Chapter Eight
Kiarra Mendez's P.O.V.
Lumipas ang mga araw na walang nagpakitang Clyde sa'kin. Bakit? Hindi ko alam. Minsan din ay hindi ko nakikita si Shane. Ewan ko. Pero may duda na ko. Mukhang wala na syang pakialam Kay Josh. Break na yata sila. Anyway, forget that. Story ko to eh! Nagrereview ako para sa exam mag-isa ngayon. 'Yong mga kaibigan ko? Malay ko dun. Bat sa'kin nyo tinatanong? De. Joke lang.
Naging masaya naman ako sa piling ni Axel. Wow! Piling talaga eh noh? Sweet sya na tipong nakakaumay na. Joke lang. Sweet talaga sya. Hindi pa nya ko nahahalikan sa LIPS! Laging sa cheeks at forehead lang. By the way, okay lang naman. At least, nirerespeto nya ko. Kesa Kay Clyde. Hmf! Bakit ba lagi syang nasasali sa sinasabi ko? Hindi ko sya iniisip! Tsk! Okay. Inaamin ko na. Nasasaktan ako. Kasi tinotoo nya na talaga 'yong sinabi nyang lalayuan na nya ko. Hindi ko matanggap Kasi masakit sa'kin pagkatapos ng nangyari sa'min, Ganon na lang iyon. Iniwan nya na lang ako agad. Bakit ba Kasi Ganon ang mga pesteng lalaking yan! Pagkatapos makuha ang gusto nila, iiwan ka nalang agad.
"Hey!" Halos mapatalon ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Axel. Hinalikan nya ko sa cheeks bago umupo sa tabi ko at umakbay. "Sorry. Naistorbo yata kita." Aniya. Napatingin ako sa kanya.
"No. Tapos na din naman akong magreview." Nagtaas sya ng kilay.
"I mean, sa mga iniisip mo." Aniya. Umiling ako.
"Nirereview ko lang sa isip ko." I lied. Yeah right. I'm a big liar.
"Hmm. Okay." Aniya.
Tiningnan nya ang notes ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Gwapo sya. Pero parang may kulang. Hindi ko mahanap kung anong kulang sa kanya. Gwapo, mabait, sweet, maalaga, etc. All package na sya pero may kulang talaga. Ipinilig ko ang ulo ko. Mahal nya ko. Mahal ko sya. Yun lang yon. Wala na Kong iisiping iba. Sya lang. Kami lang.
"Stop staring, baby. Baka mahalikan kita." Nakangiting aniya. Tumingin sya sakin. Kinindatan nya ko. Pero hindi pa din ako natitinag sa pagtitig sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kinakagat nyang labi. Nang ibinalik ko ang mga mata ko sa mata nya ay nakatitig na din sya sa labi ko.
"Clyde! Patulong naman oh!" Napasinghap ako at agad lumayo sa kanya upang hanapin ang sumigaw. Nakita ko si Shane na nakatayo sa malayo habang maraming hawak na libro at si Clyde na Nakangiting lumalapit sa kanya.
Nalaglag ang panga ko. Parang biglang nalaglag ang puso ko dahilan ng pagkabasag nito. Sobrang bigat sa pakiramdam. Sobrang.... Sakit.
"Baby..." Natauhan ako sa tawag ni Axel. Nakalimutan Kong kasama ko pa pala sya. Nag-iwas ako ng tingin sa dalawa at Tumingin Kay Axel.
"S-sorry." Sabi ko. Nakatingin lang sya sakin. Blanko. Walang ekspresyon. Suminghap ako.
"Sorry talaga. T-tara na? May pasok na Kasi ako." Pag iiba ko ng topic. Huminga sya ng malalim at tumango.
"Okay. Let's go. I'll fetch you later." Aniya. Tumango ako at tumayo na. Hinawakan ko nalang ang mga nireview Kong notes at books. Hinawakan nya ang kamay ko at Sabay kaming naglakad patungong classroom ko. Tahimik lang sya. Wala akong makapang salita kaya tumahimik nalang din ako.
"Later, okay?" Aniya. Ngumiti at tumango ako.
"Sure. Bye. I love you." Sagot ko. Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo. Napanguso ako. Tumatawa naman syang humiwalay.
"Haba ng nguso mo. Hahalikan ko yan." Natatawang anas nya. Mas lalo akong ngumuso. Humagalpak na sya ng tawa. Tatalikod na sana ako ng hilahin nya ko at mabilisang hinalikan sa labi.
Ako? Nakanganga. Nakatulala. Nanlalaki ang mga mata. Hindi makapaniwala sa nangyari. Uminit ang pisngi ko. Oh my! Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Siguradong pulang pula na ang mukha ko sa harap nya.
"Bye, baby. I love you." Aniya at mabilis ng tumakbo. Napahawak ako pisngi ko at napahinga ng malalim. Ayokong tumili dahil baka pagtawanan pa ko ng mga kaklase ko.
Dumiretso nalang ako sa upuan ko kung saan Katabi ng upuan ni Clyde. Wala pa sya. Siguro ay busy Kay Shane. Parang kinukurot ang puso ko. Yung mga ngiti nya kanina. Parang sobrang saya nya dahil Kay Shane. Bakit si Shane pa? Bakit yung kaibigan ko pa? Hindi ko alam na ganito pala kasakit iyon. Iyong harap-harapan mo syang nakikitang masaya sa iba. Sobrang sakit pala.
Nag-init ang gilid ng aking mga mata at nagbabadya ang mga luha Kong tumulo. Agad akong yumuko at pinunasan iyon. Napailing ako sa nangyayari sakin. Bakit ba ako nagkakaganito? Diba dapat ay masaya ako dahil hinalikan na ako ni Axel sa wakas? Hindi ba dapat ay ganoon? Bakit parang nagiguilty ako sa nangyari? Bakit pakiramdam ko ay nagtaksil ako Kay Clyde?
No. No. Umiling ako. Hindi pwede. Hindi ako mahuhulog sa kanya. Wala akong gusto at hindi ko sya mahal. Si Axel ang mahal ko at hindi sya. Yun dapat ang isipin ko.
Natigil ako sa pag iisip ng pumasok ang professor at nagsimula ng magturo. Walang dumating na Clyde. Pakiramdam ko ay hindi nya ako sinipot. Pinaasa. Pinaglaruan. Anong klaseng lalaki sya? Akala ko ba mahal nya ako? Umiling ako. Hindi ka nya mahal. Yun ang isipin mo. Kasi Kung mahal ka nya, hindi sya masaya kung wala ka. Kasi kung mahal ka nya, wala syang mamahalin o kahit maging masaya sya sa iba. Dahil sayo lang sya magiging masaya. Sayo lang sya pipirmi. Sayo lang sya. Ikaw lang ang mahal nya. Wala ng iba pa kundi ikaw lang.

BINABASA MO ANG
Impure University
RomanceIsang paaralan na akala mo'y maayos subalit may natatagong secreto. Paaralan na Hindi mo aakalaing babago sa buhay ng isang taong papasok sa ganoong paaralan. Paaralan na tuluyang sisira sa buhay mo.... ____________ Impure University