Chapter 11

10K 247 10
                                        

11.

Mahigpit rin akong niyapos ni Jenny at masayang binati sa pagkapanalo ko bilang presidente ng SOC.

"Sinasabi ko na nga ba at mananalo tayo, eh ! Mananalo ka !" sabi niya habang nakangiti ng malaki sa akin.

Tumango ako. "Pero hindi ko magagawa ang tagumpay na ito kung wala kayo. Kaya malaki ang naging parte niyo kung bakit ako nanalo. Maraming-maraming salamat." tugon ko sa sinabi niya.

Lumapit sila Paul at Alvin. Naakbayan ako ng pinsan ko at napaangat ang sulok ng kanyang labi. 

"Masaya ako para sa yo ! Congrats !" bati niya.

"Congrats, mahal ko." malambing na dagdag ni Alvin na agad namang naging dahilan kung bakit nagtuksuhan ang karamihan ng mga estudyanteng nakarinig noon.

"Naku naman talaga ! Kailan ka kaya sasagutin, ano ?" tuksong tanong ni Rose Jean.

Napanguso si Alvin. "Oo nga eh. Pero ayos lang. Nangako akong maghihintay ako sa kanya, kaya walang kaso yun." tugon niya sa kaibigan ko.

"Eh bagay naman kasi talaga, eh." komento pa ng iilan sa mga nandun.

Ngunit naagaw ang atensyon naming lahat ng marinig namin ang malakas na sigaw ni Abby na hindi ko napansing nasa harap na pala ng bulletin board.

"Hindi ! Ano'ng klaseng resulta to ?! Bakit ganito ?! Bakit hindi ang pangalan ko ang nakalagay dito ?!" galit na galit na tanong niya at marahas na hinablot ang papel na may nakasulat na mga opisyal na nahalal para sa SOC.

"Halata namang nandaya ang kampo nila para manalo si Shin. Ano sa tingin mo ? Dahil hindi pwedeng matalo si Abby. Hindi pa natatalo si Abby." agad na saklolo ni Carissa na kunot na kunot ang noo habang nakatingin kay Abby na halos mamula na sa galit.

"Hoy ... Ano'ng nandaya ? ... Sigurado ka ba sa sinasabi mo ? Nakikita mo naman kung ano'ng sistema ng botohan, di ba ?" agad na angal ni Paul na nakapagpa-atras kay Carissa.

Nalingon ko ang pinsan ko. "Paul ... Mas maganda kung aalis na lang tayo. Walang patutunguhan kung makikipag-away tayo." paga-aya ko sa kanila.

"Bakit ka aalis eh wala ka namang ginagawang masama ?" tanggi ni Paul.

"Tama si Paul, Shin. Wala kang ginawang masama kaya hindi ikaw ang dapat na umatras." sang-ayon ni Jenny.

Nakita ko ang masamang tingin na ipinupukol ni Abby sa akin habang nagdi-diskusyon kami ng pinsan ko.

"Huwag niyo nga kaming daanin sa pananakot !" sigaw ni Rachel.

Napailing si Alvin. "Miss, hindi namin kayo tinatakot. Nagsasabi lang kami ng totoo. At wala kayong karapatang akusahan si Shin na nandaya dahil alam nating lahat na lumaban kami ng patas dito. Bakit hindi niyo na lang tanggapin na hindi laging bida yang kaibigan niyo ? Na may nahanap na rin siyang katapat, sa wakas." sagot ni Alvin.

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon