Chapter 03
Nasa dorm ako ngayon at isang linggo ng hindi lumalabas, isang linggo na rin akong hindi pumapasok. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko na may nangyaring masama sa'kin noon. Wala akong sinasabi sa kanila dahil ayokong mag alala sila sakin. Minsan na rin nila akong tinanong kung bakit hindi ako pumapasok. Ang sinasabi ko na lang ay masama ang pakiramdam ko. Nagtataka na rin sila dahil matagal ko ng iniinda ang pakiramdam ko.
Nagluluto ako ng tanghalian ko. Ako lang. Sa canteen sila Kumakain kaya mag-isa lang ako.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon.
"Meet me at the ground. Lunch." Unknown number 'to. Kumunot ang noo ko. Binalewala ko nalang at nagpatuloy sa pagluluto.
Naisip ko na ding tumawag kila mommy pero hindi ko sila matawagan. Hindi ko alam pero parang lahat ng tawag ko ay hindi nakakalabas sa buong school. Wala ni isang nagsend sa labas.
Ilang sandali pa ay tumunog muli ang cellphone ko. Tiningnan ko ulit.
"Please, come. I have something to tell you." Same number lang 'to at ang kanina. Binalewala ko nalang ulit. Maybe just a prank.
Umupo na 'ko para kumain. Kaunti lang ang kinakain ko dahil wala akong gana lalo na kung wala akong kasabay. Masyadong tahimik ang paligid at sobrang nakaka-bored.
Pagkatapos ko ay naghugas na 'ko ng pinagkainan ko. Nakaka-boring naman dito. Laging ganito ang ginagawa ko. Humiga ako sa kama ko. Nakatitig lang ako sa kisame.
Lagi kong naaalala ang nangyari noon. Tinawag nya akong Arra. Bakit nya ko tinawag sa pangalang iyon? Parang hindi ako nagalit sa ginawa nya sa'kin. Ugh! What happened to me? I must be hate him! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit? Ugh! Nakakainis!
Napabalikwas ako ng may marinig akong kumakatok sa pinto. Sunod sunod na katok. Napasiksik ako sa gilid ng kama ko. Kinakabahan ako. Tapos na ang lunch break nila kaya imposibleng sila Shane ang kumakatok sa pinto.
"Ah!" Sigaw ko dahil nagulat ako sa pagtunog ng cellphone ko na syang pagtigil ng kumakatok sa pinto. Tumatawag ang number na nag-text kanina. Nanginginig ang kamay kong sinagot iyon.
"H-hello?" Kinakabahang sagot ko sa tawag nya.
"Hello, Arra." Mahinang simula nya. Arra? Sino ba 'to? Bakit nya 'ko kilala?
"Who's this?" Tanong ko.
"I'm.... I'm sky, Arra." Sagot nya. Hindi ko Alam kung anong mararamdaman ko. Masaya, malungkot, galit? Masaya, kasi nakausap ko na ulit sya? Malungkot, kasi Baka hindi na nya ako matanggap? O galit, kasi ilang taon na ang nakalipas, pero ngayon lang sya nagparamdam? Nangako syang susundan nya ko pero hindi nya ginawa.
"I-It's just a prank, right?" Nanginginig na usal ko. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pag-iyak ko. Sya 'to eh. Alam ko ang pakiramdam pag sya ang pinag-uusapan.
"Shh. Don't cry. It's not a prank. I found you. Magsasama na ulit tayo." Mahinahong sabi nya.
"Bakit? Bakit ngayon lang Sky? Sobrang tagal kitang hinintay! An-tagal kong naghintay Sky!" Umiiyak na usal ko.
"I'm sorry. I'm sorry, Arra." Nanginginig ang boses nya. Hindi ko alam kung umiiyak ba sya o hindi.
Humikbi ako. Napatakip ako sa bibig ko. May sama ako ng loob sa kanya. Pero masaya ako dahil nakausap ko na sya.
"Arra nan-*Toot. Toot. Toot.*" Naputol ang sasabihin nya. Nawalan ng signal at hindi na bumalik iyon. Gigil na gigil ko'ng naibalibag ang cellphone ko. Damn it! Bakit ngayon pa?!
"Arra! Open this damn door please!" Sigaw nya. Kilala ko ang boses na iyon.
Inis na binuksan ko ang pinto at agad na sinampal sya. Nanlaki ang mata nya at Napatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?!" Galit na sigaw ko.
Nakahawak sya sa pisngi nyang sinampal ko.
"I just want to say sorry and-" I cut him. I slap him again.
"Ano?! Lakas din naman ng loob mong mag-sorry pagkatapos ng ginawa mo! Hinding-hindi kita mapapatawad Clyde! Tandaan mo 'yan! Kahit mamatay ka pa sa harap ko! I hate you! Layuan mo na 'ko at wag mo na akong lapitan! Kulang pa 'yang sampal na 'yan para sa ginawa mo sa'kin!" Galit na sigaw ko sakanya at isinara ng sobrang lakas ang pinto.
Ngayon ko lang naramdaman ang galit ko ng makita ko ang pagmumukha nya. Nanginginig ako sa galit. Tulala at umiiyak ako'ng bumalik sa kama ko. Niyakap ko ang unan ko at umiyak ng umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/148385924-288-k92915.jpg)
BINABASA MO ANG
Impure University
RomanceIsang paaralan na akala mo'y maayos subalit may natatagong secreto. Paaralan na Hindi mo aakalaing babago sa buhay ng isang taong papasok sa ganoong paaralan. Paaralan na tuluyang sisira sa buhay mo.... ____________ Impure University