5.
"Ah, hindi na ..." at mabilis akong umiling.
"... Okay lang ako. Kaya ko namang umuwi. Isa pa, kailangan ko na ring umalis dahil baka hinahanap na rin kasi ako sa amin." tanggi ko sa suhestyon ni Gio dahil alam ko namang, ayaw yon ng kapatid niya.
Mariin ang pagkakakunot noo nito habang seryosong nakatingin sa akin. Marami na akong ganito kasamang makatingin sa akin. Pero, bakit iba ang isang to ? Bakit kailangang kumalabog ng dibdib ko dahil lang sa malapit siya sa akin ?
"Anak, tama ang kapatid mo ... Tama si Gio. Ihatid mo na muna si ano ... si ... Pasensya na, hija. Hindi ko pa kasi nakukuha ang pangalan mo." sabi ng Mama nila na ngumiti sa akin.
"Oo nga po pala, Ate. Kanina pa tayo nagkukwentuhan pero, hindi ko pa natanong ang pangalan mo. Ako nga po pala si Gio, ateng maganda. Ikaw po, ano'ng pangalan mo ?" dagdag ni Gio.
Oo nga naman. Kanina pa kami nag-uusap pero dahil nalihis ang pag-iisip ko tungkol sa kung ano'ng meron sa Papa at Kuya niya ay hindi ko nagawang itanong ang pangalan niya.
"Shin po. Shin po ang pangalan ko." at tinugon ko ang ngiti ng kanilang ina.
Ngunit ang Kuya lang ni Gio ang hindi ngumiti ng banggitin ko ang pangalan ko. Siya lang ang bukod tanging seryoso pa rin sa aming apat.
"Kasing ganda mo ang pangalan mo, hija. At sobra akong nagpapasalamat dahil inihatid mo si Gio dito sa amin. Hindi ka natakot, kahit pa na delikado ang daan sa Igang. At totoo bang hinabol kayo doon ?"
Tumango lang ako at ngumiting muli. Hindi na ako pwedeng magtagal pa. Mamaya ay baka bigla na lang sumulpot dito si Paul na galit na galit dahil sa ginawa kong pagtakas at pagsisinungaling.
"Gusto ko lang pong tumulong. Pero, pasensya na po, kailangan ko na po talagang umalis. Mauna na po ako. Gio, mag-iingat ka na sa susunod, ha. Peor masaya ako at nagkakilala tayo." paalam ko at napilitan na akong tumalikod kahit pa na pakiramdam ko ay parang ayaw ng umalis ng mga paa ko sa kinatatayuan ko. Parang gusto kong manatili sa lugar na yon. At makipag-usap sa kanila.
Sa kanya.
Sasakay na akong muli ng bike ng matigilan ako dahil sa mga kamay na pumulupot sa aking bewang. Agad akong napalingon at nakita ko si Gio na nakayakap sa aking bewang.
"Ate, ate ... Pwede po bang magkita tayo ulit ? Pwede po ba ?" tanong niya sa akin.
Napangiti ako.
"Gio, ano ba, anak ... Kailangan ng umuwi ni Ate mo dahil delikado na. Lumalalim na ang gabi, anak."
"Magtatanong lang naman po ako kay Ate kung pwede pa kaming magkita ulit, eh. Gusto ko po kayo ulit makakwentuhan, ate. Pwede po ba ?" pangungulit niya.
Ang ganda ng mga mata ng batang to. Parang mata ng kanyang Kuya. Mahahaba rin ang mga pilik mata.

BINABASA MO ANG
THE ONE That I Wanted (BOOK 1)
RomanceAno'ng gagawin mo kung magiging mapanganib ang pag-ibig na itinakda para sa iyo? Kakapit ka pa ba at ipaglalaban ito kahit na ang kapalit ay kamatayan? O bibitiw na lang at magpaparaya kapalit ng katahimikan at kaligtasan ng taong iyong minamahal? ©...