Chapter 7

12.2K 277 14
                                    

7.

Hindi ko alam kung bakit ako napahinto. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari at ang tanging nagawa ko lang ay ang tingnan silang dalawa na unti-unting lumalapit sa kinatatayuan ko.

Agad akong nakita ni Abby na nawala ang ngisi. Ngunit hindi ko maiwasang tingnan ang kasama niyang lalaki na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung namumukhaan niya ba ako, o natatandaan man lang. Iniisip ko rin kung nasa kanya pa ba ang panyong binigay ko para ampatin ang sugat niya o tinapon na niya ito.

"O, ano'ng problema mo at nakatingin ka yata sa boyfriend ko ?" masungit na tanong ni Abby.

Agad kong nalingon si Abby at nakita ko ang pagpulupot ng kanyang mga kamay sa braso nito. Hindi pumalag o hindi umiwas ang kapatid ni Gio. Kaya, tama lang na isipin kong boyfriend nga siya ni Abby.

Boyfriend na siya ni Abby. May girlfriend na siya. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko ? Bakit kailangan kong madismaya ? Bakit kailangan kong malungkot sa katotohanang yon ?

Ni hindi ko inakalang dito ko siya muling makikita. At may nagmamay-ari na pala ng puso niya.

Ang akala ko kasi ... Ang akala ko ...

"Hoy, Shin ! Pwede ba, tigilan mo nga yang katititig sa kanya ! Tss ! Grabe, kabago-bago mo pa lang dito, lumalandi ka na ?! Tss ! Wag mo na siyang pangarapin dahil hinding-hindi mo siya maaagaw sakin !" sigaw sa akin ni Abby na siyang, nagpakurap sa akin ng ilang ulit.

Nalingon ko si Abby. "Ah, p-pasensya na. Hindi naman sa ganon. May kamukha kasi siya. Yung batang natulungan ko nung nakaraan. Pasensya na ulit. Sige, mauna na ako." at akma ko na silang lalagpasan ng bigla akong hatakin ni Abby pabalik para pigilan.

Matalim ang mga titig niya sa akin at hindi ko alam kung para saan yun.

"Matunog ang pangalan mo na kakalaban sa akin sa eleksyon ng Student Organization Club. Pero wag mo ng subukan. Ayokong mapahiya ka lang, Shin. Ayokong pagtawanan kita dahil sa kapangahasan mong kalabanin ako." at hindi ko alam kung pang-iinsulto ba iyon o binibigyan niya ako ng payo.

Natingnan ko lang siya at marahang kinuha ang aking braso. "Mauna na ako." at nagmadaling naglakad palayo.

Ano'ng problema, Shin ? Ano'ng nangyayari sa yo ?

**

Tumunog na ang bell hudyat ng simula ng isang oras na lunch time namin.

Muli kaming sinundo nila Paul, Jenny at Alvin na gusto kaming makasabay kumain.

"Hindi niyo na kailangang humiwalay ng lamesa. Pwede na tayong magsama-sama." sabi ni Paul habang naglalakad kami. Tuyo na ang sugat niya sa gilid ng kanyang mga labi. Nilagyan na lamang ng band aid ni Jenny ang medyo mahabang sugat sa kanyang pisngi para hindi masagwang tingnan. Ngunit mas lalo yatang ikinagwapo ng pinsan ko ang band aid sa kanyang mukha. Napansin ko ang mga tinging ipinupukol ng mga kababaihang nadadaanan namin kay Paul.

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon