"By the way, I'm Doctor Rogen Sage Abuevo. Nice to meet you, Ava." Pakilala nito sa akin na siyang ikinagulat ko.
He's... a doctor?
***
A/N: Hello guys! Ang Post Traumatic Amnesia po is a state of confusion or memory loss that occurs immediately following a traumatic brain injury. The injured person is disoriented and unable to remember events that occurs after the injury and may be unable to state their name, where they are, what time is it and etc.
Source: human-memory.net.
You can search it on Google guys para malaman niyo din yung ibig sabihin ng dinadanas ngayon ng ating bida na si Ava.
So yun lang po.
Ps. Sorry po kung may typos and wrong grammar. Edit ko na lang soon. Hehe. Salamat!
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
RomanceWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?