Prologue

2.5K 38 0
                                    

Prologue

Kiarra Heil Mendez-Tyler's P.O.V.

Napababa ako bigla sa sala ng marinig ang iyak ng anak ko. Naabutan ko syang namumula at basa ng luha ang mukha.

"Mom, its her fault!" Biglang sabi ng isa ko pang anak.

He's Carter Mendez Cortez and his twin sister's name is Callie Mendez Cortez. Carter is older just a minute than Callie.

"You ruining my dolls!" Humagulgol si Callie at tumakbo sa'kin saka ako nito niyakap sa mga hita.

Masama ang tingin ni Carter Kay Callie habang nakanguso. "Oh baby." Binuhat ko si Callie at lumapit Kay Carter.

"Hey, baby. What happened, huh?" Tanong ko Kay Carter. Ngumuso ito at umakyat sa sofa saka tumabi sa'kin ng nakanguso.

"Shh. Stop crying, baby." Alo ko dito.

Pinunasan ko ang luha ni Callie. Humihikbi pa rin ito habang nakaupo sa hita ko at nakayakap sa akin, nakasubsob ang mukha nya sa dibdib ko. Naramdaman kong may yumakap sa'kin sa gilid at nakita kong si Carter iyon. Nakanguso pa rin ito.

"Her dolls are scary, mom." Paliwanag ni Carter. Niyakap ko din ito.

"Cart, her dolls are pretty. Just don't interpose her if she's playing. Look, did she interpose you when you're playing?" Tanong ko sa kanya. Umiling sya.

"No." Nakangusong sagot nya.

"See? Now, can you say sorry to your little sister?" Malumanay na tanong ko.

Umalis sya sa pagkakayakap sa'kin at tumingin Kay Callie na nakasubsob pa din ang mukha sa dibdib ko. Bumaling sya sa akin pero tinanguan ko lang sya bago ibinalik ulit ang tingin Kay Callie.

"I'm sorry, Cal." Sinserong sabi niya sa kapatid. That made me smile.

Unti-unting humarap si Callie sa kuya nya ng namumula ang mata. Tumango ito.

"Forgiven, kuya." Aniya. Ngumiti ako sa kanila.

"So, let's group hug, babies." Nakangiting usal ko.

Tumawa sila bago ako niyakap. Mahirap mag-alaga kapag hindi sila nagkakasundo pero masarap din sa pakiramdam dahil kaya ko silang pagbatiin tuwing nag-aaway sila.

"Are you guys gonna give me a hug, too?" Biglang may nagsalita galing sa pinto.

Napalingon kami sa kanya. Ngumiti ako.

"Daddy!" Sabay na sigaw nilang dalawa at tumakbo para yakapin din ang ama.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. He's in Manila in One week and I missed him so much. Tumingin sya sa'kin at ngumiti ng nakataas ang kilay.

"Okay, Okay." Usal ko at lumapit sa kanila tsaka yumakap.

Hinalikan nya ako sa noo bago humiwalay. Tumingin muna sya sa'kin bago bumaling sa mga bata. Lumuhod sya para pumantay sa mga bata.

"Hey, are you two fighting again?" Tanong nya. Sabay na umiling ang kambal.

"Bati na po kami, daddy." Ani Callie.

"Baka pinahirapan nyo na naman ang mommy nyo?" Tanong nya.

"Hindi po, daddy." Agad na sagot ni Carter.

Napailing ako at natawa ng mahina dahilan kung bakit tumingin sila sa'kin. "What?" Tanong ko.

"Nothing."

"Nothing, mommy."

"Nothing, mom."

Sabay na sabi nilang tatlo. Kumunot ang noo ko. Umiling nalang ako at naghanda ng pagkain.

Impure UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon