28.
"A-Ano? Bakit mo naman hihilutin ang binti ko?" takang tanong ko dahil mukhang nakuha ko na ang sinasabi niya.
Nalingon niya ulit ako. "Hindi ka nakikinig, no? Ang sabi ko, parte ito ng theraphy mo. Tutulungan kita para mas mabilis ang paggaling mo." at saka siya sumimangot.
Patay! Hindi ko naman alam na iyon ang dahilan ng pagpunta niya. At kaya lang naman ako nagpalit ng shorts ay nahihiya akong sumalubong sa kanya ng naka pajama dahil masyado pang maaga ang pagpunta niya.
Hindi ko naman inaasahang, hindi pala siya magiging komportable sa ginawa ko.
Napalunok ako. "Eh di ano... Ahm, m-magpapalit lang ako saglit. Tulungan mo na lang akong magpunta muna ng kwar--"
Nagsalubong na naman ang kanyang mga kilay na nakatingin sa akin. "Hindi na. Magtitiis na lang ako. Isa pa, sigurado akong hindi ka pa kumakain kaya, ikukuha na lang muna kita ng makakain sa kusina niyo. Dyan ka lang, ha. Huwag kang malikot." tanggi niya at dali-daling tumalikod.
Natawa ako. Sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ako agad makakapaglikot kagaya ng sinasabi niya.
Nakita ko ang mga bulaklak na dala niya at ang mga ito'y nakapatong sa lamesa. Kinuha ko ang mga ito at inamoy. Sariwang-sariwa.
"Para sa akin ba ang mga ito?" habol kong tanong sa kanya bago pa siya makapasok sa kusina.
Nalingon niya ako at ngumisi ng pagkaganda. Saka tumango.
Oh, Jordan! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinapasaya ngayon.
Naririnig ko ang ingay nilang dalawa ni Paul sa kusina ngunit hindi malinaw ang mga sinasabi nila. Maya-maya pa ay sumunod na ang malakas na halakhakan na alam kong sa kanilang dalawa galing. Hindi rin naman nagtagal si Jordan sa kusina dahil lumabas na siya dala ang isang tray na may lamang dalawang tasa ng kape, at maraming piraso ng pandesal saka iilang hiwa ng hinog na papaya.
Hindi ko maiwasan ang pagngiti.
Nailapag niya ang tray sa ibabaw ng lamesa.
"Oh heto, kumain ka na muna para may lakas ka sa gagawin nating theraphy." alok niya at ibinigay niya sa akin ang isang tasa, at pandesal. May palaman na pala itong keso na paborito ko.
"Gusto mo subuan kita?" tanong niya.
"H-Ha? Bakit pa? Maayos namang nakakagalaw ang mga kamay ko. Ang mabuti pa, kumain ka na lang din. Sabayan mo na ako. Maaga ang pagpunta mo kaya baka hindi ka pa nag-aagahan."
Lumipat na siya sa tabi ko para umupo. "Nag-almusal na ako sa bahay. Pero magkakape na lang ulit ako para huwag akong antukin. Masyado kasing maaga ang gising ko kanina, eh."
"Hindi mo naman kasi kailangang agahan ang pagpunta."
BINABASA MO ANG
THE ONE That I Wanted (BOOK 1)
RomanceAno'ng gagawin mo kung magiging mapanganib ang pag-ibig na itinakda para sa iyo? Kakapit ka pa ba at ipaglalaban ito kahit na ang kapalit ay kamatayan? O bibitiw na lang at magpaparaya kapalit ng katahimikan at kaligtasan ng taong iyong minamahal? ©...