Part Twenty-five

427 9 1
                                    

" Zyrus?" Lumapit ako dito at hinawakan ang kaniyang mukha nag babakasakaling hindi nga ako nananaginip. Totoo nga? Si Zyrus nga ang kaharap ko ngaun. Napahikbi ako at niyakap siya ng mahigpit.

" I know you'll come " Hinawakan nito ang braso ko at mahinang iniatras para magkaharap kami. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

" Dahil hindi ko kayang makuha ka ng kung sino man. Because your mine Zy Your mine. Now wear this cape because we're going Home. Your long suffer is over. " Ibinigay niya saakin ang maskara pati narin ang damit ng mga kalaban upang maka takas ng maisuot ko na ito ay niyakap ako ni Zyrus at hinawakan ang kamay ko bago lumabas.

Pasimpleng nag lalakad lang kami na para bang isa kaming mga kakampe ng kalaban. Lumusot kami sa isang malaking pinto kung saan pag bukas nito ay nakita ko ang mga bampirang nag papatayan sa ibaba. Nasa second floor kami dahil pinag masdan muna ni Zyrus ang mga ganap.

" Bakit andito kayo ? Natatalo na tayo ng mga alagad ni Zyrus at kayo ay nanunuod lang?"

"May inasikaso lang kami sa taas kaya't nahuli kami" Ako lang ba ohh talagang nag bago ang bosses ni Zyrus? Tumango naman ang kalaban at nag simula ng tumulong sa baba agad naman ako hinila ni Zyrus pababa para makaalis na kami sa lugar na ito ngunit ng pag baba namin ay agad na sumalubong si Jake na ikinaba ko. Napahigpit ang hawak ko kay Zyrus at tingin ko'y nahalata niya ito kaya't hinagod niya ang kamay ko.

" Where are you going?" Tanong nito na may pag dududa. Hindi ko alam sa oras na ito ay wala akong maramdaman kundi bilis ng tibok ng puso ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng tumingin ito saakin.

" Oh I see. Kung ako din naman ililigtas ko ang mahal ko sa kaguluhan " Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at ngaun ko lang napag tanto na ang suot naming kasuotan ay katulad sa mga alagad niya kaya't hindi niya kami nakikilala.

" Go on my friend itakas mo na siya at bumalik ka lang" Tumango lang si Zyrus at hinila na niya ako palabas sa lugar na iyon. Tagumpay kaming nakalabas sa lugar na iyon at nakita ko sa dulo ang mga kotse na hinanda ni Zyrus. Sumakay na ang iba sa black na van at kami naman ay dumeretso sa kotse ni Zyrus.

Hindi pa man kami nakakasakay ay bigla siyang tumigil sa pag lalakad at iniharap ako sakaniya.

" I need to go back. Drive for yourself."

"Pe-" hindi niya ako pinatuloy sa pag sasalita ng ilagay niya ang hintuturo niya saaking labi.

"I need to finish something don't worry. Babalik ako sayo." Hindi ko alam kung sa sitwasyong ito ay pwede akong kiligin or hindi. Langya kung nasa magandang sitwasyon lang kami nasapak ko na si Zyrus. Napatango naman ako at kinuha na ang susi sa kamay niya. Hinalikan ako nito sa noo bago patakbong umalis. Tinitigan ko lang ito hanggang sa mag laho na siya sa paningin ko. Bumuntong hininga ako at sumakay na sa kotse.

( Kaye's Point of View)

" Tangna pre hindi ganiyan ang ribbon !" Drew

" Paki mo ba? Atleast hawig!"

Napailing nalang ako sa dalawa bago ilagay ang mga bulaklak sa vase. Pag katapos ko ayusin ang mga bulaklak ay nagtungo ako sa dalawa at......

" Aray!/Ouch!" Sigaw nila ng parehas silang nakahimas sa kanilang ulo. Sabay silang napatingin saakin ng masama at balak pa sana akong gantihan ngunit napag tanto nila na ako lang ito. Napakamot si Drew ng ulo at napangiti naman si Sky na para bang may na cucutan siyang tao.

Lumapit ito saakin at tyaka pinisil ang pisngi ko.

"A-aray!!!" Sigaw ko at hinampas ang kamay niya.

Mafia Princess meets the King of VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon