Part seven

694 20 0
                                    

" Queen heto na po ang pinapahanap niyo saakin." Kinuha ko ang papel na hawak ng isa sa mga tauhan ko at sinenyasan siyang umalis.

" Pano na yan ?" Tumingin ako kay Kaye na nakaupo sa sofa katabi si Simon na nakatingin din saakin na nag aalala.

" I don't know. Hindi ko alam kung saan nanaman nag tatago si Dark."  Tumingin ako kay Simon nang tapikin niya ang aking balikat.

Wala na ba talagang pag asa na mabigyan hustisiya ang pamilya ko ?

Napaangat ako ng ulo at tumingin kay Simon na ngaun ay binibigyan ako ng panyo. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Tinanggap ko ito at sumenyas na aalis muna ako kailangan ko makapag-isa. Pag labas ko saaming hide-out ay sumakay ako saaking motor at pinuntahan ang lugar kung nasaan ang mga mahal ko.
.
.
.
.
.

Tahimik ang lugar walang kaingay ingay na tila napakapayapa dito. Siguro wala na kayong iniisip na problema jan no Ma, Pa. Hinawakan ko ang  pangalan ng aking mga magulang na nakaukit sa lapida.

Maria Clair Lim.

Joseph Vince Lim.

Pinapangako ko na hanggat nabubuhay ako  nasaakin parin ang hustisiya ng pag kamatay niyo.

Tumayo na ako at pinahid ang luhang pumatak saaking mukha.

Hinding hindi ka makakatakas kung nasaan ka man Dark. Hindi ako susuko hanggang sa mapatay kita.

*Beep*

From: Monster

Where the hell are you ?

Napairap ako nang mabasa ko ang text ni King. Tss kala niya nakalimutan ko na ang ginawa niya ? Tss never. Pag katapos niya ako halikan deserve niyang masaktan. Alam niyo ginawa ko ? Sinipa ko lang naman siya sa down there at tumakbo na papasok sa kwarto. And after nun umalis ako ng maaga para di niya ako maabutan...

Pag dating ko sa school ay nakita ko na ang nakabusangot na mukha ni King habang nag aantay sa tapat ng room namin. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit saakin kaya napatigil ako sa pag lalakad at tinignan din siya ng masama.

" What ?"

"Saan ka nag punta ?" - King

" The hell you care ?" Nag lakad na ako at lalagpasan na sana siya ngunit hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sakaniya.

" Yah the hell I care you're my slave remember? "  Napatawa ako ng peke at hinawi ang kamay kong hawak niya.

" As I said walang may umaangkin saakin. Yes I  "Was" your slave pero tapos na un." Tuluyan na akong umalis sakaniya at pumasok na sa room..

" Ok class bago ako mag tapos I just want to announce something. Napag usapan namin  na lahat ng mga studiante dito ay mag kakaroon ng fieldtrip sa bagio. At lahat kayo ay dapat umatend dahil nakasalalay din doon ang grades niyo."

"Whooooo!!!" Sigaw ng mga studiante na tila excited na excited. Nang mag bell ay agad akong tumayo at niligpit ang gamit upang makauwi ng maaga. 3:30 uwian namin ngaun at sana lang wala pa si King sa bahay para makatakas pa ako.

Pag kapasok na pagkapasok ko sa bahay ay agad kong inilibot ang mga mata ko upang makasigurado na wala talaga si King. And 100% sure wala nga siya. Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko at dali daling nilagay ang mga damit saaking maleta. After ko mag ayos ay agad na akong bumaba at dahan dahang naglakad paalis. Nasa labas na ako ng pinto at onting hakbang nalang ay makakalaya na ako..

" Wowow! Wait lang miss !" Napatigil ako sa pag lalakad nang may humarang saaking lalaki. Matangkad ito at hanggang balikat lang  niya ako. Maputi at may pagkamatangos ang ilong samahan pa na mapulang labi. Wait bakit ba lagi na ako nakakakita ng gwapong  nilalang? Bumalik ako sa wisyo ng tumikhim ito at nakangiting nakatingin saakin. Tinaasan ko naman ito ng kilay.

Mafia Princess meets the King of VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon