" Siya ang nauna ma'am. Nagulat na nga lang ako ng bigla niya akong awayin kaya hinawakan siya ng mga kaibigan ko. " Nag labas siya ng panyo sa kaniyang bulsa at kunwaring ipinunas sa pekeng luha. Hinayaan ko lang siya sa pag ngangawa niya tutal yan naman ang gusto niya kaya pinag bigyan ko na. Hindi rin naman kasi naniniwala ang principal sakaniya why ? Hindi ba niya naisip na pati sa room namin ay may cctv ?" Enough with your dramas Cristine kala mo ba maloloko mo kami jaan? Because of that I will give you a detention slip." Napabusangot siya ng mukha at tumingin saakin ng masama na sinuklian ko lang ng isang ngisi. Tumayo na ako ng walang sabi sabi at lumabas sa office. Sinasayang lang nila ang oras ko imbis gamitin ko pa iyon sa pag hahanap sa kwintas ko.
Nag deretso ako sa canteen and thanks God wala pang tao mapapadali ang pag hahanap ko. Hindi pwedeng mawala saakin ang kwintas dahil un nalang ang huling alaala ng mga magulang ko bago sila mawala..
Hanap lang ako ng hanap hanggang sa umabot na ng labasan ngunit di ko parin nahahanap ito. Shit hindi pwede kung nawala un sa leeg ko dapat andito lang un unless may kumuha nito.
"Looking for this ?" Napalingon ako sa harapan ko at nakita ko si Sky na nakasandal sa lamesa habang hawak hawak ang kwintas ko.
" Ibalik mo yan saakin." Iritang sabi ko at mas dumagdag pa ang pag kairita ko ng tumawa siya at itinago ito sa bulsa. Umayos na siya sa pag kakatayo at tumalikod saakin.
"Get it if you can, Miss." Sabi niya sabay lakad palayo. Hindi ko na sinayang pa ang oras ko at tumakbo papunta sakaniya. Binigyan ko siya ng isang sipa sa likod dahilan ng pag ka dapa niya. Tumihaya siya at gulat na napatingin saakin. Ibinalak pa sana niyang tumayo ngunit hindi ko ito hinayaan at dinaganan na siya.. Dahil sa naawa ako imbis na suntok ang ibigay ko ay sampal nalang ang itinamo niya saakin at tinadtad ko siya nito.
"Give that necklace back! You asshole!!" Sabi ko habang paulit ulit siyang hinahampas.
"Shit ! Eto na eto na!! Aray wait lang naman fuck!" Tinigil ko ang pag hahampas sakaniya at inayos ang buhok na nakakalat sa aking mukha at bumwelo para sa huling hirit ngunit bago ko pa ito idapo sakaniyang mukha ay may humablot na saaking kamay.
"What the fu--" Nanlaki ang aking mata ng makita ko kung sino humawak saakin at walang sabisabing hinila ako para makatayo at ngaun mas malapit na ang mukha ko sa mukha niya.
"Bitawan mo ako." Malamig na sambit ko ngunit parang wala lang ito sakaniya sapagkat hinawakan niya ang aking bewang at mas inilapit pa sakaniya. Anong ginagawa niya ?
" Thanks King. Hawakan mo lang yan ako naman sasapak jan." Pumwesto si Sky para bigyan ako ng isang sapak ngunit bago pa ito tumama saakin ay sinalo na ito ni King at pinilipit.
" Enough with your stupidity Sky."
Nanayo ang balahibo ko hindi dahil sa lapit namin sa isa't isa kundi dahil sa kaniyang malamig at nakakatakot na tono. Tumingin saakin si King at napaiwas naman ako ng pag kakatitig sakaniya. Shocks hindi ko man lang namalayan na nakatitig ako sakaniya. Napatingin ako sa paligid at nakita kong marami ng mga studiante ang nanunood saamin. Kanina pa sila dito ?
"Aray, saan mo ako dadalhin?" Hilahila ako ni King hanggang sa mapunta kami sa likod ng school at sinandal ako sa pader. Great. what a nice day mapapalaban nanaman ako ng di-oras. Hinawi ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa braso ko at akma na sanang aalis ng hawakan niya ako lalo at idiniin sa pader.
" Excuse me mr.King kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko sa kaibigan mo pwes Im not sorry kinuha lang niya ang gamit ko. Kaya pwede ba bitawan mo ako." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin habang siya ay nakatingin lang saakin at hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya dahil tulad ng aking blanko lang din ito. Nag taka ako ng bigla itong ngumisi at mas inilapit ang mukha niya saakin kaya tinagilid ko ang aking ulo para hindi mag tama ang aming mga mata. Bakit ako kinakabahan.
" I sense fear in you. Are you afraid ?" Bigla ko naman siya hinarap para sana sabihing hindi ngunit nanlambot na ang aking tuhod ng mag tama na ang aming mata sa isa't isa.
" I see.. " Lumayo siya saakin at inayos na ang kaniyang tayo habang nakatingin parin saakin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Akala ko ay tapos na siya mag salita dahil natahimik kami ng isang minuto nang bigla siya nag salita na ikinagulat ko.
" You'll be punished for hurting one of the student here in MY SCHOOL."
" What?" Halos pabulong ko na sabi dahil na din sa halong halo na emotion. Inis, pag kairita, gulat. Siya ang may ari ng School na ito? What the F talaga.
" You heard it miss. And as for your punishment.." Napa atras ako kaunti ng muli siyang lumapit saakin hanggang sa maramdaman ko nanaman ang pader sa aking likuran. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa dingding sa gilid ko at inilapit ang kaniyang mukha. Napapikit naman ako ng aking mata at naramdaman ko ang lamig na pumatong saaking leeg bago ko maramdaman ang malamig na hangin saaking mukha. Kasabay ng isang bulong na tila dinala nalang ng hangin.
" Save it." Nang idilat ko na ang aking mata ay wala na siya sa aking harapan at pag hawak ko saaking leeg ay andoon na ang aking kwintas. Weird pero pamiliar ang hangin na iyon. Hindi kaya ? Hindi wag mo nang isipin un imposible.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
." Langya ka Girl!! Bakit mo ako iniwan sa school? Kung hindi pa ako tumawag sayo malamang hanggang ngaun nag hahanap parin ako at hindi ko alam na nakauwi ka na pala hayyss kaloka!" Pagkatapos na nangyari kanina ay nawalan na ako ng gana pumasok sa last subject namin kaya napagpasiyahan ko nalang umuwi. Tutal malaki naman na itong si Kaye kaya na niya sarili niya.
" Are you my mother para mag paalam ?" Sabi ko. Bigla siya lumabas sa kusina dahil nag huhugas ito ng plato at nakapamewang na humarap saakin. Nga pala mag kasama kaming dalawa dito sa bahay actually bahay niya ito ako lang nag pumilit na dito na rin para tipid at wala na siyang magagawa kundi patirahin ako dahil takot siyang mabaril sa ulo.
"For your information beshy dito ka naninirahan saakin so its my responsibility to know your safety my dear maraming gustong pumatay sayo." Tumayo na ako sa sofa at nilapitan siya bago siya batukan sa ulo.
" Tanga ka ba ? Hindi mo ba ako kilala ? Ni isang tao wala pang nakakapatay saakin baka ikaw palang." Tumalikod na ako at umakyat sa taas para mag pahinga at narinig ko naman ang mga sigaw niya.
" Of course I know you Queen!!! At bakit ako ang papatay sayo bruha?!!"
" Dahil sa kakadada mo baka patayin ko ang sarili ko dahil sayo!" I shouted back before I enter into my room.
*Beep beep* Kinuha ko ang cellphone sa pocket at tinignan ang message. Galing kay Simon ang pinag kakatiwalaan kong spy sa mga kalaban ko. Agad ko itong binuksan at binasa.
From: Simon
I found him Queen.
Napangisi ako sa nabasa ko at pumunta sa closet at kinuha ang magiging get up ko ngaung gabi.
" Can't wait to see you showering with your own blood Mr. Arnold."
BINABASA MO ANG
Mafia Princess meets the King of Vampire
Fantasia"Mabait ako sa mga mabait but don't you dare mess up with me cause I may look like an angel in the outside but, demon on the inside." -Zy " I killed thousands of people. I'm a demon and I'm a King, everyone is afraid of me. So if you are planning so...