Chapter 10

2.4K 18 0
                                        

Chapter 10

Kiarra Mendoza's P.O.V.

Lumipas ang mga araw na walang nagpakitang Clyde sakin. Bakit? Hindi ko alam. Minsan din ay hindi ko nakikita si Shane. Ewan ko. Pero may duda na ko. Mukhang wala na syang pakialam Kay Josh. Break na yata sila. Anyway, forget that. Story ko to eh! Nagrereview ako para sa exam mag-isa ngayon. Yung mga kaibigan ko? Malay ko dun. Bat sakin nyo tinatanong? De. Joke lang.

Naging masaya naman ako sa piling ni Axel. Wow! Piling talaga eh noh? Sweet sya na tipong nakakaumay na. Joke lang. Sweet talaga sya. Hindi pa nya ko nahahalikan sa LIPS! Laging sa cheeks at forehead lang. By the way, okay lang naman. At least, nirerespeto nya ko. Kesa Kay Clyde. Hmf! Bakit ba lagi syang nasasali sa sinasabi ko? Hindi ko sya iniisip! Tsk! Okay. Inaamin ko na. Nasasaktan ako. Kasi tinotoo nya na talaga yung sinabi nyang lalayuan na nya ko. Hindi ko matanggap Kasi masakit sakin pagkatapos ng nangyari samin, Ganon na lang yon. Iniwan nya na lang ako agad. Bakit ba Kasi Ganon yung mga pesteng lalaking yan! Pagkatapos makuha ang gusto nila, iiwan ka nalang agad.

"Hey!" Halos mapatalon ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Axel. Hinalikan nya ko sa cheeks bago umupo sa tabi ko at umakbay. "Sorry. Naistorbo yata kita." Aniya. Napatingin ako sa kanya.

"No. Tapos na din naman akong magreview." Nagtaas sya ng kilay.

"I mean, sa mga iniisip mo." Aniya. Umiling ako.

"Nirereview ko lang sa isip ko." I lied. Yeah right. I'm a big liar.

"Hmm. Okay." Aniya.

Tiningnan nya ang notes ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Gwapo sya. Pero parang may kulang. Hindi ko mahanap kung anong kulang sa kanya. Gwapo, mabait, sweet, maalaga, etc. All package na sya pero may kulang talaga. Ipinilig ko ang ulo ko. Mahal nya ko. Mahal ko sya. Yun lang yon. Wala na Kong iisiping iba. Sya lang. Kami lang.

"Stop staring, baby. Baka mahalikan kita." Nakangiting aniya. Tumingin sya sakin. Kinindatan nya ko. Pero hindi pa din ako natitinag sa pagtitig sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kinakagat nyang labi. Nang ibinalik ko ang mga mata ko sa mata nya ay nakatitig na din sya sa labi ko.

"Clyde! Patulong naman oh!" Napasinghap ako at agad lumayo sa kanya upang hanapin ang sumigaw. Nakita ko si Shane na nakatayo sa malayo habang maraming hawak na libro at si Clyde na Nakangiting lumalapit sa kanya.

Nalaglag ang panga ko. Parang biglang nalaglag ang puso ko dahilan ng pagkabasag nito. Sobrang bigat sa pakiramdam. Sobrang.... Sakit.

Impure UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon