Christening
Today is Wednesday. Holiday. Walang pasok sa school kung kaya't maaga ako ngayon nagising dahil susunduin daw ako ni Kael. Ngayon daw gaganapin yung binyag. Akala ko nga ay sa sabado pa. Ni-resched daw nung kaibigan niya ang binyag nung anak nila. Yung kasal naman ni Gy ay sa Sunday gaganapin. Actually may rehearsal ulit ngayon kaso hindi muna ako makakapunta dahil sasamahan ko ngayon si Kael.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako agad ng simple puff dress na color beige with tiny floral designs. Simple yet elegent. Nabili ko lang to sa online for a cheap price. Not bad dahil mukhang mamahalin ang naorder ko.
I was about to put a lipstick on my lips when I heard my phone rang. It's Kael.
Sinagot ko ang tawag at ni-loud speaker.
"Good morning, babe! Open the door. I'm here." Sabi nito. Minadali ko ang pag lipstick at sinagot siya na papunta na ako.
Palabas na ko ng kwarto at agad na binuksan ang pinto. He's here. My Babe! As usual, ang gwapo parin at hindi kumukupas ang kagwapuhan niya. Kaya mahal na mahal ko ang lalaking to. Hindi ko kaya na mawala siya..
Ah talaga?
I gave him a smile and he do the same. Pumasok siya at binigyan ako ng kiss sa pisngi.
"Ready?" He asked. Tumango naman ako bilang sagot. Sabi ko sakanya kukunin ko lang yung mini sling bag ko at aalis na kami.
-----
Pagkatapos ng biyahe ay nakarating din kami sa simbahan kung saan gaganapin yung binyag. May mga ilan ding tao dun na familiar sa akin dahil nakikita ko na sila noon pa. Halos mga katrabaho nila ang nandoon.
Then, there is Jethro with her wife, Carmilla. Karga-karga ni Jethro ang anak nila ni Carmilla. Sa pagkaka-alam ko, birthday din ngayon ng baby. 1 year old. Last year lang din sila kinasal eh.
Anyways, si Jethro nga pala yung masasabi nating naging best buddy niya this career life niya. Until now, magkasama parin sila sa work. Katrabaho din nila itong si Carmilla. Ngayon tuloy ay nahihiya ako. Paano ba naman, yung tinutukoy ng mga kaibigan ko na other woman ni Kael eh itong si Carmilla. I don't think so. Masyadong maganda din at maamo ang mukha niya para maging other woman lang. And kasal na yung dalawa. So there's nothing to worry about.
After ceremony, dumiretso lahat sa venue kung saan ang reception ng birthday/Christening ng bata.
"Ang cute ng baby, no babe?" Bulong sa akin ni Kael habang karga-karga nito ang bata. Cute na cute siya sa bata. Ni hindi niya maitago yung kagalakan niya na naka-karga siya ng bata.
Ibig ba sabihin niyan ay gusto niya na din ba magka-anak kami?
Eh paano? Lagi siyang busy tsaka hindi pa nga siya nagpupropse sa akin. Nasa late 20's na kami.
"Oo nga babe. Hello baby boy!" Sabi ko din sa bata. Ngumiti ito sa amin ngunit napigil yung titig niya sa akin. Namimilog ang mga mata niya at nagblush din pisngi niya. Ang cute!!
"Babe mukhang nagagandagan sayo yung baby. Haha." Sabi ni Kael na aliw na aliw parin sa bata. Inistretch naman ng baby yung dalawang braso niya na parang gusto magpakarga sa akin. Kinuha ko ang bata at kinarga. Todo ngiti yung baby. Parang ngiting tagumpay ah. Narinig ko naman na bumanat itong si Kael.
"Ikaw baby ha? Baka nakakalimutan mo, gf ko yan." Natawa naman ako sa sinabi niya. Magselos ba naman sa bata.
Aliw na aliw kami sa bata ng dumating na yung mag asawa para kunin sa amin yung bata. Nakita ko kung pano malungkot yung bata. Natawa naman ako sa reaction niya. Ang cute lang!
"Say bye bye to ninong and ninang na baby." Sabi ni Carmilla at itinaas nito ang kamay ng bata para mag wave sa amin. Kaso pagkatapos nun, parang nagtampo yung bata kaya yumakap na ito sa mommy niya.
Hindi nakaligtas sa akin yung titig ng dalawa Lalo na yung mga titig ni Kael kay Carmilla. Ayoko mag overthink. Pero parang may panghihinayang sa mga mata niya. Naputol lang ang titigan na iyon ng niyaya na nito ni Jethro umalis ang pumunta sa ibang guests.
Lumingon siya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"I love you." He said sabay ngiti.
Kael..Ano yung nakita ko?
-----
"Ikaw naman sis. Baka nanghihinayang kasi kinuha agad yung baby sainyo nung mag Asawa?" Kasama ko ngayon sila Marune. Narito kami sa apartment dahil napagkasunduan namin na mag chill sandali. Katatapos lang daw ng rehearsal at binalita niya sa akin na nandoon daw si Sage. Isa siya sa mga best man daw. Meaning, wala siyang partner. Oo nga pala, Sabi ni Kael ay sure daw siyang pupunta sa kasal ni Gy. Dapat lang dahil pag nagkataon, baka ako lang yung abay na walang partner, na naglalakad ng mag isa sa isle. Tinanong ko na din kasi dahil malapit na yung kasal. Kung Hindi man siya nakarating, atleast masabihan ko agad si Gy. Sabagay, okay lang kahit Wala akong partner. Pero nakakahiya kay Gy dahil sinabi ko sakanya na si Kael na lang partner ko.
"Sana nga eh ganon." Mapait na tono ni Ivy. Bakit ba parang ang tabang naman niya sa bf ko? Until now ba hindi niya matanggap na mali yung nakita niya?
I sighed. Hayaan na lang. Basta ako, alam ko ang totoo.
Pero hindi mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Alam na alam ko ang ganoon na titig. He used to look at me like that. .
At alam ko kung ano ibig sabihin ng mga titig na iyon.."Baka gusto niya na magka-baby?" Dry na pagkakasabi ni Magie pagkatapos nito inumin ang beer sa baso niya.
"Yun din ang naisip ko." Siguro nga ay ganoon. Hindi ko na pinilit pa sakanila yung nakita ko. Think positive lang dapat tayo. Baka iyon talaga ang reason, diba?
"Papayag ka ba na magka-anak kayo?" Ivy habang finufoodtrip yung pulutan. Narito kami ngayon sa apartment ko. Kung mag inom ang mga to akala mo walang pasok bukas.
"O-oo naman..siguro kapag nagpakasal na kami." Medyo hesitant pa ako sa pagsagot. Of course, gusto ko magka-anak...with him.. kung pakakasalan niya ko diba?
Ah talaga ba? Who you were kidding?
"Kailan pa yan? Baka muna pa si Ivy ikasal kaysa sayo." Biro ni Magie kaya kami nagtawanan. Well, himala nga kung mag settle na siya. Pero kanino? Eh wala pa nga nagkakamali. Pawala na sa kalendaryo edad niya. Pero sabi nga nila, don't lose hope.
Yep! Don't lose hope, self. He will propose when the right time comes.
But until when I will wait? Nagmamadali ba ako? O may gusto lang akong takasan?
-------
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
Roman d'amourWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?