Author's Note:
Sa wakas, author's note na! Hahaha! Tapos na rin ang TOTIW sa tinatagal-tagal, ano po? Masaya ako at na-revive ko pa sa kailaliman ng utak ko ang high school story ko na 'to. At ang nakakatuwa, nabigyan ko pa siya ng ending na malayo sa ending na ginawa ko noong high school ako. Nirevise ko kasi ang kwento nito.
Alam kong hindi ko naipaliwanag sa inyo 'to kaya, sasabihin ko na rin, para doon sa mga interesado. Medyo dumugo ang ilong ko kasi ito ang unang beses na nagsulat ako gamit ang mga medyo pormal na tagalog words. Binagay ko lang po kasi iyon sa timeline ng story which is mga early 2000 pa at doon sa mismong setting, which is an island town in Northern Samar, na hindi pa ganon ka-civilized ang mga tao at hindi pa rin uso doon ang cellphone. Kaya rin akong sinulat na gumagamit sila ng cellphone as a way of communication. Hindi rin po ako taga-northern samar pero nakapagbakasyon po ako doon kaya may background po ako ng mga lugar at way of living. (sa mga nagtatanong po.)
At alam ko ring bitin ang story, kaya meron pong BOOK 2. OPO, MAY BOOK 2 ANG THE ONE. Kaya sana, wala ng magco-comment kung may book 2 ba o wala. Kasi capslock na yan, readers po tayo kaya for sure, nakaka-comprehend po tayo sa kung ano'ng nababasa natin. Kung kelan? Hopefully this year ko na rin magawa pero may uunahin rin akong Monteverde at Martin kaya, tentative lang ang date na yan.
Lastly, gusto kong magpasalamat. Hindi naman yun mawawala, eh! Salamat dahil kahit natagalan ako sa story na 'to kahit hindi naman siya ganon kahaba eh, may mga nagbasa pa rin hanggang dito! Isa pa ring malaking accomplishment para sa akin ang makatapos ng isang kwento at mahalaga po iyon. Kaya maraming maraming thankyou ulit sa patuloy na suporta.
'Til my next story.
Lovelots,
DisenchantedNow
BINABASA MO ANG
THE ONE That I Wanted (BOOK 1)
RomanceAno'ng gagawin mo kung magiging mapanganib ang pag-ibig na itinakda para sa iyo? Kakapit ka pa ba at ipaglalaban ito kahit na ang kapalit ay kamatayan? O bibitiw na lang at magpaparaya kapalit ng katahimikan at kaligtasan ng taong iyong minamahal? ©...