Kabanata 3

775K 15.9K 2.8K
                                    

"GALIT PO BA SIYA?"


Nanlalamig ang mga palad ni Camilla nang muli siyang ipatawag ni Diaz. Pangalawang araw na mula nang umalis siya sa hotel matapos ma-knock out si Hendrick Montemayor.


Oo, alam niya na ang pangalan ng lalaki. Alam niya na dahil hindi na itinatago ni Diaz sa kanya since pinapupunta raw siya mismo ng Hendrick na iyon sa kompanya nito.


Ang ipinagtataka lang niya ay bakit sa Montemayor Construction Company siya nito pinapunta at hindi sa Montemayor Hotel na lang gaya noong una? Mukhang wala na talaga itong balak ituloy ang nasa kontrata at mas gusto na lang siyang ibaon sa buhangin at sementuhin ng Hendrick na iyon.


"Kausapin mo na lang siya, hija." Sa boses ni Diaz ay nakiki-simpatya ito sa kanya.


Lalo tuloy siyang kinabahan. Tumango siya rito. "S-sige po..."


Malaki ang kasalanan niya sa lalaking kakaharapin niya ngayon. Binayaran siya nito ng malaking halaga para sana sa isang gabing kaligayahan sa kandungan niya, subalit disaster ang ibinigay niya.


Tinungo niya ang itinurong daan ng sekretarya umano ni Hendrick Montemayor. Ang lalaking ilang gabing laman ng panaginip niya na hindi niya maintindihan kung sweetdreams ba o nightmare. Sweetdreams kasi sobrang guwapo nito o nightmare dahil sa galit na galit ito


"Mr. CEO is on the 30th floor," anang babaeng staff na sumalubong sa kanya sa lobby ng matayog na building ng Montemayor Construction Company.


Sumakay siya sa presidential elevator. Narating niya na ang malaking pinto na may nakasulat na OFFICE OF THE CEO na nasa 30th floor.


[ You're reading an old JFstories. MSAGA 1st Gen]


Ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Nanlalamig pa rin ang mga palad niya nang itikom niya ang mga iyon para ipangkatok sa dahon ng pinto.


Saglit lang ay automatikong bumukas ang kanyang kinakatok. Automatic sliding door pala iyon.


Napakalamig ng AC kumpara sa hallway. Kasing laki rin ng hotel room na pinuntahan niya noon ang opisina ng lalaki. She was nervous, but she pretended to be calm. She needed to.


"Camilla Honrado," a cold and baritone voice said.


Napadiretso ang tingin niya sa napakaguwapong nilalang na nakaupo sa swivel chair. Parang mas lalong lumakas ang hangin na mula sa AC o dahil lang sa nagyeyelo ang mga titig sa kanya ng kulay tsokolate nitong mga mata.


Sa harapan nito ay may malaking mesa na pinaglalagyan ng MacBook laptop at ilang folders. Ang suot nito ay itim na coat at may polo sa loob. Ang necktie ay hindi nakakabit, sa halip ay nakapatong sa ibabaw ng mesa. What a devil in a corporate attire.


Mas guwapo, napakaguwapo nito sa liwanag. Kahit bahagyang messy ang buhok, wala sa ayos ang coat at hindi niya suot ang necktie, tila pwede pa rin nito ariin ang buong mundo.


His mere presence was intimidating. He was looking so high and mighty. Hindi pwedeng hindi mo igagalang. Hindi pwede na hindi mo siya pangingilagan.


"Have a seat."


Naupo naman siya habang pasimpleng iginagala ang paningin sa paligid. Kailangan niyang aliwin ang sarili dahil kung hindi, mamamatay siya sa tensyon dahil sa malamig na mga titig nito.


"Anong ginawa mo sa pera?"


"Po?" Nagulat siya sa diretsang tanong nito.


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon