Chapter 26

7.3K 273 26
                                    

26.

Napailang kurap pa ako bago tuluyang magising sa tila isang panaginip na tagpo sa araw na ito.

"Shin, anak... Ayos ka lang? Nandito na tayo." sabi sa akin ni Auntie Lenny habang nakalabas na siya sa loob ng tricycle at nakalahad na ang kanyang kamay sa akin upang tuluyan akong makalabas.

Mabilis na naman ang tibok ng puso ko at muli kong sinulyapan ang mga nakita ko dito mula sa loob.

Totoo ba talaga ito? Nandito sila?

Napalunok ako at kumapit sa kamay ni Auntie para lumabas. At tuluyan ko ng hindi namalayan ang pagbabayad nila Paul ng pamasahe dahil napako na ang tingin ko sa magkapatid na nakatayo sa gilid ng gate ng bahay.

"Ate! Ate Shin!" at agad na yumakap sa bewang ko ang batang si Gio, na malawak ang pagkakangiti sa akin.

Awtomatiko akong napangiti at agad nahaplos ng kabilang kamay ko ang kanyang ulo.

"Gio..."

Narinig ko ang pagtawa ni Auntie Lenny at Jenny samantalang ngiti lang ang gumuhit sa mga labi ni Paul.

Puno man ako ng pagtataka sa mga sandaling iyon ngunit agad na naagaw ng atensyon ko ang masayang-masaya na si Gio at ang papalapit na sa amin na, kuya niya.

"Ate! Miss na miss na kita! Mabuti nga at pumayag talaga si Kuya na sumama ako sa pagpunta niya dito! Sinabi niya rin kasing naaksidente ka at kailangan mong magpagaling! Ate... Okay ka na ba? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Gio.

Natawa ako sa dami ng kanyang sinabi sa akin. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya ngayong muli kaming nagkita.

Dahil minsan kong hiniling na sana ay magkaroon din ako ng kapatid. Na sana ay nagkaroon din ako. At naiinggit ako kay Jordan na mayroon siyang Gio na kasama sa buhay.

"Kahit kailan talaga, ang daldal mo, Gio!" sabay halakhak ni Paul.

Nalingon ko siya at nangitian niya lang ako.

Posible bang...

Dinala ako ng sarili kong mga mata sa lalaking nakatayo sa likod ni Gio, sa mismong harap ko. 

Nakasuot siya ng itim na tshirt, maong na shorts at tsinelas habang nakasabit sa kanyang leeg ang mas maikling silver na kwintas na may pareho pa ring pendant... Krus.

Ang mukha niya ay mayroong tatlong band aid na nagkalat sa kanyang kilay, sa kanyang kaliwang pisngi, at sa may kaliwang noo samantalang ang kanyang ilong ay may ilang galos, at namumula pa rin dahil sa sugat ang sulok ng kanyang labi.

Ngunit hawak niya pa rin ang kumpol ng mga bulaklak. Hindi niya ito binibitawan, at nakatitig siya ng mabuti sa akin.

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon