Chapter 14
Lumayo ako sa kanya. Shit! Kumunot ang noo nya sa ginawa ko.
"Why? Don't you like it?" Tanong nya. Naka-kunot pa din ang noo.
"Just... Ah... Wala." Hindi ako mapakali sa inuupuan ko ngayon. Kakaiba ang pakiramdam ko. Parang hindi sya si Axel. Tinitigan ko sya. Ganoon din ang ginawa nya. Bakit parang hindi ikaw 'yan Axel? Pinagmasdan ko ang mukha nya. Parang may iba talaga. Ganoon naman ang mukha nya noon pa pero pakiradam ko, ibang tao ang kaharap ko ngayon.
Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang diamond earing nya. Hindi sya nghihikaw! Shit! Tumikhim sya kaya napabalik ako sa realidad.
"Come here, babe." Lalong kumunot ang noo ko sa itinawag nya sakin. Babe? Baby ang tawag nya sakin! Bakit naging babe?
Hindi na nya ako pinagsalita at bigla nalang akong hinila palapit sa kanya. Nasa baywang ko na ang mga kamay nya at sobrang higpit ng pagkakahawak nya! Itinulak ko sya ng bahagya pero lalo nya lang akong hinigit. Shit! Nakatingin na sya sa mga nagsasayaw sa dance floor at nakakuyom ang panga. Para bang galit sya sa ginawa kong paglayo Kanina. Para bang anytime, sasaktan nya ko. Tumindig ang balahibo ko ng hinaplos nya ang hita ko ng isang kamay nya. Hinawakan ko ang kamay nya at inilayo iyon sa aking hita. Lalong kumuyom ang kanyang panga. Kinakabahan na ako. Iba talaga ang pakiramdam ko.
Bigla syang tumayo at kinaladkad ako sa kung saan. Paakyat yata kami sa second floor.
"T-teka! Axel, saan tayo pupunta?" Kinakabahang tanong ko. Hindi nya ko sinagot. Humigpit ang pagkakahawak nya sa pulso ko. Pilit kong binawi ang kamay ko dahil masakit ang pagkakahawak nya. Isa pa, ayokong sumama sa kanya. Natatakot ako!
"A-axel." Tawag ko. Ipinasok nya ako sa isang kwarto at mabilis na ni-lock ang pintuan. Kumalabog ang puso ko. Itinulak nya ko sa kama kaya napaupo ako. Kinakabahan na talaga ako.
"A-axel. A-anong g-ginagawa mo?" Nanginginig na tanong ko habang unti-unti syang lumalapit sakin. Ngumisi sya. Lalo akong kinabahan. Nakakakilabot.
"A-axel." Natatakot na talaga ako. Nanginginig na din ang mga tuhod ko. Paano ako tatakas?
Yumuko sya kaya napaatras ako. Shit! Lalo akong kinabahan ng maramdaman ko na naman ang mga kamay nyang dumausdos sa hita ko. Hinawi ko iyon. Nawala ang ngisi nya at napalitan ng masamang ekspresyon. Nanlaki ang mata ko. Kailangan ko ng tumakas!
Bigla nya akong itinulak dahilan kung Bakit ako napa-higa. Babangon na sana ako pero hinawakan nya ang magkabilang balikat ko para idiin pa lalo sa kama.
"Axel! Bitawan mo ako!" Sigaw ko. Pinagsusuntok ko ang dibdib nya. Hinawakan nya ang mga kamay ko at inilagay sa ibabaw ng ulo ko. Shit! Nagpumiglas ako pero sadyang malakas sya.
"Tulong! Tulungan nyo a-!" Pinutol nya ang sigaw ko. Hinalikan nya ako ng marahas at maririing halik. Panay ang piglas ko.
"Fuck!" Sigaw nya ng sinipa ko sya sa kahinaan nya dahilan kung Bakit nya ako nabitawan. Mabilis akong bumangon at tumakbo sa pintuan.
Pero hindi pa man ako nakakarating doon ay bigla nya akong binuhat. Pumiglas ako.
"Bitawan mo ako! Axel! Bitawan mo sabi ako!" Piglas ko. Hiniga nya ulit ako. Sinubukan kong bumangon pero hinawakan nya ang Paa ko. Shit!
"I'm not him! Hindi ako si Axel! So stop yelling his name!" Galit na sigaw nya. Nanlaki ang mata ko. Shit! Paanong...?
"You are mine! Only mine, Kiarra! Akin ka lang!" Sigaw nya bago ako hinalikan. Dinaganan nya ako pati ang mga paa ko. Hindi ako makagalaw. Tinikom ko ang bibig ko dahilan ng pagkainis nya.
"Open your fucking mouth!" Sigaw nya. Umiling ako. Naiiyak na ako. Help me. Nanlaki nalang bigla ako mata ko ng malakas nya akong sinampal. Napaawang ang bibig ko kaya mabilis nya na naman ako. Ipinasok nya ang dila nya sa bibig ko. Nasusuka ako! Namanhid yata ang pisngi ko dahil sa sampal nya.
"Hmmmp!" Impit na sigaw ko. Naramdaman ko na ang tuloy-tuloy na pag agos ng luha ko.
Naramdaman ko agad ang pagkapunit ng dress ko. Shit! Hinalikan nya ako ng maririin at masasakit na halik papunta sa panga at leeg ko. Pumiglas ako sa ginawa nya. Inipon ko lahat ng lakas ko para itulak sya. Nawalan sya ng balanse at tuluyan ko syang naitulak. Tumakbo agad ako sa pintuan. Kinalabog ko ito.
"Tulong! Tulungan nyo ako!" Sigaw ko.
"Fuck!" Sigaw nya. Binuhat na naman nya ako. Nagpumiglas ulit ako. Kinagat ko ang braso nya ng maihiga na naman nya ako. Bumangon ulit ako pero naabutan na naman nya ako.
"Fuck you! Pinapahirapan mo ako!" Sigaw nya.
"Aw!" Napadaing ako ng sinuntok nya ang sikmura ko. Sobrang sakit. Namilipit ako sa sakit. Nakakapanghina. Nanlambot ako. Kinuha nya ang pagkakataong iyon kaya Wala akong nagawa kundi umiyak. Again? Na naman?
Naramdaman ko ang mga kamay nya sa dibdib ko. Hindi na ako makapiglas. Sobrang nanghihina ako.
Biglang kumalabog ang pintuan. Nagkaroon ako ng pag asa. Clyde? Napahinto si Axel o kung no man ng pangalan nya. Napamura sya.
"Alex! Anong ginagawa mo?!" Tiningnan ko ang sumigaw non. Nanlumo ako ng makitang hindi sya iyon. Si... Axel? Napatingin ako sa kamukha nya. Alex?
"Easy. I'm just enjo-" pinutol ni Axel ang sinasabi ni Alex ng isang suntok iyon.
"Fuck you, kuya!" Sigaw nya. Nagulat ako. Magkapatid sila? Pinilit kong tumayo kahit nanlalambot ako. Naabutan ko si Axel na sinusuntok ang kuya nya.
"A-axel." Tawag ko. Napahinto sya sa pagsuntok at mabilis ang lakad na pumunta sakin. Hinubad nya ang kanyang jacket at isinoot sakin. Binuhat nga ako ng may pag iingat.
Axel. Gumaan ang loob ko. I feel comfortable like everything's alright. Naramdaman kong ligtas ako sa mga bisig nya. I feel strange.
![](https://img.wattpad.com/cover/148385924-288-k92915.jpg)
BINABASA MO ANG
Impure University
RomanceIsang paaralan na akala mo'y maayos subalit may natatagong secreto. Paaralan na Hindi mo aakalaing babago sa buhay ng isang taong papasok sa ganoong paaralan. Paaralan na tuluyang sisira sa buhay mo.... ____________ Impure University