Chapter 15

9.1K 225 23
                                    

15.

Halos hindi ko mapaniwalaan ang sinabi ni Jordan. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong paniwalaan o isiping, isa lang itong malaking kalokohan.

Muling kumalabog ang aking dibdib. Muling bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nalingon ko siya na ngayon ay nakatitig na sa akin ng seryoso.

"Bakit ?" iyon ang unang salitang lumabas sa dibdib ko pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya.

"Dahil gusto ko. Yan lagi ang dapat na isipan mo. Sa tuwing magtatanong ka ng bakit, isa lang ang isasagot ko. Dahil gusto ko." sagot niya.

Napalunok ako. At nanlaki ang mga mata ko ng hilahin niya ako paupo sa tabi niya.

"Jordan ..." mahina kong tawag ng hindi na niya binitawan pang muli ang kamay niya na kamay ko.

Napapalunok ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit ang laki ng kaba ko sa mga sandaling ito. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng hinahawakan ng lalaki ang kamay ng babae ? Minsan ng nahawakan ni Alvin ang kamay ko, pero hindi naman ganito ang pakiramdam ko.

Muli kong natingnan ang kamay kong hawak-hawak ni Jordan, at muli akong tumingin sa mukha niya. Pero hindi iniwasan na niya ako ng tingin at tumanaw sa malayo ngunit hawak pa rin niya ang kamay ko.

Sobrang naguguluhan na ako. Ano ba ang gusto niyang mangyari ? 

"... Jordan, bumalik na tayo sa mga klase natin. Maga-alas tres na rin, eh. Baka dumating na yung sunod naming propesor. At baka hinahanap na rin ako ng mga kaibigan ko." sabi ko sa kanya.

Hangga't maaari, gusto ko pa sanang magtagal kami doon ng kaming dalawa lang. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Sinabi ko na at pinagpilitan kong, dapat na akong lumayo sa kanya pero heto ako at nasa tabi niya, hindi mapigilang maging masaya lalo na at hawak niya pa rin ang kamay ko.

Ngunit mali ito, di ba ? Dahil alam kong may taong nasasaktan pa rin hanggang ngayon samantalang ako ay nakangiti kasama ang lalaking, hindi na natanggal sa isip ko simula pa lang nung una kaming magkita.

Ang lalaking, unti-unting gumagawa ng pwesto sa puso ko.

Sinubukan kong bawiin ang kamay kong hawak niya pero, lalo niya lang hinigpitan ang paghawak noon at nalingon niya ako.

"Gusto kang makita ng kapatid ko. Simula noong tinulungan mo siya, daldal na siya ng daldal sa bahay dahil gusto ka daw niyang makita at makausap ulit. Gusto ka niyang makasama ulit." tugon niya.

Napangiti ako. Totoo ba ito ? Hinahanap ako ni Gio at gusto niya ulit akong makita ?

"Talaga ? ... Kung ganon pwede ko ba siyang makita ? Namimiss ko na rin ang batang yon. Alam mo bang ang kulit-kulit ng kapatid mo ? At ang tapang niya dahil kahit na mapanganib ang sitwasyon namin noon, hindi siya nagpadala sa takot masyado. Nakakatuwa ang kapatid mo. Isa pa, matalino siyang bata."

THE ONE That I Wanted (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon