Chapter 19

2.2K 36 0
                                        

Chapter 19

Hindi ako humiwalay Kay Clyde buong gabi sa ball. Hindi ko din nakita si Axel sa venue.

"Uy. Ano yan ha?" Siniko ako ni Shane na nakangiti sa akin. Katabi ko si Clyde na nakikipag-usap sa mga kaibigan nya. Anim kaming nakaupo sa round table.

"Alin?" Tanong ko pero nangingiti na din.

"Naku!" Aniya. Tumawa lang ako. Bumulong sa kanya si Josh kaya hindi na ako nagsalita.

Ngumingiti ako sa ibang mga bumabati sa akin kahit hindi ko naman sila kilala. Bigla akong inakbayan ni Clyde. Napalingon ako sa kanya. Nakangiti sya pero bakas ang inis sa mukha. Kumunot ang noo ko. Umalis na ang mga kaibigan nya.

"Why you're smiling with them, huh?" Halatang inis na Aniya.

"What? May masama ba do'n?" Tanong ko. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Inilapit nya ang bibig nya sa tainga ko.

Dumaloy ang kiliti sa aking tainga ng maramdaman ko ang paghinga nya.

"I'm jealous, and if I'm jealous I would punished you all night until you can't stand." Nanlaki ang mata ko. Seryoso sya. Sobrang seryoso. Kinurot ko ang tagiliran nya kaya napadaing sya.

"Stop that punished thing. I'm not yours, anyway." Sagot ko. Natigilan sya sa sinabi ko at di na nagsalita. Gumapang ang guilt sa akin. May nasabi yata akong hindi nya nagustuhan.

Tinanggal nya ang pagkaka-akbay sa akin. Nakagat ko ang labi ko. Shit! Tiningnan ko sya na nakatingin lang sa mga dumadaan sa table namin.

"H-hey, I'm sorry. H-hindi ko sinasadya." Nauutal na sabi ko sakanya. Hindi nya ako pinansin. Napa-buntong hininga ako. Anong gagawin ko?

"Sorry na." Mahinang usal ko Sabay hawak ko sa kamay nya. Napatingin sya sa mga kamay namin bago tumingin sa akin.

"S-sorry." Sabay alis ko ng kamay ko.  Nag iwas ako ng tingin.

Nagulat nalang ako ng hawakan nya ang kamay ko Sabay hila sa akin.

"Clyde, saan tayo pupunta?" Tanong ko habang palabas kami ng venue. Hindi nya ako sinagot. Tumahimik nalang ako at nagpahila sa kanya.

Nakarating kami sa dorm na hindi papunta sa dorm namin. Pumasok kami sa elevator at pinindot nya ang floor 20. Napatingin ako sa kanya. Iyon ang pinakadulo ng dorm at pinakamataas. Anong gagawin namin do'n?

Pumasok kami sa isang iba ang pintuan sa lahat ng dorm. Kulay itim iyon samantalang ang lahat ay puti. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Isa lang ang king sized bed na kama, may pintuan sa gilid na tingin ko ay CR, may malaking drawer sa tabi ng pinto ng CR, may parang kusina sa kabilang side na walang pinto pero may pader sa pagitan ng kwarto at kusina, May TV at DVD player sa harap ng kama kasama ang mga sofa. Malinis ang buong kwarto. Black and white ang theme ng buong kwarto.

Nabalik lang ako sa realidad ng maramdaman ko ang halik nya  leeg ko mula sa likuran. Nanlaki ang mata ko at lumayo sa kanya. Mapungay ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.

"I'm sorry." Aniya. Umupo sya sa gilid ng kama. Ipinatong nya ang dalawang siko sa tuhod nya at napahawak sa batok.

Lumapit ako sa kanya at tumabi. Tinitigan ko sya. Parang bigong-bigo sya. Hinaplos ko ang likod nya dahilan ng paglingon nya sa akin.

"Can I?" Tanong nya. Hindi ko naintindihan iyon pero tumango ako ng walang pag aalinlangan. What's wrong with me?

Lumapit sya sa'kin at hinalikan ako. Magagaan at nakakatuliro. Nakakawala sa sarili. Napahawak ako sa batok nya. Ang kaninang magagaan ay nagiging malalim at nakakasabik na. Naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko.

Nakapatong na sya sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay naririnig na nya ito sa sobrang lapit namin. Unti-unting gumagapang ang kanyang labi sa panga ko at kasabay ng paglilibot ng kanyang kamay sa katawan ko.

Parang ayoko ng matapos ang gabing ito. Magaan sa pakiramdam dahil mahal mo na sya at kayang-kaya mo ng ibigay sa kanya ang lahat sayo. Masaya ako dahil okay na kami. Mahal na mahal kita, Clyde. Sobrang mahal na mahal kita.

Impure UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon