Chapter 12

2.2K 34 0
                                    

Chapter 12

Lumabas ako ng classroom ng nakayuko. Hindi ko talaga matanggap. Ayokong isipin pero talagang sumasagi sa isip ko. Shit! Ano bang ginagawa mo sakin Clyde? Bakit ako nagkakaganito ng dahil lang sayo? Ano? Si Shane na ang mahal mo? Wala na ko dyan sa puso mo? May pumalit na agad?

"Shit!" Napasigaw ako ng may umakbay sakin. Dinungaw ako ni Axel at nagtataka sa reaksyon ko. Bakit ba ako umaasang si Clyde 'yon? Nakakainis!

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ko pinapansin. May problema ba?" Tanong nya. Umiling ako. Tulala na naman ba ako?

"Ahm. May naisip lang." Nginitian ko sya.

"Give me your books. Mabigat 'yan." aniya. Nakangiti Kong ibinigay sa kanya ang mga librong hawak ko. Walang kahirap-hirap nya 'yong dinala. Nginitian nya ko.

"Lunch mo na?" Tanong nya. Tumango ako.

"Yup. Nag-lunch ka na?" Tanong ko din. Umiling sya.

"Hinintay talaga kita para Sabay tayo." Tumango ako. Lumiko Kami patungong Canteen.

"Ahmm. Anong section ka nga pala?" Tanong ko. Hindi ko Kasi sya nakikitang may dalang bag o ano. Natigilan sya. Nag-iwas sya ng tingin sakin.

"A-ano... Na...nakalimutan ko. Hehehe." Napapalunok na sabi nya. Nagtaka ako sa kanya. Bakit Ganon ang reaksyon nya? May tinatago ba sya sakin?

"Tara na?" Pag-iiba nya ng topic. Kumunot ang Noo ko pero naglakad na din papasok sa canteen. Nagtataka pa din talaga ako sa reaksyon nya Kanina. Binalewala ko nalang.

Luminga ako para hanapin ang mga kaibigan ko pero Wala akong nakita. Nasan naman kaya ang mga yon? Umupo kami sa table na nahanap ni Axel at mabilis syang nagpaalam na oorder lang. Lumilinga pa din ako para hanapin sila pero Wala talaga. Nahagip ng paningin ko ang pumasok sa canteen.

Nanikip ang dibdib ko. Hindi agad ako nakapag-iwas ng tingin dahil sa pagkakatulala ko sa mga ngiti ni Clyde kasama ang kaibigan ko. Nagtatawanan sila habang dala ni Clyde ang bag at libro ni Shane. Naagaw nila ang atensyon ng ibang Kumakain sa Canteen. Masyadong masakit ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay bigla nalang akong mamamatay sa sakit. Wala naman silang ginagawa pero sobrang sakit ng dulot sakin non. Nagtatawanan lang sila. Bakit ako nakakaramdam ng hindi pamilyar na pakiramdam? 'Yong pakiramdam na Ayaw mo sya sa iba. Ayaw mo syang masaya sya sa iba. Ayaw mo syang may katawanang ibang babae. Yung tipong gusto mo sayo lang sya. Gusto mo ikaw lang ang kasama nya. Gusto mo ikaw lang ang nakakapagpasaya sa kanya. Bakit ganito? Ang-wierd lang ng pakiramdam.

Nag-iinit ang gilid ng aking mga mata. Ano? Iiyak na naman ako? No way! Mabilis Kong pinahiran ang nagbabadyang Luha ko. Nang nag-angat ako ng tingin ay nakatingin na sakin si Shane. Ngumiti sya at hinila si Clyde para makalapit sakin. Ngumiwi si Clyde ng makita nya ako. Nag-iwas ako ng tingin. Parang ayaw nya akong makita pero dahil hinila sya ni Shane ay Wala na syang nagawa. Iyon nga siguro. Ayaw nya akong makita Kasi may iba na sya. Kasi ayaw na nya sakin.

"Kia!" Tili ni Shane. Mabilis nya akong sinalubong ng yakap. Ngumiti ako. Sobrang saya nya. Hindi ko maiwasang mapatingin Kay Clyde na nakatingin lang sa masayang si Shane. Nagbara ang lalamunan ko. Dati, ako yon. Pero ngayon, iba na. Pinigilan ko ang nagbabadyang Luna sa'king mga mata.

"Oh! By the way, Clyde, si Kia, bestfriend ko. Sya Yung kinukwento ko sayo. Kia, si Clyde." Aniya. Tumango ako.

"Hmm. I'm Clyde." Sabay lahad ng kamay ni Clyde. Ikinagulat ko iyon pero hindi ko pinahalata. Tinanggap ko ang kamay nya at ngumiti.

"Kiarra." Maikling sabi ko at agad binawi ang medyo nanginginig Kong kamay.

"Dito nalang tayo umupo, Clyde. Kia, okay lang ba?" Tanong ni Shane. Tumango ako at ngumiti. Umupo sila sa harap ko.

"Order lang ako." Sabay tayo ni Clyde. Tinanguan lang sya ni Shane at nginitian. Umalis si Clyde kaya nagsimula ng magkwento si Shane.

"Gwapo no?" Tanong nya habang nakangiti. Nag-kibit balikat ako.

"Oo." Sagot ko. Tumili sya ng mahina.

"Kaibigan ko sya. Nagkakilala kami sa bar..." Kwento nya pero hindi ko na nasundan dahil lumipad na ang utak ko sa kung saan. Sa bar? May bar dito? Paano sila nagkakilala? Bakit parang close na close sila? Kaibigan? Parang gumaan ang pakiramdam ko sa Sinabi nya. Kaibigan lang.

Impure UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon