Kabanata 37

244K 8.2K 2.9K
                                    

"KAKAIN KA?" Kahit inaantok na ay bumangon pa rin si Camilla mula sa kama.


Pinilit niya talagang 'wag munang makatulog dahil hinintay niya pa na dumating si Hendrick. Isang linggo na mula noong magkaroon ng trahedya ang pamilya nito. Nasa ospital pa rin si Leo.


Tumayo siya at lalapit sana rito. "Gusto mo bang ipaghanda na kita?"


"Kumain na ako sa meeting." Nilampasan siya nito. 


"Ah, gano'n ba?" Nasaktan siya sa pakikitungo nito.


Bigla na lang kasi itong nagbago mula noong bumalik ito galing sa Amerika para sa isang business seminar. Matapos ding maaksidente si Leo ay palagi na itong tahimik at bihirang magsalita. Bumalik bigla ang dating Hendrick na hindi maunawaan ang nilalaman ng isipan.


"Hendrick . . ."


"Yes?" Inalis nito ang suot na coat.


"Iyong sa kasal natin . . ." Alam niyang wrong timing na ipaalala niya iyon dito dahil sa sunod-sunod na trahedyang dumaan ngunit gusto niya pa ring malaman ang estado nila.


Doon na ito tumingin sa kanya.


"Tinatanong kasi ng ate mo kung nakapili na raw ba tayo roon sa dalawang simbahan . . ."


"Bahala ka na."


"Okay." 'Ayun na naman iyong sakit. Ngunit naunawaan naman niya kung bakit ito ganoon. Nakamasid lang siya sa bawat galaw nito. Nakatingin siya sa perpektong katawan nito na unti- unti nang lumalantad sa kanyang harapan. Nakahubad na si Hendrick.


Sinundan niya ito hanggang sa pumasok na ito sa banyo bitbit ang tuwalya. Tumayo siya sa likuran ng sliding door ng shower room sa loob ng bathroom.


"Oo nga pala . . . si Kara." 


Nagsimula na itong sumahod sa lumalagaslas na tubig mula sa dutsa. "Kumusta na siya?" tanong nito.


Mabuti pa si Kara, kinukumusta nito. "Dadalhin ko siya sa ospital bukas . . . nilalagnat kasi siya . . ."


"Okay," tugon nitong walang-kasinlamig.


Hindi iyon ang inaasahan niya. Ang inaasahan niyang sasabihin nito ay ang pagsama nito sa kanya. Iyong dating Hendrick na palaging nakasuporta sa lahat ng gagawin niya.


Hindi pa talaga okay ang asawa niya. Gayunman ay hindi niya pa rin ito sinusukuan. Hindi ito nagalit sa kanya nang mawala ang baby nila. Uunawain niya ito gaya ng pag-unawa nito sa kanya.


Walang-sinabi ang dinaranas niya kaysa sa dinaranas nito. Dalawa sa pamangkin nito ang nasa alanganin. Ang isa ay nawawala at hindi pa rin matagpuan, na-stroke din ang mommy nito, at nawala rin dito ang baby nila. Dagdag pang nagkaproblema pa ang isa sa mga negosyong hinahawakan nito.

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon