Chapter 6

12.3K 244 9
                                    

6.

Sabay-sabay kaming nagpunta nila Paul sa canteen para sa lunch time namin, ngunit hindi na rin naman sila nagpilit ng sabihin kong sila Rose Jean ang sasamahan ko para kumain ng pananghalian sa kondisyong hindi kami lalayo sa table nila. 

Tahimik kaming kumakain nila Rose Jean at Josie at napagmasdan ko kung gaano pumutok ang labi ng pinsan ko dahil sa suntok na natamo niya. Alam kong malakas ang pagkakasuntok nun base na lang sa sugat na natamo niya. Pero hindi ko alam kung gumanti man lang siya. At kung hindi, bakit ? Bakit hindi siya gumanti ?

"Hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang away nilang dalawa." sabi ni Rose Jean.

Nalingon ko ang aking kaibigan. "Kilala mo ba ang may gawa nito sa kanya ?" tanong ko.

Pareho akong nalingon ng mag-pinsan.

"Kilalang-kilala, Shin. Isa pa, masyado siyang sikat para hindi namin makilala." sagot ni Rose Jean.

"Sino siya ? Sino ang kaaway ni Paul ? At matagal na ba silang magkaaway ?" hindi ko mapigilan ang magtanong. Gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong makilala ang taong ito.

"Ang tanging lalaking kayang sumuntok kay Paul ay walang iba kung hindi si Jordan. Ang numero unong kaaway niya simula first year pa lang kami. At habang buhay na lang yata silang magsusuntukan sa tuwing magkikita silang dalawa." kwento pa ni Rose Jean.

"Pero bakit hindi pa rin sila matigil ? Ano'ng dahilan at bakit kailangan nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaway ? Hindi ko maintindihan. Parang wala naman kasing kabuluhan kung nag-umpisa pa ito noong nakaraang taon at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang hidwaan nila."

"Tanungin mo na lang si Paul tungkol sa pinag-awayan nila, Shin. Marami kasing dahilan. At sa tingin ko ay, sa kanya rin dapat manggaling ang sagot sa tanong mo." si Josie.

Natigilan ako at napatango saka sumubo ng isang kutsara ng kanin at ulam.

"Pero ... May nasabi si Paul na kaibigan kanina, kung tama ang pagkakarinig ko. Magkaibigan ba sila ?"

Marahang tumango si Josie. "Oo. Dati yun."

Humugot ako ng malalim na hininga at muling nalingon ang gawi nila Paul. Napapangiwi ito habang dinadampian ni Jenny ng panyo ang gilid ng kanyang labi na malaki ang sugat.

Dati silang magkaibigan ni Jordan. Pero ano'ng nangyari at bakit sila naging magka-away ? Ano'ng nangyari at bakit natapos ang pagkakaibigan nila ?

Hindi ko alam kung magsasabi sa akin si Paul sa oras na tanungin ko siya ng tungkol kay Jordan. Pero, gusto kong subukan na magka-ayos silang dalawa.

"Oo nga pala, Shin. Magsisimula na ang eleksyon para sa presidente ng Student Organization Club. Baka gusto mong sumali. Pakiramdam ko kasi, malaki ang pag-asa na manalo ka dun !" tuwang sabi ni Rose Jean.

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon