Chapter 17

9.3K 255 41
                                    

17.

Natitigan ko si Alvin. "Hindi naman ako galit sa yo dahil sa mga nasabi mo o dahil sa pagtaas ng boses mo. Hindi rin naman kita masisisi dahil alam kong nasaktan ko ang damdamin mo, Alvin. Kaya, hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil wala ka namang naging kasalanan. Naiintindihan ko ang lahat." sabi ko sa kanya.

Ngumiti si Alvin. "Maraming salamat Shin. Alam ko kung gaano ka kabait at isa yan sa mga nagustuhan ko. Ibig bang sabihin niyan, pumapayag ka na sa gusto ko ?" at nangislap ang kanyang mga mata sa pag-asa.

"Ha ? Ah ... H-Hin---"

Tinawanan niya ako. "Biro lang ! Huwag kang mag-alala, hindi kita bibiglain. Hahayaan kitang pag-isipan yon. Pero, maghihintay pa rin talaga ako, Shin. Alam kong darating rin ang araw na, magugustuhan mo rin ako. Kailangan ko lang maging masipag at matyaga." pagbawi niya sa akin.

Pilit akong ngumiti. "Ikaw, kumain ka na ba ? Baka hindi ka pa kumakain, ha." pag-iiba ko ng usapan.

"Tapos na ako, kanina pa sa bahay. Kaya, wag mo na akong isipin. Basta kumain ka at magpakabusog dahil dadagsa na ang mga tao mamaya pagdating ng alas nwebe at baka makalimutan mo ng kumain sa sobrang abala mo." tugon nito.

Tumango ako. Napatango na lamang ako bilang pagsagot sa sinabi niya.

Ewan ko ba, nauubusan ako ng sasabihin pagdating kay Alvin. Nauubusan ako ng mga itatanong. Hindi katulad kay Jordan. Kahit na hindi ko man maitanong ang lahat sa kanya, maraming bagay ang naglalaro sa isip ko patungkol kay Jordan.

Dahil ba, hindi talaga ako naging interesado kay Alvin ?

Matapos niya akong ihatid sa may stage para sa gagawin kong pagsusuri ng mga dekorasyong sinisimulan ng ikabit, ay hinayaan na muna ako ni Alvin na mag-isa. Iniwan niya ako doon upang makapag-pokus daw ako sa mga ginagawa ko.

Ngunit hindi niya rin kinalimutan ang pag-uusap namin na gusto niyang mangyari. Muli niyang pinaalala sa akin na mamaya, sa kalagitnaan ng pagtatanghal, dahil wala na rin naman akong masyadong gagawin ay kukunin niya daw ang pagkakataong iyon para makapag-usap kami ng kaming dalawa lang.

Gusto ko sanang magdahilan na marami pa akong gagawin pagkatapos noon ngunit hindi ko yata kayang mapalitan ng malungkot na mukha ang masayang aura niya ngayon. Hindi ko yata kayang biguin ng ganon kadali ang puso niya sa pangalawang pagkakataon. Kaya nagawa ko na lamang na tumango sa pag-anyaya niya.

Hindi nga kami nagkamali ng inasahan ng isa-isang dumagsa ang mga pangunahing panauhin namin sa araw na ito. At iyon ay walang iba kung hindi mga magulang na nagsama ng kanilang mga anak para makilahok na rin sa event na inihanda para lamang sa kanila.

3 opisyal ng SOC ang nakatayo sa malaking entrance gate ng UEP para salubungin ang mga magulang na nagsisipasok.

Isa ako sa mga opisyal na iyon kung saan masayang bumabati sa bawat nanay at tatay na pumapasok at ganon na din ang pag-abot sa bawat nanay ng sariwang pulang rosas bilang tanda ng pagmamahal galing sa kanilang mga anak.

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon