Chapter 15
Hindi na nagpakita si Axel sa'kin, isang linggo na. Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Hindi sya nagsalita no'ng hinatid nya ko sa dorm namin. Wala syang iniwan kahit isang salita. Iniwan nya kong nanghihina at tulala.
Nasamid ako'ng bigla ng may umupo sa harap ko. Kumakain ako ng lunch kahit tulala ako. Shit! Ansakit ng lalamunan ko! Inabutan nya agad ako ng tubig. Kinuha ko iyon at agad na ininom. Sheeeeet! Ansakit talaga! Naramdanan ko ang kamay nya sa likod ko.
Napapaubo akong tumingin sa kanya. Mga nag-aalalang mata agad ang nakita ko.
"Ayos ka lang?" Napaismid ako sa tanong nya. Ah! Ayos lang ako? Hindi ba halata? Tsk! Pagkatapos mo akong saktan no'ng mga nakaraang araw, tatanungin mo ako ng ganyan? What a stupid! Pinilig ko agad ang ulo ko. Anong nangyayari sa'kin?
"Okay lang." Sagot ko. Bumalik sya sa harap ko at umupo.
"Nakita mo lang ako. Nasamid ka na?" Nakangiti nyang usal. Tiningnan ko lang sya. Hindi pa rin yata sya nagbabago. Mataas pa rin ang tingin sa sarili.
"Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Shane? Bakit hindi mo sya kasama ngayon?" Tanong ko. Umiling sya habang pinapatunog ang kanyang dila. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Parang nasisiyahan pa sya ah?
"Why Shane? Nagseselos ka ba?" Tanong nya.
"No freaking way, Clyde! Mahiya ka nga!" Kunot-noo'ng sigaw ko. Naagaw ko ang atensyon ng iba kaya namula ang pisngi ko. Niligpit ko nalang ang mga gamit ko at tumayo para maglakad.
"Hey! I'm just asking. Don't be mad." Malambing na sabi nya habang sinusundan ako. Kaagad tumindig ang balahibo ko sa tono ng boses nya. Hindi ko sya pinansin at dumiretso na sa ground.
Dada sya ng Dada habang sumusunod sa'kin. Hindi ko nalang pinapakinggan. Kaunti pa lang ang tao sa ground kaya humanap ako ng medyo malamig at malilim na parte ng ground. Pumunta ako sa isang bench sa ilalim ng puno.
"Hey! I'm talking to you! Why aren't you responding, huh?" Nag make face ako. Pa-English-English pa! Tsk! Umupo nalang ako at nagbasa ng libro. Umupo din sya sa harap ko. Tinabing ko agad ang libro sa pagitan na paningin namin.
"Nagbabasa ka ba? Ng baligtad?" Natatawang sabi nya. Nanlaki ang mata ko. Mabilis kong binaligtad ang libro.
"Galit ka ba sa'kin? Diba sabi mo, lumayo na ako sayo? Lumayo na ko. Hindi pa ba Sapat 'yon?" Natigilan ako sa sinabi nya. Pinagpatuloy ko nalang magbasa kahit Wala na doon ang isip ko. Ginawa nya 'yon?
"Arra, please. Forgive me. Ako to. Ako si-"
"Yeah right. Lumayo ka ba talaga? O nagpakasarap ka? Tell me, may nangyari ma sa inyo ni Shane?" Pinutol ko sya at tinitigan ng masama. Natigilan sya. Napaawang ang bibig nya at parang biglang-bigla sa tanong ko. Lumipas ang ilang minuto. Hindi pa din sya sumasagot.
Ngumisi ako para itago ang pagkabigo sa mukha ko. Tumingala ako. Nagbabadya na naman ang mga luha kong tumulo. Why? Ibinalik ko ang aking paningin sa mga mata nya. Tumawa ako ng peke. Biglang gumuho ang mundo ko. Sobrang sakit. Naninikip ang dibdib ko. Sobrang sakit, Clyde. Ansakit-sakit!
"You don't need to answer me. That's enough. I have to go." Tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya. Nagsimula ng bumuhos ang mga luha'ng lagi kong pinipigilan. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito.
Tinakpan ko ang mukha ko at napaluhod. Humagulgol ako ng humagulgol. Bakit, Clyde?! Bakit sobrang sakit?! Mahal na kita eh! Bakit ngayon pa?! Bakit kung kailan naamin ko na sa sarili ko, saka pa nagkaganito?!
BINABASA MO ANG
Impure University
RomanceIsang paaralan na akala mo'y maayos subalit may natatagong secreto. Paaralan na Hindi mo aakalaing babago sa buhay ng isang taong papasok sa ganoong paaralan. Paaralan na tuluyang sisira sa buhay mo.... ____________ Impure University