Chapter 16

9.3K 225 8
                                    

16.

"Nagkausap na ba kayo ni Alvin ?" Bungad na tanong sa akin ni Paul ng makauwi kami sa bahay.

Nalingon ko siya. Pati ba siya ay alam na gusto akong kausapin ni Alvin ?

"Hindi pa eh. Bakit ? At paano mo nalaman ?"

"Eh bago kasi siya pumunta sa building niyo kanina ay kinausap niya muna ako. Gusto daw niyang humingi ng dispensa sa yo at gusto ka raw niyang makausap. Gusto daw niyang maghintay, Shin." paliwanag ng pinsan ko.

Laglag ang balikat ko sa narinig kong iyon. Akala ko ba ay okay na kay Alvin ? Na kakalimutan na lang niya ako ? Akala ko nung mga panahong hindi siya nagpapakita sa akin ay nagsisimula na rin siyang lumimot at mas ituon ang atensyon sa ibang babae at hindi na sa ain ? Akala ko ay nagkaintindihan na kami dahil galit siya sa akin noong huli naming pag-uusap.

"Pero Paul ... Alam mo naman ang magiging sagot ko. Ano'ng sabi mo sa kanya ?" tanong ko.

"Binalaan ko na rin naman siya eh. Na hindi magbabago ang isip mo. Pero Shin, mukhang gustong-gusto ka nga talaga ng kaibigan ko. Ayaw magpaawat eh. Tutulungan pa rin naman kita pero, baka mahirapan ka sa kanya ngayong, gusto niyang maghintay at hindi siya titigil kahit na binasted mo na siya." sagot ni Paul.

"Wala ka na bang ibang paraan na pwedeng maisip ? Ayoko lang na umasa si Alvin sa wala. Ayoko na siyang maghintay. Masakit maghintay sa taong hindi ka bibigyan ng pag-asa kahit kaunti. Magsasayang ka lang ng panahon."

Napailing si Paul. "Hindi ko alam. Sa ngayon, wala pa. Yun ay, kung sasabihin mong, meron ka ngiba. Pero sino naman ang ihaharap mo sa kanya ? Eh hindi ka nga nagpapaligaw sa ibang lalaki, di ba ? At isa pa, alam ni Alvin ang bagay na yon. Kaya imposibleng maniwala siya."

Agad kong naisip si Jordan. Agad kong naalala ang mukha niyang seryoso pero sa tuwing tumititig siya sa akin ay mas lalo siyang gumgwapo.

Meron akong maipapakilala. Pero alam kong hindi pwede. 

Bumuntong hininga ako. "Bahala na. Kung kailangan kong ipaliwanag sa kanya ng paulit-ulit, gagawin ko para lang hindi siya masaktan ng sobra." sabi ko kay Paul.

Dahil alam ko namang wala talaga akong mararamdaman para kay Alvin kundi ang pagmamahal lang ng isang kaibigan. Sa kadahilanang, mayroon ng taong, unti-unting humahawak at kumukulong sa puso ko.

At yun ang taong gusto kong makasama. Gusto kong bigyan ng pagkakataon. Gusto kong gustuhin niya rin ako ... At kung pahihintulutan ng tadhana, gusto ko ring mahalin niya ako.

**

Pagkatapos ko siyang makita sa function hall noong makalawa ay hindi na muling nasundan pa ang pagkikita namin ni Jordan. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin kahit na gusto ko siyang hanapin.

Sa bagay, pwede naman kitang makita kung kelan ko gustuhin. 

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon