13.
15 minuto bago mag-alas sais ay natapos na namin ang pagkukulay ng malaking poster para sa Parents Day.
Nalingon namin ni Jordan ang isa't-isa. At muli, hindi ko na naman naiwasan ang humanga sa mukha niya lalo na ang mga mata niyang binagayan talaga ng mahahabang pilik mata.
Nangitian ko siya pero, hindi niya ito tinugon. Sa halip ay natitigan niya lang ako ng matagal, at humugot ng malalim na hininga.
Gusto kong magtanong kung bakit niya ako tinulungan. O kung bakit pa siya nandito. Pero, natatakot akong, masira ko ang magandang pagkakataon na ito kaya, hindi ko na lang itatanong kahit gusto kong malaman ang sagot.
"Siguro naman makakauwi ka na ngayong tapos mo na tong ginagawa mo." paismid niyang sabi at nagbawi ng tingin sa akin.
Napalunok ako. At matatapos na pala ang sandaling ito, yung magkasama tayo.
"Ah, oo. Maraming salamat rin pala sa pagtulong." tugon ko at nagsimulang iligpit ang mga gamit sa pagkukulay.
Tumayo na rin ako para buhatin ang malaking poster at ilipat sa mahabang table na nandoon ngunit siya na ang gumawa nito para sa akin.
Muli niya akong natitigan ng humarap siya sa akin. At mukhang nakabisado ko na yata ang kaninang sinabi niya sa akin.
Magiging sunod-sunuran pa rin ako sa yo.
Ano bang gusto niyang ipahiwatig sa mga sinabi niyang ito ?
Isa pa, girlfriend niya si Abby, di ba ?
"Ano na ? ... Hindi ka pa ba aalis ? Umuwi ka na !" kunot-noo niyang taboy sa akin.
Napapitlag ako doon. "H-Ha ? ... Ah ... O sige. Pero, ikaw ? Di ka pa ba, uuwi ?"
May gagawin pa ba siya ?
Napaangat ng bahagya ang sulok ng kanyang labi. "Hindi naman tayo magkapareho ng baryo, di ba ? Bakit kailangan nating sabay umuwi ?" sagot niya.
Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Ganon ba ang interpretasyon niya sa tanong ko ? Pero, wala naman akong balak na sumabay sa kanya pag-uwi dahil alam kong, hindi siya papayag, at hindi rin pwede.
Pero napatango din ako katagalan. Naisakbit ko ang aking bag sa balikat at nagpaalam na sa kanya.
"Sige, mauna na ako sa yo. Salamat ulit sa pagtulong." at nangitian ko siyang muli bago tuluyang tumalikod.
Pero nakakailang hakbang pa lang ako at hindi pa nakakalayo sa kanya ay napilitan akong tumigil.
"Wag mo ng gagawin to sa susunod ..." narinig kong sabi niya sa matigas na tono.
Muli ko siyang nalingon at natitigan. At muli kong naramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko. "Ano'ng ibig mong sabihin ? Alin ang hindi ko dapat gawin ?" gusto kong linawin ang lahat.
BINABASA MO ANG
THE ONE That I Wanted (BOOK 1)
RomanceAno'ng gagawin mo kung magiging mapanganib ang pag-ibig na itinakda para sa iyo? Kakapit ka pa ba at ipaglalaban ito kahit na ang kapalit ay kamatayan? O bibitiw na lang at magpaparaya kapalit ng katahimikan at kaligtasan ng taong iyong minamahal? ©...