Chapter 32

7.2K 187 6
                                    

32.

Hinatid nga ako ni Jordan pauwi sa aming bahay. Pinagalitan pa ako ni Paul pagdating ngunit nagpaliwanag naman ako at pati na rin ang aking nobyo.

"Alam ko na hindi dapat siya pumunta. Sinabihan ko ang lahat ng tropa ko na walang pagsasabihan kung nasaan ako. Lalo na si Kevin lalo na at, pag-aari nila ang tinutuluyan ko ngayon. Hindi ko inaasahang makikita ko siya doon, Paul. Pero, gusto ko na ring magpasalamat dahil kahit papaano, gumaan ang loob ko. Malaking tulong ang pinsan mo." sabi niya kay Paul ng magkaharap silang dalawa.

Alas-syete na pala ng gabi ng makarating kami sa bahay. Ang akala ko pa naman ay magagawa kong makauwi ng alas-sais, kagaya ng sinabi ko kay Paul.

Napameywang ang pinsan ko habang salubong pa rin ang kanyang kilay. "At talagang nagsinungaling ka pa sa akin, Shin. Ilang beses mo ba itong gagawin, ha? Masyado mo ng pinag-aalala si Mama. Alam mo bang hindi na siya mapakali habang wala ka? Isipin mo naman kami, Shin. Isipin mo yung mga taong naghihintay sa yo dito sa bahay. Oo, alam kong nag-aalala ka kay Jordan, pero sana mag-aalala ka rin kay Mama. Kahit kay Mama na lang, dahil alam mo namang sa amin ka binilin ni Auntie, eh. Alam mo ang panganib na pwedeng mangyari. Kaya wag naman sanang matigas ang ulo mo!" tuluyan ng tumaas ang boses ni Paul.

Napatungo ako. May punto naman kasi talaga si Paul. At nagkamali ako. Siguro nga ay masyado kong inaalala si Jordan na pati ang pamilya ko ay nawala saglit sa isip ko.

"Patawad, Paul. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Nagdadalawang isip lang rin kasi ako na magsabi sa iyo dahil baka... Baka hindi mo ako payagan, eh." sinubukan kong sabihin sa kanya ang totoo.

"At talagang hindi kita papayagan! Kahit papaano ay lalaki si Jordan! Hindi mo ba naisip kung gaano kalayo ang nilakbay mo?! Pinaka dulong isla ang Burabod, ano ka ba?!..." at tumalikod siya mula sa amin.

"... Hindi ko alam kung bakit parang nawawala ka sa tamang pag-iisip minsan kapag si Jordan na ang pinag-uusapan." dagdag niya pa, at sapat na iyon para marinig ni Jordan.

Natingnan ko si Paul. "Paul, pakiusap. Wala namang kinalaman si Jordan sa ginawa ko. Oo, nagkamali ako. Huwag na natin siyang idamay. Gusto niya lang talagang siguraduhin na ligtas akong nakauwi kaya siya sumama. Huwag na nating dagdagan ang sama ng loob niya." saway ko sa kanya at nalingon ko ang mahal ko sa aking tabi na nanatili pa ring tahimik.

Muli kaming hinarap ni Paul. Pinakatitigang mabuti bago muling nagsalita. "Ano'ng ginawa mo sa pinsan ko, ha? Sigurado akong iniwan kayo ni Kevin para mag-usap. Pero nag-usap nga lang ba kayo?" usisa niya.

"Paul!" agad akong napakunot ng noo sa tanong niya. Mukhang lumagpas na yata sa linya ang pinsan ko.

Seryoso siyang natingnan ni Jordan. "Gago. Kung gagawin ko man yun, hinding-hindi ko na siya ibabalik sa inyo dahil papakasalan ko na siya at magsasama na kami. Huwag ka ngang siraulo, Evangelista!" tugon ni Jordan.

"Huwag mo naman kaming pag-isipan ng masama, Paul. Ang pinunta ko lang talaga doon ay para malaman ang kalagayan niya. At talagang nag-usap lang kaming dalawa. Ano ka ba!" dagdag ko.

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon