Chapter 05
Kiarra Heil Rayon Mendez's P.O.V
Papasok ako. Ayokong magmukmok sa dorm. Gusto ko lang kalimutan lahat ng masamang nangyari sa'kin.
"Kain na!" Sigaw ni kenneth sa kusina.
"Anong ulam?" Tanong ni Josh ng makarating na kami sa mesa.
"Edi adobo." Sagot nya.
"Kia, kumain ka ng marami ah. Pumapayat ka na." Ani Kenneth sa akin. Ngumiti ako.
"Opo KUYA." Tumatawang sagot ko. Parang si kuya eh.
"Tss! Di ako katulad ng kuya mo." Inis na aniya. Tumawa lang ako.
Napapansin kong walang kibo si Shane at Josh. Napatingin ako sa dalawa.
"Shane. May assignment ba tayo?" Tanong ko.
Hindi nya 'ko pinansin -_-'
"Shane." Tawag ko. Mabilis syang nag angat ng tingin na para bang gulat na gulat.
"Huh? Bakit? Ano?" Sunod-sunod na tanong nya.
"May problema ba?" Nag aalalang tanong ko. Napahinto si Josh sa pagkain at napatingin sa'min. Si Kenneth din.
"Wala ah." Tanggi nya.
"Wag ka na ngang magtago sa'kin. Sige na, sabihin mo na." Pagpipilit ko.
"Wala nga." Tanggi ulit nya. Nag iwas sya ng tingin kay Josh na nakatingin lang sakanya.
"Josh. May nangyari ba na hindi ko alam dito, ha?" Tanong ko.
"W-wala" sabi nya at nag iwas din ng tingin.
"Guys wala kayong mapapala kung ililihim nyo yan." Usal ko.
"Wala nga. Late na tayo. Tara na." Pag-iiba ni Shane ng topic.
Wala akong nagawa kundi pumasok ng hindi manlang nasasagot ang tanong ko.
Nakaupo na kami sa room at nagsusulat ng lecture. Nakakatamad. Tahimik lang kasi si Shane. Dati naman madaldal sya. Nakakapanibago sya. May namiss ba kong pangyayari dito?
Sighed. Inaantok tuloy ako.
Natapos ang two subject at hindi pa rin nagsasalita si Shane mula kanina. Papunta na kami sa canteen ngayon. Napansin kong mag isa lang si Kenneth na naghihintay samin.
"Nasan si Josh?" Tanong ko ng makaupo na kami.
May nginuso sya sa bandang likod. Si Josh. Nakikipaghalikan?! Gosh! Kelan pa sya naging fuckboy?! Narinig kong humihikbi si Shane.
"Shane." Tawag ko sakanya. Niyakap nya ako at umiyak ng umiyak.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko.
"Wala akong alam dyan." Sagot ni Kenneth.
Pinatahan ko nalang si Shane. Ayokong umiiyak ang kaibigan ko.
"Sandali lang Shane ah." Paalam ko bago tumayo at pumunta kay Josh.
"Josh." Yawag ko sakanya. Napatingin naman sya sakin.
Napatingin ako sa kamay nya. Agad nyang inalis ang kamay nya sa loob ng palda ng babae.
"B-bakit?" Kinakabahang tanong nya.
"We need to talk." Seryosong sagot ko. Tiningnan ko ang babaeng kasama nya at inirapan.
"O-okay." Sagoy nya at nagpaalam na sa kasama nya. Pumunta na kami sa table kung nasan sila Shane.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Seryosong tanong ko sakanya na hindi manlang makatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
Impure University
RomanceIsang paaralan na akala mo'y maayos subalit may natatagong secreto. Paaralan na Hindi mo aakalaing babago sa buhay ng isang taong papasok sa ganoong paaralan. Paaralan na tuluyang sisira sa buhay mo.... ____________ Impure University