Chapter 2

18.3K 310 7
                                    

2.

Nilakbay namin ni Paul ang daan papuntang unibersidad dahil hindi naman ito kalayuan sa aming baryo. Bukod kasi sa bisekleta, tanging motorsiklo lang ang transportasyon dito sa San Antonio. Isang malayong isla ng Northern Samar ang tinitirhan namin at ligtas kami dito dahil bukod sa maliit lang ito na isla, hindi ito madaling puntahan kung hindi mo kayang tawirin ang dagat na nakapalibot sa isla.

Natanaw ko na agad ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng gate ng UEP. Malaki ito, at alam kong marami rin ang mga estudyante dito dahil marami itong kurso na pwedeng pagpilian ng mga gustong pumasok dito.

Pero marami rin ang napalingon sa amin ng iparada na namin ni Paul ang aming mga bike sa loteng nilaan para sa mga estudyanteng may bike na dala. Kinadenahan ni Paul ang aming mga bike at ikinabit niya ang pad lock sa isa sa mga bakal na nakapalibot sa gate ng paaralan.

Pinasadahan kami ng tingin ng bawat estudyanteng madaanan namin pero hindi iyon alintana ni Paul. Hindi na rin ako magtataka kung bakit hindi iyon binibigyan ng pansin ng pinsan ko.

Batid kong kilala si Paul sa unibersidad na ito. Hindi ko rin naman maitatanggi kung maraming babae ang nagkakagusto sa pinsan ko dahil totoong gwapo ito. Isa rin itong varsity player dahil naglalaro ito ng basketball sa unibersidad. Yun nga lang, alam ko rin na iisang babae lang ang nakabihag sa kanyang puso.

"Masyado pa namang maaga para mahuli tayo sa klase. Okay lang ba kung hintayin muna natin si Jenny ? Nasabi ko kasi sa kanya na sabay kaming papasok eh." sabi niya sa akin.

Ngumiti ako at tumango. "Wala namang problema dun. Sige, saan ba natin siya hihintayin ?" tanong ko.

"Dun na lang sa may ilalim ng punong mangga malapit sa canteen." sagot niya.

Tinungo nga namin ang lugar na iyon. Pero bago kami makalapit ay napilitang tumigil si Paul sa paglalakad. 

4 na lalaki ang sumalubong sa amin at humarang sa daan. Mga estudyante rin sila ngunit, bukas ang butones ng kanilang puting polo shirt kaya naman naipakita nito ang kanya-kanya nilang mga puting panloob na sando. 3 sa kanila ay medyo mahaba na ang mga buhok, na sa tantya ko ay aabot hanggang batok. 2 sa kanila ay may hikaw sa kanang tenga, at ang dalawa naman ay nakangisi ng malaki kay Paul. Pero agad din silang nagbawi ng tingin sa pinsan ko at natuon sa akin ang bawat titig ng bawat isa sa kanila.

"Tingnan mo nga naman o. Nagbakasyon lang, may bago na agad chiks ! Pero kung makapanlait kay Jordan, akala mo kung sino'ng malinis." sabi ng lalaking may hikaw sa tenga at nakapamulsa sa itim na slacks nito.

Humugot ng malalim na buntong-hininga ang pinsan ko. "Wala akong balak na makipag-away sa inyo ngayon." sabi niya.

Lalong lumapad ang ngiti ng lalaking naunang nangkomento kanina. "Wala nga. Pero kami, meron." malakas na loob na tugon nito.

Unang araw pa lang ng eskwela ay naghahanap na agad ng gulo ang mga taong to. Pumunta ba sila dito para lang makipag basag ulo ?

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon