Chapter 07

3K 39 0
                                    

Chapter 07

Nasa ground lang ako ngayon. Break time. 'Yong mga kaibigan ko? Nandon sa library, nag aaral. Ewan ko ba sa mga 'yon. Nakahitit yata. Wala namang exam.

"Booo!"

"Ay daga!" Sigaw ko.

"I'm not mouse." Sabi nya. Si Axel 'yon.

"Nanggugulat ka kasi eh." Usal ko.

"Sorry. You're alone. Where's your friends?"

"Nasa library. Bakit nga pala nandito ka?" Tanong ko. Tuwing break time kasi, hindi ko sya nakikita. Ngayon lang. Magkasama kami maghapon pero hindi sa break time

"Why? Masama ba?" Tanong nya.

"Hindi naman." Sagot ko. Tumabi sya sa'kin at inakbayan ako.

"Axel." Tawag ko sakanya.

"Hmm?"

"Anong status na ba tayo?"

"Huh?"

"Ah. Nah. Kalimutan mo na lang."

"Why?"

"Basta kali--" He cut my word.

"Ang alam ko lang, girlfriend kita." Sabi nya. Hindi ako nakapagsalita. G-girlfriend? So, it means. Kami na? Gosh!

"W-what do you mean?" Tanong ko. Baka kasi girl tapos friend lang ang sinabi nya.

"I said, your.my.GIRLFRIEND." Mariing aniya. Diniinan pa talaga 'yong word na 'girlfriend' ah. Ok. So, hindi nga ako nag-a-assium?

"Girlfriend? As in, we're couple?" Paglilinaw ko.

"Yeah. Almost 3 months na tayong magkasama. I fall for you. I don't know when my heart is beating faster like I'm running like a horse. Its funny but it's true." Sabi nya habang medyo tumatawa na parang ewan.

"I love you." Aniya. Gaaaaaaad! 'Yong feeling na gustong-gusto mo ng magtatalon at magtitili dahil sa kilig pero hindi mo magawa kasi nandyan sya.

"I lo--" Naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita.

"Arra let's go." Anas ni Clyde at kinaladkad ako.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Clyde!" Pagpupumiglas ko. Naramdaman kong may humawak sa isang kamay ko.

"Let her go." Cold na sabi ni Axel. Napatingin naman si Clyde sa kanya. Matalim.

"Tsk! Layuan mo si Arra." Ani Clyde.

"I don't. Ikaw ang lumayo sa kanya."

"Wag mong baligtarin. Lumayo ka sakanya!" Galit na anas ni Clyde.

"Hindi ako lalayo sa GIRLFRIEND ko." Matiim na sabi ni Axel. Hindi nakapagsalita si Clyde at lumipat ang tingin sa'kin. Nagtatanong at may bahid ng sakit ang mga mata nya. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa mata nya. Parang pag nakikita kong nasasaktan sya, parang nasasaktan din ako. Bakit gano'n?

"Ano ba? Bitawan mo na ang girlfriend ko!" Inis na sabi ni Axel. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Dahan-dahan naman nyang binitawan ang kamay ko at umalis ng wala man lang binibitawang salita.

Clyde Cortez's P.O.V

"Bro! Tama na yan. Marami ka ng nainom." Bawal sa'kin ni Bryan. Ka-team ko sa basketball. Nasa bar kasi kami. Of course may bar dito. Dito nga nagsisimula lahat eh. Lahat ng nagsesex. Tsk! Damn school!

"Layuan *hik* moh koh!" Sigaw ko.

"Lasing ka na. Tara na." Aniya. Inagaw nya sa'kin ang bote ng alak na hawak ko. Kinuha ko ulit pero nilalayo nya. Tsk!

"Isa pah *hik* ngah!" Sigaw ko sa bartender. Kumuha naman ito at ibinigay sa'kin.

"Bro! Tama na sabi eh!" Suway nya ulit. Inilayo ko 'yong bote dahil aagawin na naman nya.

"Pabayaan moh *hik* nah koh! Shumama kah nalang *hik* sakanila." Turo ko kay Keith na nakikipag halikan, gano'n din ang iba. Tsk! Fuckboys.

"Aish! Bahala ka nga!" Inis na sabi nya at umalis.

"Tsk!" Nasabi ko nalang at uminom ulit.

"One bottle." Sabi ng katabi kong babae. Mukang kadarating lang nya. Parang nakita ko na sya. I'm not sure kung saan. Basta parang nakita ko na sya. Nagulat ako ng bigla syang lumingon sa'kin at ngumiti. Ngumiti din ako kahit medyo blurd ang paningin ko.

"Hi." Bati ko sa kanya.

"Hello." Sagot nya.

"I'm *hik* Clyde." Pakilala ko at nilahad ang aking kamay.

"Shane Alvarez." Pakilala nya. Tinanggap nya ang kamay ko.

"Here's your order ma'am." Sabi ng bartender. Agad naman nyang tinungga 'yong beer.

"May *hik* problema kah bah?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah." Sagot nya. Nagbabasa sya ng tingin at lumungkot ang mga mata.

"About?"

"About my boyfriend."

"Why?"

"Sinasaktan nya ko emotionally. Nakikipagsex sya sa iba kahit alam nyang masasaktan ako. I'm so hurtless. I don't know if he surely love me but I felt like I'm a trash for him." Malungkot na aniya.

Tinititigan ko lang sya. Maganda pala sya.

Impure UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon