Chapyer 13

2.2K 38 0
                                    

Chapter 13

Madalas ng magkwento si Shane ng tungkol Kay Clyde. Minsan ay hindi ko nalang pinapakinggan at nagpapanggap na may ginagawa sa mga libro ko. Ayokong marinig. Ayokong tanggapin na sobrang close nila sa isa't isa. Naisip ko din na siguro ay may nangyari na sa kanila. Hindi ko kayang tanggapin iyon. Ayokong magtanong Kay Shane dahil baka magalit sya sakin. Tuwing magkakatabi kami ni Clyde sa room ay lumilipat sya sa ibang upuan. Hindi ko alam kung iniiwasan nya ba ko o talagang ayaw lang talaga nya kong makita.

Nanlulumo ako tuwing umiiwas sya sakin. Pag kakausapin ko naman sya ay bubuka pa lang ang bibig ko, tumatalikod na sya. Gusto kong mag sorry pero hindi ko magawa. Ayaw nya din naman akong kausapin kaya tumatahimik nalang din ako. Hindi na din ako nagtangka pang lumapit o kausapin sya. Ayoko ng mapahiya.

"Axel..." Tawag ko Kay Axel na may pinapanood sa cellphone nya. Nasa bench kami. Nagsusulat ako ng assignment. Nag angat sya ng tingin sakin.

"Ha?" Tanong nya.

"Ano bang pinapanood mo?" Tanong ko. Lumipat sya sa tabi ko.

"Hmm. Wala naman." Aniya. Tinitigan ko sya. Sinusuro kung Ano ang magiging reaksyon nya pero Wala. Blangko ang ekapresyon nya. "Are you done?" Tanong nya.

"Oo." Sagot ko. Niligpit ko na ang mga gamit ko. Ramdam ko ang tingin nya sakin kaya tumingin din ako sa kanya.

"Anyway, may masquerade ball daw this coming October 13." Sabi nya. Tumango ako.

"Then?" Tanong ko.

"May isusuot ka na ba?" Tanong nya. Umiling lang ako.

"May ibibigay si Principal sayong gown. Ipapadala daw sa dorm nyo mamaya." Tumango ako. Wala akong gana sa ball na yon. Ayoko sanang sumama pero dahil sa sinabi ni Axel ay mukhang mapipilitan ako.

"Let's go. I'll fetch you later. We're going to bar. Isama mo na din ang mga kaibigan mo." Tumango ako. Wala akong gana ngayong araw.

"Did I do something wrong? Baby, do you have problem?" Tanong nya. Marami akong iniisip. Kahit kailan ay hindi ko sya kinakitaan ng pag-aalala. Wala. Wala akong masyadong alam sa kanya. Hindi sya nagkukuwento tungkol sarili nya. Tuwing tatanungin ko naman sya ay agad nya ding iniiwas. Iniiba nya lagi ang usapan.

"Baby..." Napasinghap ako sa tawag nya. Masyado na yata akong natutulala.

"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko. Nag-iwas sya ng tingin. Why, Axel? Bakit lagi kang ganyan?

"Kakain ka ba muna bago pumunta sa bar mamaya?" Again. Iniwas nanaman nya ang usapan. Tumango nalang ako.

"Hmm. Okay. Tara na. Hatid na kita sa dorm nyo. Sabi nya.

Sumunod nalang ako. Maraming tanong sa isip ko. Nasan ang magulang mo, Axel? Bakit lagi mong iniiwas ang usapan? Bakit ayaw mong sabihin sakin kung anong section ka? May itintago ka ba sakin?

Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa dorm. Humarap ako sa kanya.

"Thank you. See you later. I love you." Paalam ko sa kanya. Ngumiti sya sakin. Hinalikan nya ko sa pisngi bago magsalita.

"Later, babe. I'll fetch you. I love you too." Paalam nya. Tumango ako at kumaway sa kanya ng tumalikod na sya. Pumasok ako sa dorm at agad pumunta sa kwarto. Dumiretso ako sa banyo para maligo.

Nagsuot lang ako ng simpleng royal blue'ng dress na above the knee at high heels. Bakit ako may ganito? Ewan ko. Naikita ko lang sa drawer ko na may mga dress at heels na agad. Lahat yata ng pampaganda ay mayroon na agad dito. Light make up lang at nakalugay ang mahaba kong buhok. Kinuha ko ang shoulder bag na nakita ko lang din dito sa loob ng drawer ko. Tumingala ako sa wall clock. It's 7:46pm. Susunduin daw nya ko bago mag-8 O'Clock. Hindi na ako kumain. Busog din naman ako. Lumabas ako ng kwarto ko at sa sala nalang maghintay.

Lumabas si Shane sa kwarto nya na bihis na bihis din. Naka-light pink tube dress sya at high heels. Ang buhok nya ay naka-high ponytail. Simpleng light make up lang din ang sa kanya. Nanlaki ang mata nya ng makita ako.

"Oh my! Pumunta ka din sa bar?" Masayang sigaw nya. Tumango ako at ngumiti.

"Inaya ako ni Axel." Sagot ko. Tumili sya ng sobrang lakas kaya napa-takip ako sa tainga ko.

"Talaga!? OMG! Inaya din ako ni Clyde!" Kinikilig na sabi nya. Unti-unting napawi ang ngiti sa aking labi. Inaya din sya ni Clyde? Yeah... Why not? Ngumiti nalang ako ng hilaw Kay Shane. Nagtititili pa rin sya sa kilig. Hindi ko alam kung saan sya kinikilig.

May kumatok sa pintuan kaya natigil sa pagtili si Shane. Sya na ang nagbukas. Akala ko si Axel na. Napahinga ako ng malalim.

"Oh! Kia, nandito na si Clyde. See you later." Paalam sakin ni Shane. Tumango lang ako at hilaw na ngumiti.

Nakita ko pa kung paano pinadausdos ni Clyde ang kamay nya sa baywang ni Shane. Napapikit ako. Nag iwas ako ng tingin sa kanila. Sinarado na ni Shane ang pinto. Napa-buntong hininga na lang ako. Ni hindi manlang nya ako tiningnan. Nagbara ang lalamunan ko at namumuo ang luha sa mga mata ko. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo nito. Hindi ko na yata kaya.

Napatingin ako sa pinto ng may biglang kumatok. Tumayo ako para buksan iyon.

"Are you ready?" Tanong ni Axel ng pinagbuksan ko sya. Tumango ako at ngumiti. Pinasadahan nya muna ako ng tingin bago hawakan ang kamay ko.

"Damn. You're so hot." Bulong nya. Uminit ang pisngi ko.

Naglakad lang kami papunta sa bar na sinasabi nya. Malapit lang pala sa dorm iyon. Sumalubong agad sakin ang nakakahilong mga tao at malakas na music na dumadagundong na yata sa dibdib ko. Umupo kami sa isang table. Inakbayan nya agad ako. Nilingon ko sya.

"First time ko dito!" Sigaw ko sa kanya dahil sobrang lakas ng music. Ngumiti sya sakin. Inilapit nya ang bibig nya sa tainga ko.

"Really?" Kinilabutan ako sa mapang-akit na bulong nyang iyon. Parang may iba. Ngayon ko lang Naramdaman ang kakaibang kilabot na iyon. Nagtindigan ang balahibo ko ng kinagat nya ang tainga ko. Shit!

Impure UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon