Chapter 04

4.6K 41 0
                                    

Chapter 04

CLYDE TYLER'S P.O.V

Tulala lang akong nakatitig sa pinto ng dorm ni/nila Arra. Hindi manlang niya ko pinatapos. Hindi manlang niya ko pinakinggan. Hindi manlang niya ko pinagpaliwanag. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko. Kung hindi lang sana nawala yung signal, edi sana, magkasama na kami ngayon.

Shit! Bakit ba ko umiiyak?! Kalalaki kong tao, umiiyak ako! Damn! Nababakla na yata ako. Mabilis kong pinahid yon at naglakad na paalis don. Hindi pa rin ako titigil hanggat may panahon pa. Masasabi ko rin lahat ng to sayo pero hindi pa ngayon kundi sa tamang panahon.

Nakarating ako sa gym at nakita kong nagppractice ang mga kabarkada ko doon. Umupo lang ako sa gilid at pinanood sila.

"Lonely?" Malanding sabi ng babaeng tumabi sakin. Hindi ko sya binalingan, wala akong panahong makipag landian sa kaniya.

"Hey!" Tawag nya ulit sakin. Tiningnan ko lang sya saglit at ibinalik na ulit ang paningin sa harap.

"Ikaw ba si Clyde? Bakit parang wala na akong epekto sayo?" Inis na tanong nya.

"Yeah, I'm not him, I'm not the old Clyde, Roxie." sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Napatayo sya sa sinabi ko at inis na tiningnan ako.

"Are you serious? You're just kidding me right?!" Hindi makapaniwalang tanong pa niya.

Tiningnan ko lang sya ng blangko at bumaling na ulit sa harap.

"I'm not joking." inis na sabi ko.

"Ugh! I hate you!" sigaw nya at nagdadabog na umalis.

Tss!

"Uyy bro! Nakita niyo 'yon? Binalewala nya si Roxie!" namamanghang sabi ni Ivan. Sininghalan ko lang sila.

Lumapit sila sakin at nakipag-high five.

Kiarra Heil Rayon Mendez's P.O.V.

Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko sila Shane.

"Gising na, kakain na tayo ng hapunan." sabi nya.

Dahan-dahan akong bumangon. Kinusot ko ang mata ko bago ako tumayo.

"Anong oras na?" Tanong ko habang naghihikab.

"7:34 na ng gabi. Hindi ka pa rin ba papasok bukas?" Tanong nya sakin habang naglalakad kami papunta sa kusina. Naghahain na sila Kenneth ng pagkain.

"Papasok na siguro ako." sagot ko sabay upo sa upuan.

"Sigurado ka? Kaya mo na ba?" Nag-aalalang tanong niya. Tumango lang ako.

"Oh. Ayan kainin mo yan ha, para magkaron ka naman ng sustansya sa katawan mo." sabi ni Kenneth habang nilalagyan ang plato ko ng pakbet. Napanguso nalang ako.

"Wag kang gumanyan, mukha kang aso." Natatawang usal niya.

"Ewan ko sayo!" Inis na sabi ko at inirapan nalang sya. Napapansin kong tahimik yung dalawa. Hindi ko nalang pinansin at kumain nalang habang nakikipag-kwentuhan kay Kenneth.

Impure UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon