Chapter 16
Naramdaman ko ang mga kamay na dumapo sa mga balikat ko. Unti-unti kong ibinaba ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. Humihikbi akong tumingin sa kanya. Itinayo nya ako at niyakap. Napahagulgol ako lalo.
"Axel!" Umiiyak kong sabi sa kanya. Parang nagsusumbong.
"Hush, baby." Aniya. Hinahaplos nya ang likod ko.
Binigyan nya ako ng ilang minutong umiyak. Dahan-dahan akong tumahimik at hikbi nalang ang maririnig. Hinalikan nya ang ulo ko.
"Let's go." Aniya. Hinawakan nya ang kamay ko. Bago pa kami makapaglakad ay may humawak sa kabilang kamay ko. Napatingin kami sa kanya. Nag igting ang panga nya at matalim ang tingin Kay Axel.
"Pwede ba? Akin sya. Back off, Axel." Matigas na Aniya.
"Clyde..." Wala sa sariling nasabi ko.
"I'm sorry. What did you say?" Tanong ni Axel.
"She's mine. So, back off." Aniya. Umiling si Axel at nakangising Parang hindi makapaniwala.
"Get lost." Sagot lang nya at mabilis akong hinila. Wala akong nagawa kun'di magpa-hila sa kanya. Binalikan ko ng tingin si Clyde. Kumuyom ang kanyang kamao. Nag iwas na lang ako ng tingin.
Nakarating kami sa hindi pamilyar na lugar. Inilibot ko ang paningin ko. Parang... Gubat. Hinahawi ni Axel ang mga sanga'ng nakaharang sa dinaraanan namin.
"Do you know this place?" Tanong nya. Umiling ako.
"No. Nasaan tayo?" Tanong ko. Ngumiti sya.
"My place." Sagot nya. May pinindot sya sa isang pader na natatabunan ng parang mga lumot. Umilaw ito at bumukas ang nasa harap namin.
"Woah!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Pumasok kami doon.
May hagdan pababa at may pinto na naman sa dulo. Bumaba kami at pumasok na naman sa pinto. May pinindot ulit sya.
Sumalubong sa'kin ang malaking sala. Napanganga ako. May bahay sya? Maluwag at malinis na parang condo unit ang maihahambing ko dito. Sobrang ganda. Pinaupo nya ako sa sofa.
"Stay there. I'll prepare our food." Paalam nya. Tumango lang ako. Umalis sya at pumasok sa isang pinto. May malaking Flatscreen TV sa harap ko.
Black and white ang theme ng buong sala. Marami ding pinto. May itim at Puting pinto din. May malaking chandelier sa tapat ko sa kisame.
"Baby! Come here!" Sigaw nya sa loob. Tumayo ako at pumasok sa pinasukan nya kanina. Napanganga nanaman ko.
"Done examining my house?" Tanong nya. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Inakbayan nya ako at ginulo ang buhok ko.
"Hey, stop! You're ruining my hair." Pigil ko sa kanya. Tumawa lang sya. Pinaupo nya ko.
"Let's eat?" Aniya. Tumango ako at nagsimula ng kumain.
Pagkatapos naming kumain ay inaya nya ako sa kwarto nya. Inilibot daw nya ako sa buong bahay.
"Ikaw lang mag-isa dito?" Tanong ko. Nakangiti syang tumingin sakin.
"Yeah. Wala akong kasama." Sagot nya. Naalala ko si Alex. Tiningnan ko sya.
"May kapatid ka pala?" Tanong ko. Tumango sya. Huminga sya ng malalim.
"Kakambal ko sya. Do you know why you didn't saw me this past few days?" Umupo sya sa kama. "Come here." Lumapit ako sa kanya. Umupo na lang din ako sa tabi nya.
"No." Sagot ko.
"I'm sorry. Nagpagaling ako. Si Alex at ako. Muntik ko na syang mapatay no'ng nakita ko kayo. If he's hurt, I'm hurt too. If he's not okay, I'm not okay too. Lahat ng nararamdaman nya, nararamdaman ko din. Lahat ng plano nya, nalalaman ko. Parang iisa lang ang buhay namin. Pag namatay sya, mamamatay din ako." Umiling sya. "Minsan, napagkakamalan akong si Alex. Remember, Clyde said in first day?" Tanong nya. Tumango ako. "Akala nya ako si Alex. Hindi nila alam na may kakambal ako. Kabaligtaran ko si Alex. Kung anong ginawa nya sayo noon, hindi ko kayang gawin."
"Axel." Tumingin sya sa'kin at ngumiti.
"Pero kahit gano'n 'yon? Mahal ko pa din 'yon. Kapatid ko eh. Buhay ko sya." Tumawa sya pero may tumulong luha sa mga mata nya. Hinawakan ko ang kamay nya.
"Alam mo? Kahit ayaw ko sa mga ginagawa nya, pinapabayaan ko nalang Kasi... Wala naman akong mgagawa eh. Hindi sya magpapapigil. He's so much selfish. Wala syang pakialam sa'kin." Niyakap ko sya. Umiyak sya sa balikat ko. Nanginginig ang kanyang mga balikat dahil sa pag-iyak.
Nasasaktan ako para sa kanya. Kahit pala nakikita mo syang malakas, may kahinaan pa din pala sya.

BINABASA MO ANG
Impure University
RomanceIsang paaralan na akala mo'y maayos subalit may natatagong secreto. Paaralan na Hindi mo aakalaing babago sa buhay ng isang taong papasok sa ganoong paaralan. Paaralan na tuluyang sisira sa buhay mo.... ____________ Impure University