Epilogue

8.6K 204 8
                                    

Epilogue

Pinilit kong imulat ang aking mga mata kahit pa na ramdam ko ang bawat bugbog na natamo ko sa aking katawan.

Hindi ko alam kung paano ko hihilumin ang sobrang sakit ng aking ulo dahil parang bibiyakin na ito. 

Napalunok ako ng ilang beses at ipinilig sa gawing kanan ang aking ulo upang makita kung nasaang lugar ako. Nakita ko ang isang maliit na lamesa sa tabi ng kamang hinihigaan ko na may nakapatong na tray. May laman itong tubig at tableta na hindi ko alam kung para saan. Ang kulay ng dingding ay kulay asul. Puti ang kisame, at nakakasilaw ang liwanag ng ilaw na nasa itaas.

Akma ko ng tatakpan ang aking mata ng sarili kong kamay pero agad ko ring naibaba ito at napaigtad dahil sa matinding sakit. Sigurado akong bali ang braso ko dahil sa hampas ng bakal ng isa sa mga kalaban.

Nasaan ako? Alam kong wala ako sa bahay. Malayo kila Auntie Lenny... Kay Paul. Kay Jordan. Malayo sa lahat ng taong mahal ko.

Sinubukan kong mag-isip ng posibleng lugar na paroroonan ko pero, ospital lang ang tanging alam ko na pwede kong puntahan kung sakaling may nakakita man sa akin sa liblib na look na iyon ng Baryo Bato. Ngunit malakas ang kutob ko na hindi ospital ang kinasadlakan ko.

At hindi ko rin maisip kung paano pa akong nakaligtas pagkatapos ng sinapit ko. Naramdaman ko ang malakas na paghampas sa aking ulo ni---

Natigilan ako sa aking pag-iisip ng makarinig ako ng mga yabag mula sa labas kung kaya't agad kong ipinikit ang aking mga mata at nagkunwaring natutulog pa rin.

Narinig kong bumukas ang pintuan at ilang yabag ng mga paa ang pumasok sa loob.

"Hindi pa rin ba siya nagigising?" tanong ng isang lalaking malaki ang boses.

"2 araw na po, Master. Pero ang sabi naman ng doktor, ngayong araw na 'to ay pwede ng magising si Ms. Takano." 

Takano? Paano nila nalamang isa akong Takano?

Humalakhak ang lalaking may malaking boses. "Wala akong pakialam kung kailan siya magigising. Basta ang importante ay buhay siya, at nasa kamay ko na siya. Hinding-hindi ako papayag na hindi niya pagbayaran ang ginawang pagtakas ng pamilya niya sa kabayarang, dapat ay noon pa nila binigay. At sigurado naman akong hindi siya hihindian ni Kei. Hinding-hindi niya matatanggihan ang isang 'to." at nagpatuloy ang kanyang malutong na tawa. 

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon