4.
Tama si Aunty. Pangalawa sa dulong baryo ang Binisitahan. Pero hindi naman ako pwedeng tumunganga na lang dito at walang gawin para sa kawawang bata.
"Ano'ng oras daw po uuwi si Paul ?" tanong ko.
"Yun ang hindi niya nasabi, Shin. Pero parang awa mo na, hintayin mo na lang ang pinsan mo para kayong dalawa ang maghatid sa kanya kung gusto mo talagang tulungan ang batang 'to." sagot ni Aunty.
Napalunok ako at inilapit ko na muna ang bata kay Aunty.
"Maghahanap lang po muna ako ng tanod na makakatulong sa atin para maihatid ang batang 'to. Pakihawakan po muna siya, Aunty." sabi ko at lumapit naman kay Aunty ang batang katatahan lang mula sa pag-iyak.
Tumango si Aunty Leny at inakbayan ang bata. "Mas mabuti pa nga. Sige, hihintayin ka namin dito." sang-ayon nito at pumasok na sa loob ng gate.
Agad naman akong pumunta sa maliit na barangay hall malapit sa tabing dagat ngunit patay ang ilaw at walang katao-tao.
Mukhang walang mga tanod na pwedeng sumama sa akin paghatid sa naliligaw na bata.
Mukhang wala na akong ibang pwedeng pagpilian. Hindi ko pwedeng hintayin na lang si Paul na dumating dahil hindi rin naman alam ni Aunty kung uuwi ito ng maaga o magtatagal pa doon sa baryo Pilar.
Bumalik ako sa bahay at inihanda ang bike.
"O ano, may sasama bang barangay tanod ?" tanong ni Aunty matapos kong tawagin ang bata.
"Ah, opo. Naghihintay na po siya doon sa barangay kaya, doon na po kami pupunta, Aunty. Mauna na po ako. Wag po kayong mag-alala, mag-iingat naman po ako, eh. At babalik po ako agad kapag nasiguro ko ng ligtas ang batang 'to." pagsisinungaling ko.
Pasensya na po sa pagsisinungaling, Aunty. Pero kailangan kong gawin 'to.
Tumango si Aunty. "O sige. Mag-iingat kayo, ha. Siguraduhin mong kasama mo pa rin ang tanod pag-uwi mo. Shin, delikado ang baryong yun. Maraming mga masasamang loob ang namumugad doon." paalalang muli ni Aunty.
Nginitian ko siya at tinanguan. "Masusunod po, Aunty. At ipagtatanggol ko naman po ang sarili ko kapag nagkataon."
"Alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero dapat mo ring isipin na posibleng merong spy sa islang ito si Jiro. At hindi magiging maganda kung makikita ka nila. Alam mo naman yun, di ba ?" bilin pa nito.
"Opo. Alam ko po Aunty. Sige po, aalis na po kami para makauwi na po ako ng maaga. At para hindi rin po kami mahirapan sa daan."
"O sige, ingat Shin. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa umalis si Paul. Hayy."
Matipid kong nangitian si Aunty at tuluyan ng pumedal palayo ng bahay habang nakaupo sa unahan ang bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/12418625-288-k766220.jpg)
BINABASA MO ANG
THE ONE That I Wanted (BOOK 1)
RomansaAno'ng gagawin mo kung magiging mapanganib ang pag-ibig na itinakda para sa iyo? Kakapit ka pa ba at ipaglalaban ito kahit na ang kapalit ay kamatayan? O bibitiw na lang at magpaparaya kapalit ng katahimikan at kaligtasan ng taong iyong minamahal? ©...