Chapter 18

2.1K 38 0
                                        

Chapter 18

Mabilis na lumipas ang araw at masquerade ball na. Naka-suot ako ng red long gown na tube at may hati sa gilid at likod. Masyado yatang revealed ang katawan ko dito. Pero dahil kailangang suotin ay sinuot ko nalang.

Pagpasok naming Apat ay nanlaki agad ang aming mga mata. Sobrang ganda ng venue. Nagkalat na ang mga estudyante sa loob. Wala akong makilala dahil sa mga maskara nila. Nakasuot ako ng maskarang itim. Gold naman ang Kay Shane. Silver ang Kay Josh at Kenneth.

Inilibot ko ang aking paningin sa mga tao. Hinahanap ko si Axel.

"Kia, sayaw muna kami ni Josh." Paalam ni Shane. Tumango nalang ako. Na iwan kaming dalawa ni Kenneth. Tumingin sya sakin.

"Ahm. Ako din." Paalam din nya. Tumango nalang ako. Mabilis syang nawala sa paningin ko.

Nasaan na kaya sya? May lumapit sa akin na waiter na may dalang wine. Kumuha ako ng isa. Uminom ako ng kaunti at inilibot na ulit ang aking paningin. Hayst! Hindi ko makita si Axel.

"Aw!" Daing ko ng may bumunggo sa akin. Natapon ang wine sa damit ko.

"Sorry, miss." Tanging sabi ng bumunggo sa'kin at mabilis na umalis.

Ano ba naman yan?! Naglakad nalang ako papunta sa CR, ngunit hindi pa man ako nakakapasok ay may mabilis ng humila sa akin palayo doon. Nag pumiglas ako.

"Hoy! Ano ba?! Sino ka ba?!" Inis na sigaw ko.

Himinto kami sa medyo madilim na parte ng lugar. Binitiwan nya ako at inayos ang kanyang suit. Kunot-noo ko syang tiningnan. Hindi ko maaninag dahil masyadong madilim.

"Arra." Boses pa lang ay napahinto na ako. Hindi ko sya nakikita nitong mga nakyarating araw. Ngayon lang ulit. Napatingala ako sa kanya.

"Anong kailangan mo?" Diretsong tanong ko. Galit pa rin ako sa kanya. Naaalala ko na naman ang nangyari noong huli naming pagkikita.

"Arra, sty with me. Okay?" Hindi mapakaling aniya. Lumilingon-lingon pa sya sa paligid. Kumunot ang noo ko.

"Bakit? Anoo bang nangyayari sayo?" Tanong ko. Hinawakan nya ako sa magkabilang braso. Sobrang lamig ng kamay nya. Dumaloy ang hindi pamilyar na pakiramdam sa akin ng hawakan nya ako.

"Just stay until the end of this night." Aniya. Kinakabahan na ako sa kanya.

"Bakit ba Kasi?" Nalilitong tanong ko. Hinawakan nya naman ngayon ang mag kabilang pisngi ko. Inilapit nya ang kanyang mukha sa mukha ko. Napasinghap ako. Nakaka-kuryente ang bawat haplos nya. Ngayon ko lang 'to naramdaman.

"Can you listen to me? Just today? Please?" Mahinahong tanong nya. Kahit nalilito ay tumango ako. Napapikit sya at nakahinga ng malalim.

Nanlaki bigla ang mga mata ko ng hinalikan nya ako. Nakapikit sya at dahan-dahan ang halik sa akin. Napapikit na din ako sa hindi malamang dahilan. Clyde. Sky? Bakit lagi ko syang naihahambing Kay Clyde? Bakit pareho sila? Nalilito ako.

"Thank you." Mahinang usal nya ng humiwalay kaming dalawa. Tumayo sya ng maayos at hinawakan ang kamay ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

Sky, Nasaan ka na ba? Bakit nakikita kita ngayon Kay Clyde? Ganito din ang ginagawa mo noon sa'kin. Bakit pareho?

"Sky! Ano bang ginagawa mo dyan?! Kanina pa ako dito oh!" Pagalit kong sigaw sa kanya. Nasa taas sya puno habang kumakagat sa mansanas na hawak nya.

Bigla syang tumalon mula doon at lumapit sa'kin. Itinapon nya ang mansanas at hinawakan ang magkabilang braso ko. Yumuko sya at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nanlaki ang mata ko.

"Miss mo na ko?" Ngumiti sya. Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng ngiti. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.

"E-ewan ko s-sayo!" Pinilit kong kinunot ang noo ko. Lumaki lalo ang ngiti nya.

"Ha?" Nakangiting usal nya Sabay lapit pa ng mukha nya sa mukha ko. Nanlaki lalo ang mata ko. Nagbanggaan na ang mga ilong namin sa sobrang lapit.

"A-ano ba, Sky? S-sobrang lapit mo." Nauutal na sabi ko.

"Tss!" Aniya. Mabilis nya akong dinampian ng halik sa labi. Napanganga ako.

"Paglaki natin. Papakasalan kita. At Wala ka ng magagawa doon. Okay? Tayo lang forever. Wala kang ibang lalaki'ng sasamahan kundi ako lang. Ako lang dapat Kasi ako Yung magiging asawa mo in the future. Kaya pag may nakita akong lalaki'ng umaaligid sayo, susuntukin ko sila." Mahabang anas niya. Natatawa ko syang tiningnan.

"Ewan ko sayo, Sky! 7 years old pa lang ako. 8 ka palang. Antagal pa no'n. Hmp. Dyan ka na nga!" Nakangiting sabi ko. Tumakbo ako pero hinabol nya ako. Kaya naghabulan kaming dalawa sa play ground.

Impure UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon