Chapter 17
Kinabukasan...
Nagising ako sa isang malambot na kama. Kumunot ang noo ko. Bakit parang iba ang kama ko? Dumilat ako at kunot-noong inilibot ang paningin sa buong kwarto. Wala ako sa kwarto ko! Napatingin ako sa kumot. Hindi din ito ang kumot ko! Hala!
Nakita ko sa tabi ko si Axel na mahimbing na natutulog. Oh my! Nakatulog ba ako kagabi dito? Bakit Wala akong maalala? Napahawak ako sa noo ko. Tumagilid nalang ako paharap Kay Axel at tinitigan ang gwapong mukha nya.
Itinaas ko ang kamay ko para mahawakan ang mukha nya. Sinundot ko ang pisngi nya. Nagpigil ako ng ngiti. Ang lambot ng pisngi nya. Hinawi ko ang mga nakatabing nyang buhok sa noo nya. Kinagat ko ang labi ko.
Ilang minuto akong nakatitig sa kanya ng hindi ko namamalayan. Hinawakan ko ang labi nya. Bakit ba sobrang gwapo mo? Gusto kitang halikan kaso,baka magising ka.
Halos mapatalon ako ng bigla syang dumilat at diretso ang tingin sa akin. Akmang aalisin ko na ang kamay ko pero hinawakan nya ang palapulsuhan ko. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko. Bigla syang gumalaw at pumaibabaw sa'kin.
"A-axel." Mahinang tawag ko.
Namalayan ko nalang na hinahalikan na nya ako. Napapikit ako sa banayad at magagaang halik nya.
Tumigil sya at tinitigan ako ng hinihingal. Parehas kaming naghahabol ng hininga at nakatitig sa isa't isa. Ngumiti sya.
"I like my breakfast today." Nakangiting Aniya. Pinalo ko sya ng mahina sa dibdib nya. Namumula na yata ng parang kamatis ang mukha ko. Tumayo sya at hinila ang kamay ko.
"Get up, baby." Aniya. Nagpahila nalang ako. Itinulak nya ako papasok sa pinto ng CR. Sinara nya agad.
"Axel!" Natatawang sigaw ko sa kanya. Humalakhak sya.
"What? We can shower together if you want." Natatawang tugon nya.
"Heh!" Sigaw ko. Humalakhak nalang sya.
Pagkatapos kong maligo ay sumilip ako sa labas.
"Axel! Wala akoong damit." Sigaw ko.
"Kumuha ka nalang dyan sa cabinet!" Sigaw nya mula sa kabilang pinto.
Lumabas ako ng nakatapis at naghanap ng damit. Napasimangot ako ng makitang boxers at t-shirts na panlalaki ang nalalagay doon. Kumuha nalang ako ng white T-shirt at isang boxer.
Lumabas ako at nagtungo kung nasaan sya. Nakatalikod sya habang nagluluto. Napangisi ako. Tumingkayad ako at tahimik na naglakad palapit sa kanya.
"Hey!" Sigaw ko. Napa-angat ang balikat nya sa gulat. Bumungisngis ako.
"Ikaw ah?" Hinarap nya ako ng may ngiti sa labi. Tinanggal nya ang apron nya at pinatay ang gas bago lumapit sa'kin.
Tumakbo ako at hinabol naman nya ako. Tumatawa akong nagbebelat sa kanya. Nag-ikutan kami ng nag-ikutan.
"Got you!" Sigaw nya. Napatili ako ng binuhat nya ako.
"Axel! Waaaah! Mahuhulog ako!" Sobrang higpit ng hawak ko sa batok nya. Tumatawa lang sya.
Iniupo nya ako sa sink. Nakahawak pa din ako sa batok nya. Sya naman ay nakahawak sa baywang ko. Hinihingal nyang sinandal ang kanyang noo sa noo ko. May bakas pa din ng ngiti sa kanyang labi. Tinitigan ko sya.
Ang makita syang masaya ay okay na sa akin. Masaya ako dahil masaya sya. Parang ayaw ko na tuloy makita ang malungkot nyang mukha katulad kahapon.
"I love you, baby." Nakangiting Aniya.
Bago pa ako makapagsalita ay hinalikan na nya ako ng banayad. Napakapit ako ng mahigpit sa batok nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/148385924-288-k92915.jpg)
BINABASA MO ANG
Impure University
RomanceIsang paaralan na akala mo'y maayos subalit may natatagong secreto. Paaralan na Hindi mo aakalaing babago sa buhay ng isang taong papasok sa ganoong paaralan. Paaralan na tuluyang sisira sa buhay mo.... ____________ Impure University