Chapter 33

7.3K 279 30
                                        

33.

Hindi. Hindi ako makapaniwala.

Patay na ang estudyanteng pinagtutulungan nila?

Muli pang sinuntok ng lalaking kumwelyo dito ang kawawang estudyante pero, hindi ko na nakitaan ng anumang reaksyon, o anumang ingay.

Hindi ko maiwasang magimbal. Kung hindi ako nagkakamali ay mga kasing-edad ko lang ang mga ito o hindi naman kaya ay matanda lang sa akin ng isang taon. Pero bakit nila nagagawa ang ganitong mga bagay? Bakit nila nakakayang pumatay? Sa ano'ng dahilan?

Nakagat ko ang aking ibabang labi at nag-isip sa pinakamabilis na paraan. Ano ba ang meron lang ako? Puro libro, notebook at bolpen lang ang laman ng bag ko maliban sa baunan ng tubig, at panyo.

Panyo...

Natingnan kong muli ang dalawa na mukhang papaalis na at may kung ano'ng ginagawa para hindi agad makita ang katawan ng kanilang biktima.

Hindi pwedeng basta na lang sila makakaalis. Hindi pwedeng hindi nila pagbayaran ang ginawa nila.

Agad kong kinuha ang panyo mula sa bag at saka ko ito ipinantakip sa aking mukha na mata lang ang kita. Ipinusod ko rin ang aking buhok upang hindi ito lumugay, at tinanggal ko ang aking mga hikaw. Hindi nila pwedeng malaman na babae ako, lalo na ang makita ang mukha ko. Hindi ko pa sigurado kung gaano sila kadelikado kaya kailangan kong mag-ingat.

Naghubad ako ng sapatos at itinaas ko hanggang tuhod ang pants na suot ko. Itinaas ko rin hanggang balikat ang mga manggas ng aking blouse para hindi halata ang aking uniporme.

Tumalikod na ang dalawa at akmang aalis na ng matigilan sila dahil binato ko sila ng bato ngunit hindi sila natamaan.

"Ano yun?!" tanong ng isa na agad lumingon at natigilan ng makita akong lumalapit sa kanila.

"Sino naman yan?" tanong sa kanya ng lalaking kanina pa tumatawa.

"Aba malay ko! Eh nakita mo na ngang may takip ang mukha!" iritableng sagot niya.

"Hoy! Umalis ka nga dito! Ano bang kailangan mo at bakit ganyan ang hitsura mo?" aroganteng sabi niya sa akin.

"Ano'ng ginawa niyo sa kasama niyo? Buhay pa ba siya?" 

Nagkatinginan ang dalawa. "Walanghiya! Nakita niya tayo?" nag-aalalang saad ng lalaking kumwelyo kanina sa estudyante.

"Oo! Nakita ko kayo. At sa tingin niyo ba, makakatakas kayo sa ginawa niyo?" sabi ko.

Ngunit malakas lang na tumawa ang katabi niya. Napansin ko ang magkatulad na pendant ng kanilang mga kwintas na suot. Isang letrang 'S' na nakapaloob sa bilog.

Ano'ng ibig sabihin nito? Ano'ng grupo ang kinabibilangan nila.

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon