1.
Napatingin ako sa pulang relo na suot ko sa kaliwang kamay ko. Pinaka-iingatan ko ito dahil ito na lang ang natitirang bagay na bigay ni Mama. Hindi ito pwedeng mawala sa akin. Alas syete na pala ng umaga. Ala una ang pasok namin ni Paul at ayokong mahuli sa unang klase namin.
"Kailangan ko na pong umuwi, Mama. Babalik na lang po ulit ako dito. I-goodluck niyo na lang po ako dahil ito ang first day ng klase namin, Ma. Sana ay magkaroon ako ng maraming kaibigan dun." nakangiti kong sabi kay Mama.
Gustong-gusto kong magtagal sa piling ni Mama pero, kailangan ko talaga munang umalis sa ngayon. Kaya napilitan akong tumalikod sa puntod niya at naglakad na palayo.
3 buwan na ang nakakalipas simula ng mamatay si Mama sa sakit na pneumonia. Hindi na namin naagapan dahil, malala na ang sakit niya ng madala namin siya sa doktor.
Halos gumuho ang mundo ko ng pati si Mama ay nawala na sa akin. Hindi ako naging handa sa nangyari pero, hindi rin naman ako pinabayaan nila Aunty Leny at Paul na siyang kumupkop sa akin pagkatapos akong tuluyang maulila sa mga magulang ko.
Nanatili kaming nakatago sa malayong probinsya ng Northern Samar. Napilitan kaming mamalagi dito sa baryo ng Manraya, dito sa isla ng San Antonio dahil alam naming isa lang ito sa ilang paraan para manatiling sikreto ang aming pagkatao.
Agad akong nakalipat kila Paul matapos mailibing ni Mama. At napilitan rin akong lumipat ng paaralan para sa college.
Kahit na delikado, kahit na hindi sigurado, pinilit pa rin naming mamuhay ng katulad ng isang normal na tao. Dahil iyon naman ang isa sa mga gustong mangyari nila Mama. Ang mabuhay ako ng tahimik, at normal katulad ng iba.
Wala pa ring pinagbago ang sariwang ihip ng hangin habang payapa ang dagat sa tabi at ganon din ang mga puno ng niyog na nakikisayaw sa ritmo ng masarap na hangin.
Patuloy akong naglakad hanggang sa marating ko ang pinaka labasan ng mga libingan. Hindi ko lang kasi nadala ang aking bike kung kaya't kailangan kong maglakad pauwi. Pero hindi rin naman kalayuan ang bahay nila Aunty Leny kung kaya't masarap ring maglakad na lang.
Naging mabagal ang paghakbang ng aking mga paa ng mamataan ko ang dalawang lalaki na susuray-suray maglakad.
Napailing ako. Masyadong maaga para magpakalango sila sa alak.
Sinubukan kong huwag pansinin ang mga makakasalubong ko. Nakatungo akong humakbang para maglakad muli.
Lalagpasan ko na silang dalawa ng maramdaman ko ang mahigpit na hawak sa kaliwang braso ko.
Natigilan ako. Sinubukan kong kumawala pero, pumilipit ng mas mahigpit ang kamay sa aking braso.
"Bitawan niyo po ako." mahina kong sagot.
"Hik! A-Akala--in m-mo pare, m-may, may... maki-kita tayong... T-Tayong magandang b-babae sa gani--to kaagang... O-oras!"
BINABASA MO ANG
THE ONE That I Wanted (BOOK 1)
RomanceAno'ng gagawin mo kung magiging mapanganib ang pag-ibig na itinakda para sa iyo? Kakapit ka pa ba at ipaglalaban ito kahit na ang kapalit ay kamatayan? O bibitiw na lang at magpaparaya kapalit ng katahimikan at kaligtasan ng taong iyong minamahal? ©...